Chapter 30

1.6K 44 4
                                    

VICE POV

Umalis na nga kami sa reception, dahil sa kagustuhan ni Ion. Pagkapasok pa lang namin sa aming bahay ay nagdikit na agad ang aming mga labi. Nag-aalab ang halikan sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa humiwalay muna siya sakin.

"Bakit?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dun tayo magpatuloy sa taas, Darling." Saad naman niya sakin at binuhat na agad ako.

Habang tinatahak namin ang daan patungo sa kwarto namin ay naghalikan muli kami. Tiwala naman ako sa kanya na hindi niya ako mailalaglag.

Pagkapasok namin ay hiniga naman ako ng dahan dahan ni Ion. Nagkatitigan naman kami at nagngitian.

"I love you, Darling." Nakangiti niyang saad sakin.

"I love you too." Sagot ko naman sa kanya at naghalikan muli.

Hanggang sa unti-unti niyang hinubad ang suot ko. Mula sa labi ko ay bumaba ang halik niya sa mga leeg ko. Niromansa naman niya ako ng sobrang sarap. Napa ungol na lang ako sa ginawa niya.

Siya naman ang pinahiga ko at ako na ang umibabaw sa kanya. Hinubad ko na ang kasuotang damit ni Ion. Ramdam na ramdam ko na rin ang matigas niyang sandata.

ION POV

Malapit ng mahubad ni Vice ang damit ko nang bigla siyang tumigil. Napatingin naman ako ng nalilito sa kanya. Inirapan niya ako at pumunta ng C.R para magbihis.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Inis na tanong sakin ni Vice.

"Akala ko ba.." Sagot ko sa kanya na nagtataka pa rin. Ang sakit na ng puson ko. Talagang akit na akit na ko sa kanya.

"Nawala ako sa mood, ayoko na pala. Magbihis kana." Saad niya sakin at lumabas na ng kwarto namin.

Napasabunot naman ako sa buhok ko. Tigang na naman ako. Last month pa nung huling may nangyari samin.

VICE POV

Siguradong frustrated si Ion dahil sa nangyari kanina. Wala eh, nawala ako sa mood bigla. Pumunta naman ako ng kusina para maghanap ng pagkain. Pagbukas ko ng ref, wala man lang miski isang pagkain. Napasimangot naman ako.

"Darling, bakit ka nasimangot?" Tanong sakin ni Ion at yumakap sakin.

Ano yung naaamoy ko? Inamoy ko naman agad si Ion. Ang tapang ng pabango niya, masakit sa ilong.

"Ano ba yan, Ion!! Ang tapang ng pabango mo. Lumayo ka sakin." Saad ko naman sa kanya at lumayo ako sa kanya.

"Ala, diba paborito mo tong pabango ko." Takang saad niya sakin.

"Dati yun. Magpalit ka ng damit. Punta tayo kina Anne. Gusto ko dun, doon din ako kakain. Papuntahin mo na rin sina Max at Ace dun." Utos ko sa kanya. At wala naman siyang nagawa.

Nakarating na nga kami kina Anne. Ang sama ng tingin nila sakin. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot na parang gusto kong umiyak.

"Ala, bakit ka naiyak? Sorry na. Kung masama tingin namin sayo. Naistorbo kasi tulog namin eh." Pag-aalo sakin ni Mariel.

"Uuwi na lang kami, para makapagpahinga na kayo. Sorry talaga." Umiiyak kong saad sa kanila.

"Oh, Vice andyan kana pala. Kain kana, pinagluto kita dito ng Lugaw. Wag ka ng umiyak. Halika na dito." Nakangiting saad sakin ni Ate Amy.

"Awwwww, ang sweet mo. Sige, mamaya na lang ako uuwi. Kakain muna ako." Pagpunas ko ng luha ko at ngumiti na. Sumunod na ako kay Ate Amy papuntang kusina para kumain na.

ION POV

Takang taka namang napatingin sila sakin.

"Pasensya na kung nakaistorbo kami sa inyo, wala pa kasing pagkain sa bahay namin eh. Kaya naisipan niyang pumunta dito. Kaya nga tumawag ako sa inyo eh." Nahihiya kong paliwanag sa kanila. Tumango na lamang sila sakin.

"Diba dapat honeymoon niyo ngayon?" Tanong sakin ni Vhong. Naalala ko na naman yung pambibitin sakin ni Vice.

"Oo. Kaso tumigil siya eh, nawala raw siya sa mood." Saad ko sa kanila. Pagkarinig nila ay tumawa naman sila ng tumawa.

"Hahahaha, tigang ka pala ngayon." Pang-aasar sakin ni Jhong.

"Oo nga eh. Si Vice naman kasi, nakakainis kaya. Parang hindi niya na ko mahal" Sabi ko sa kanila at tinatawanan pa rin nila ako.

Bigla naman silang tumigil sa pagtawa at nagseryoso ang mga mukha. Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Vice na masama ang tingin sakin.

"Darling, magpapaliwanag ako sayo." Kinakabahan kong sabi sa kanya. Tinaasan lamang niya ko ng kilay.

"Darling, sorry na. Kaya ko lang naman nasabi yun kasi sadyang sumakit ang puson ko kanina. Naano lang talaga ako kanina. Sorry na, Darling. I love you. Alam ko namang mahal na mahal mo ko eh." Malambing kong saad sa kanya at hinalikan siya sa pisngi sabay yakap sa kanya.

"Apology accepted. Pero sa isang kondisyon." Nakangiting nakakaloko niyang sabi sakin. Napakunot naman ang noo ko.

"Max and Ace, gusto kong bantayan niyo ang kwarto ko kung saan ako matutulog. Wag niyong papasukin si Ion sa loob. Kahit siya ang Boss niyo, wag niyo siyang papayagan. Kundi kayo ang malalagot sakin." Utos niya sa mga ito.

"Okay, Boss." Sabay na saad nina Max.

"What?! Saan mo ko papatulugin?!  Akala ko bati na tayo?" Taka kong tanong sa kanya.

"Wag ka ng magreklamo. Baka naman gusto mong hanggang sa manganak ako hindi ka makatabi sakin." Pananakot naman niya sakin. Napasimangot na lamang ako. At lumapit naman siya sakin.

"Good night, Darling. Maaga tayo alis bukas. Shopping tayo. I love you." Saad sakin ni Ion at hinalikan ang aking mga labi.

Agad naman siyang umalis na at sumunod sa kanya sina Max. Lumingon naman sakin si Max.

"Boss, pasensya na. Masama magalit ang buntis. Alam mo namang nasa UNDER WORLD ka eh." Pang-aasar sakin ni Max at nagdirty finger na lang ako sa kanya

"Kuys, tara dun kana lang sa kwarto ko. Pahinga kana hahaha. Bukas nasa UNDER world ka na naman hahaha." Pang-aasar sakin ni Jhong.

Tinawanan na naman nila ako. Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Hanggang sa napagpasiyahan naming matulog na nga.

Ang saya ng kasal namin hanggang sa reception, pero sa honeymoon. Nganga, tigang ako. Pero laban para sa aming pamilya. 4 months na lang.

Makikita ko na ang aming mga anak at tapos na rin ang paghihirap ko sa pagbubuntis ni Vice. Tama nga sila, kailangan ko ng magpahinga. Dahil bukas sasabak na naman ulit ako sa UNDER WORLD.

My Gangster Lover (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon