Epilogue

1.9K 53 4
                                    

(After 3 years)

ION POV

Death anniversary ngayon nina Vice at ng kambal namin. Sa nakalipas na mga taon, masasabi kong hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari noon.

Ang sakit na naramdaman ko noon, ay ramdam ko pa rin hanggang ngayon. Ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi nabawasan man lang o nagbago. Siguro nga tatanda na lang ako mag-isa.

Nasa sementeryo ako ngayon, kahit wala silang bangkay na naibigay samin. Napili namin na magkaroon pa rin sila ng puntod. Miski man lang doon ay may alaala kami sa kanila.

"Darling, my dear angels. Intayin niyo ko sa heaven huh. Alam kong matagal pa bago tayo magkita. Pero sana naman wag kayong mainip. Mahal na mahal ko kayo. I love you." Sabi ko na lamang sa kawalan.

Tinanggap ko na lang din na patay na talaga sila. Dahil ilang beses ko man silang ipahanap, pero wala. Minsan naiisip ko na lang na magpakamatay, at nagawa ko na rin minsan yun. Pero napigilan ako nina Nanay. Ilang beses silang umiyak ng dahil sakin.

Noong nakita ko silang nahihirapan. Bigla ko na lang naisip na, hindi lang ako yung nasasaktan. Miski yung mga pamilya ko, nasasaktan na rin. Naging selfish ako. Babalik na lamang ako sa opisina ko.

(Office)

Pagkarating ko sa opisina ay bumungad sakin ang buong tropa.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko naman sa kanila.

"Dito muna kami. Death anniversary ngayon nina Vice, baka kasi may gawin ka na namang ano eh."  Sagot naman sakin ni Mariel. Napangiti na lang ako sa kanila.

"Wala akong ibang gagawin. Mag-interview lang ako para sa magiging secretary ko." Sagot ko naman sa kanila.

"Na interview na namin yung iba. Bagsak, puro kakirehan lang ang alam." Sagot sakin ni Anne na mukhang naiinis. Natawa na lamang kami sa kanya. Hanggang sa pumasok si Kevin.

"Sir.... Magugulat kayo sa susunod na aplikante." Kabadong saad sakin ni Kevin.

"Talaga ba? Papasukin mo na siya." Utos ko naman dito.

Hanggang sa pumasok na nga ang hindi ko inaasahang tao na makikita ko muli. Paano nangyari ito? Natulala na lamang ako noong nakita siya.

Nagkatitigan kami. Ang puso ko biglang tumigil ang tibok. Parang siya lang yung taong nakikita ko. Alam kong may iba rin sa mga titig niya sakin. Siya ang unang bumawi ng tingin dahil may kumulbit sa kanya.

"Mommy, let's go na. I'm hungry." Saad ng batang babae sa kanyang ina.

"Wait, Baby. Mag-apply muna ng work si Mommy. Okay? Go to your brother outside. Where is your nanny?" Tanong naman nito sa bata. Itinuro naman nito ang labas.

"Good morning, Sir. Perez. I'm Iris Romeo. Mag-aapply po sana ako as your secretary." Saad nito. Iris? Bakit Iris ang pangalan niya? May dumating ba na bata ulit lalaki naman.

Noong makabawi na sa gulat sina Anne at agad silang lumapit kay "IRIS" daw. Niyakap nila ito ng mahigpit. Pero wala itong kilos man lang na ginawa. Litong lito ang itsura niya.

"Vice? Bakit Iris ang pangalan mo? Bakit ngayon ka lang bumalik?" Umiiyak na sabi ni Karylle.

"Ahm, Ma'am. Hindi po ako si Vice. Ako po si Iris, Iris Romeo. Baka kamukha ko lang po yung sinasabi niyo." Paliwanag naman nito.

"Hindi pwede. Ikaw si Vice, ikaw talaga yan. Siya si Ion oh. Yung asawa mo." Giit naman ni Mariel.

"Ma'am pasensya na po. Pero hindi po siya ang asawa ko. May asawa na po ako si Terrence Romeo. Nagkakamali lang kayo." Litong lito na sabi nito.

"Mrs. Ro... meo, maupo ka muna. Isama mo na rin ang mga anak mo." Malamig na sabi ko sa kanya. Nanikip ang dibdib ko sa mga salitang binigkas ko.

"Thank you, Sir." Simpleng sagot nito. Gusto ko siyang yakapin. Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Ano pangalan ng mga anak mo? Ilang taon na sila?" Tanong ko sa kanya.

"My baby girl is Savannah Khione and Sky Eros. 3 years old na sila. Birthday nila ngayon." Masayang saad nito.

May mali talaga, paanong nangyari na kamukhang kamukha nito ni Iris si Vice? At kambal din ang anak niya. Kasing edad pa ng anak namin. Kailangan kong malaman ang sagot sa lahat ng ito. Malakas ang kutob ko. Sila talaga ang pamilya ko.

---------------The End--------------

Author's Note:

End of Book 1.

Book 2 na po ako ng My Gangster Lover. Ang title po ng book 2 ay "Way Back Into My Wife and Kids"

My Gangster Lover (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon