Chapter 31

1.4K 34 10
                                    

ALEXANDER POV

Sobrang sakit na nakita ko siyang ikinasal. Parang dinudurog ang puso ko. Gusto kong sumigaw noong kasal nila na itigil yun, pero pinigilan ako ni Ace. Oo, tama kayo ng nabasa.

Kung may spy dito sa grupo ko si Ion meron din ako sa kanya. Si Ace lang naman ang bestfriend ko.  Ayaw man niya sa mga plano ko, wala siyang magagawa. Malaki ang utang na loob niya sakin.

Akala ni Ion nalalamangan na niya ako. Pero nagkakamali siya. Lahat ng akala niya na nanalo siya sa mga naging laban namin.

Hindi niya alam, kasama yung lahat sa plano ko. Mababawi ko rin si Vice sa kanya, hindi man ngayon malapit na.

"Boss aga mo namang nag-iinom." Saad ng nakangiti sakin ni Ace.

Ano ba ginagawa nito sa bahay ko? Dito siya pumupunta kapag may ibinabalita sakin.

"Wala kang paki. Ano ba ginagawa mo dito? Kumusta yung honeymoon nina Vice?" Tanong ko sa kanya. Tumawa naman ito.

"Dito muna ako matutulog. Napuyat ako." Maikling sagot niya sakin. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka.

"Tsk. Sagutin mo tanong ko. Yung sa honeymoon nila." Nakatungo kong saad sabay inom ng alak.

"Pumunta sina Vice sa bahay nila Anne. Hindi natuloy ang honeymoon nila. Tinoyo siya, pinagbantay niya kami ni Max sa kwarto kung saan siya matutulog. Hindi niya pinapasok si Ion dun hahaha." Natatawang kwento nito sa akin.

Pati naman ako napatawa. Iba talaga kapag si Vice ang tinoyo. Lagi ko siyang binabantayan mula sa malayo, alam ko na ang ugali niya.

"Bakit ayaw mo pa siyang pakawalan? May asawa't anak na siya. May iba ka pang mahahanap na iba." Pahayag sakin ni Ace. Akala niya ba, hindi ko napapansin na nagkakagusto rin siya kay Vice.

"Bakit ayaw mo yang itanong at sabihin yan sa sarili mo?" Sagot ko na pabalang sa kanya. Gumuhit naman sa mata niya ang pagkabigla.

"Akala mo ba di kita naoobserbahan na nagkakagusto kana rin kay Vice." Dugtong ko pa sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Madali lang kasi siyang mahalin. Aaminin ko sayo, mahal ko siya. At gagawin ko ang lahat wag lang siyang madamay sa away niyo ni Ion." Diretsang saad niya sakin. Nagpanting naman ang tenga ko sa sinabi niya. Nasuntok ko naman siya dahil sa galit. 

"Eto, tandaan mo. AKIN LANG SI VICE! KUNG KAILANGAN KITANG PATAYIN! PAPATAYIN KITA! KAYA UMAYOS KA!" Galit na galit kong saad sa kanya.

"Pasensya na." Simpleng saad sakin ni Ace.

"Umayos ka, ano ang balita sa gang ni Ion?" Pag-iiba ko na lamang ng topic.
"Wala pa." Sagot nito. Hmmmm.. Mukhang nag-eenjoy muna ito bilang asawa ni Vice.

"Eto na ang plano...." Paliwanag ko sa kanya. Humanda ka ngayon sakin Ion. Sisimulan ko na ang pamemeste sa relasyon niyo.

"Eh, paano si Vice?" Saad sakin ni Ace. Tsk, mahal nga ng hinayupak na to si Vice. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kaya ka nga nandun diba. Ikaw ang bodyguard niya. Basta sasabihan na lang kita sa iba mo pang gagawin." Sabi ko sa kanya. Ang dami pang sinasabi eh. Nagpaalam na ito at umalis.

Humanda ka Ion, kukunin ko sayo ang mag-iina mo. Mamahalin ko sila ng higit pa sa ipaparamdam mo sa kanila.

My Gangster Lover (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon