Chapter 27

1.9K 58 7
                                    

VICE POV

Hindi nga natuloy ang pagkulbit sakin nung nakaraan ni Ion dahil nakaramdam ako ng hilo. Kaya napagpasyahan naming umuwi na. Andito kami ngayon sa mansion nina Mommy at Daddy. Dito na kami dumiretso galing Tarlac.
"Lab, natatakot ako sa magiging reaksyon nina Daddy." Saad ko kay Ion. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Wag kang matakot, andito ako. Haharapin natin ang galit ng mga magulang mo ng sabay." Nakangiting saad sakin ni Ion para medyo kumalma ako.
Agad naman kaming napatingin sa may hagdanan dahil sa yabag ng paa ng mga magulang ko. Lumapit naman kami sa kanila at niyakap sila.
"What's brought you here?" Nakangiting saad ni Daddy. Nagkatinginan naman kami ni Ion at tinanguan niya lang ako.
"Come on children, spill it." Dugtong pa ni Daddy. Agad ko naman kinuha ang ultrasound sakin at binigay sa kanila. Litong lito namang tumingin sila samin.
"Kanino ito? Kambal ang magiging babies nila. Sa inyo ba to?" Saad naman ni Mommy. Agad namang lumapit si Daddy kay Ion at kinuwelyuhan niya ito.
"Nakabuntis ka ba ng iba huh?! Sumagot ka!" Galit na saad ni Daddy inaawat ko naman si Daddy dahil kitang kita ko talaga sa mata niya ang galit. Hinigit naman ni Mommy si Daddy para pakalmahin ito.
"Ang OA mo Daddy. Hindi siya nakabuntis, sa tingin niyo po ba tatanggapin ko pa si Ion kung nakabuntis siya ng iba." Saad ko sa kanila. Agad naman silang kumalma.
"Ibig sabihin pala, Lab. Kapag nakabuntis ako ng iba. Hindi mo ko tatanggapin? Kahit buntis kana ngayon." Nakapout na tanong sakin ni Ion. Natawa naman ako sa itsura niya.
"Hahahaha, ang cute mo. Pero seryoso ako, Ion. Kapag ikaw talaga nakabuntis ng iba. Wala ka ng babalikan sakin." Seryosong saad ko sa kanya. Inakbayan naman niya ko.
"Wag ka ng masyadong magpakastress bebe ko. Baka paglabas ng mga babies natin. Maging mainitin ang ulo, katulad mo." Pang-aasar niya sakin at hinawakan pa ang tummy ko. Sa kalagitnaan ng paglalambingan namin ay biglang tumikhim si Daddy.
"Tama ba ang narinig ko? Buntis ka Jose Marie." Seryosong saad ni Daddy. OMG! Mukhang galit siya.
"O.. Opo, Daddy. I'm sorry." Paghingi ko ng paumanhin.
"Paano nangyari yun?" Buong pagtatakang tanong ni Mommy.
"In my case, it is called male pregnancy. A very rare case. Isa ako sa mgamaswerteng tao na may ganoong kaso." Nakangiti kong saad sa kanila. Niyakap naman ako ni Mommy at nagcongrats sakin. Pero si Daddy at nanatili pa ring tahimik. Sabi na nga ba, magagalit siya eh.
"Sir, alam kong hindi pa ito yung tamang oras para siguro magkaanak kami. Pero wala po eh. Eto na po, sina Nanay po. Pupunta po sila dito sa isang linggo. Para mapag-usapan ang magaganap na kasal namin." Saad ni Ion kay Daddy.
"Hindi ako galit dahil buntis si Vice. Ang sakin lang, mas nauna pa ang baby kaysa sa kasal. Ilang beses nang may nangyari sa inyo." Tanong ni Daddy.
"Isang beses po." Diretsahang sagot ni Ion. Lumapit naman si Daddy kay Ion at nakipag apir. Napanganga naman ako sa nakita ko.
"Ang galing mo naman. Bulls eye ka pala. Maganda yan." Nakangiting saad ni Daddy at tumingin sakin ng nakakaloko.
"Daddy naman eh. Ang lakas mong mang-asar." Inis kong saad. Tinawanan naman nila ako.
Ilang oras pa nga kami nagtagal sa bahay namin. Kung anu-ano ang binilin sakin ni Mommy sa pagbubutis ko. Excited na raw silang magkaapo. Buti na lang wala na kaming iintindihin ni Ion, kasal na lang. Nasa byahe kami ni Ion at kanina pa siya patingin tingin sa cellphone niya.
"May inaantay ka bang text, Benigno?" Tanong ko kay Ion.
"Yes, Lab." Diretsong sagot ni Ion. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"At kanino naman?" Inis kong tanong sa kanya.
"Sa gang namin, Lab. Wag ka na masyadong mainis. Naghihintay lang ako ng update tungkol kay Alexander." Seryosong saad niya.
"What?! Ano ang problema mo kay Alexander? Akala ko ba hahayaan na natin siya. We alreday talked about that. Am I right?" saad ko naman sa kanya.
"Oo nga. Wag mo ng intindihin si Alexander. Ako na bahala dun. Don't stress yourself." Nakangiting saad sakin ni Ion. Hindi na lamang ako umimik. Dahil may tiwala naman ako sa kanya.
Nakarating na nga kami sa bahay namin ng tropa. Nagulat ako ng bigla silang sumigaw.
"CONGRATS!!" Sabay-sabay na sabi ng buong tropa. Meron pa silang nakasulat sa may cartolina na "CONGRATS, FUTURE MOMMY AND DADDY!" Napaiyak naman ako sa nabasa ko. Nakakatouch ang ginawa nilang ito para samin.
"Lagot kayo, pinaiyak niyo ang buntis hahahaha." Paninisi ni Jhong kina Anne. Napatawa naman ako sa kanila.
"Hahaha, I'm so touch kasi naisipan niyo kaming isurprise." Nakangiti kong saad sa kanila.
"Vice, congrats sa inyo huh. We're so very happy. Ano na ba ang plano?" Tanong ni Mariel. Tiningnan ko naman si Ion na para siya na ang sumagot.
"Sa isang linggo, mamumulungan na kami kina Lab." Nakangiting saad ni Ion. Nagkwentuhan pa nga kami ng bigla akong magutom.
"Psst, lab." Kulbit ko kay Ion. Nilingon naman niya ako.
"Lab, gusto ko ng buko juice and white chocolate." Pagpapacute kong saad sa kanya.
"Sige, bibilhan kita ngayon. Yun lang ba?" Tanong niya sakin. Ano pa nga ba ang gusto ko? Tama.. Alam ko na..
"Gusto ko ng manggang walang buto." Saad ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata sakin ni Ion.
"LAB?! SAAN AKO HAHANAP NG MANGGANG WALANG BUTO!" saad sakin ni Ion na medyo mataas ang tono. Nagalit ko siya, naiiyak ako.
"I'm so.. sorry." Saad ko kay Ion at napapahikbi naman ako.
"Wag kang umiyak. I'm sorry. Nagulat lang naman kasi ako. Maghahanap na ko nun. Dito ka lang muna. Bye, Lab. I love you." Pagpapaalam sakin ni Ion at hinalikan ako sa labi.

ION POV

Saan ako hahanap ng manggang walang buto? Meron na kong na biling buko juice, mamaya dadaanan na lang namin yung bilihan ng white chocolate. Ang pinoproblema ko yung mangga na walang buto.
"Problemadong problemado ka ah hahaha." Pang-aasar sakin ni Jhong. Sinamahan ako nina Vhong, Jhong, Ryan, Jhugs and Teddy sa pagbili ng gusto ni Vice. Kanina pa rin nila ako inaasar.
"Tawagan mo kaya Mama mo. Baka matulungan niya tayo." Suggestion ni Teddy. Oo nga no, bakit ngayon ko lang naisip yun.

CALLING "NANAY"
"Hello, Nay." Saad ko naman halata sa boses ko ang stress.
"Bakit may problema ba?" Tanong naman agad sakin ni Nanay.
"Nay, saan ako makakahanap ng manggang walang buto?" Tanong ko rin sa kanya.
"Anak, hanap ka ng puno ng mangga. Yung pinakaburaot na bunga. Yun ang walang buto." Sagot naman niya sakin.
"Sige, salamat po. I love you." Saad ko at pinatay na ang tawag.

"Mga kuys, may alam ba kayo ng puno ng mangga?" Pagtatanong ko sa kanila.
"Oo, malapit lang satin." Sagot sakin ni Ryan. Bumili na muna kami ng white chocolate saka pumunta sa may puno ng mangga. Ilang buwan pa bago manganak si Vice, ang dami niya ng pinaglilihian. Pero kakayanin ko lahat ng yun. Para sa pamilya namin. Laban, Ion.
Nakadating kami sa may bahay at hinanda ko na ang mga bilin ni Vice. Tuwang tuwa naman siya ng makita yung mangga. Agad naman niya itong kinain at sarap na sarap siya. Kumuha naman si Anne ng mangga.
"OMG! Sis ang asim." Saad ni Anne. Napatawa naman kami sa reaksyon niya.
"Alam mo naman kasing pagkain yan ng buntis eh." Pang-iinis pa lalo ni Vhong. Pero napatingin naman ako kay Vice na kain lang ng kain.
"Lab, tama na yan. Bukas mo na ulit kainin yan, matulog kana." Anyaya ko kay Vice. Sumama naman siya sakin at nauuna pang umakyat sa kwarto namin. May toyo na naman yun. Paano ko na naman kaya susuyuin ang aking misis na buntis?
"Lab, bakit ka galit?" Panglalambing niya sakin.
"Bahala ka sa buhay mo dyan. Hindi ko pa na eenjoy ang pagkain eh." Galit na sabi sakin ni Vice.
"Tapos ang tagal niyo pang bumalik. Siguro nambabae ka pa no? Sino katagpo mo huh?!" Inis pa ring saad sakin ni Vice. At tinalikuran na ko sa paghiga. Paano na to? Galit siya.

My Gangster Lover (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon