Chapter 16

1.7K 59 0
                                    

VICE POV

Pagsapit ng 8pm pumunta na kami nina Buern sa bar. Nagsuot ako ng sobrang sexy na damit. Bakit? Wala lang gusto ko lang.

Pagkadating namin ay agad kaming humanap ng mapepwestuhan, ng makahanap na kami ay agad na kaming umupo at umorder ng vodka.

"Meme, bakit pala nagyaya kang magbar? Nag-away ba kayo ni Calvin?" Tanong naman sakin ni Chad. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Hahahaha, you're so funny. He's not the reason. Si Ion, siya ang dahilan. Hiwalay na kami ni Calvin." Sagot ko naman at mapaklang ngumiti. Sabay lagok ng alak.

"Diba si Ion ay yung bestfriend mo. Kayo nano? " tanong sakin ni Emman.

Tumango naman ako bilang sagot. Marami pa silang tinanong ngunit hindi ko na ito sinagot. Nanatili akonh tahimik dahil ayoko talaga muna siyang isipin.

"Pakiusap lang mga bakla. Wag na kayo magtanong ng kung anu-ano. Gusto ko siyang makalimutan. Magpapakalasing ako, at kakalimutan kong may Ion Perez sa buhay ko." Sabi ko naman at uminom muli ng alak. Natahimik naman ang mga kasama ko.

Lumipas pa ang isang oras ay medyo lasing na ko. Pagkalagok ko ng alak ay umorder muli ako. Niyaya ko naman sila sumayaw sa dance floor ngunit ayaw nila sumama.

Umalis pa si Chad saan kaya punta nun. Pagewang gewang naman ako na pumunta sa dance floor. Sumasabay ang katawan ko sa indayog ng sayaw. Hanggang sa may lumapit sakin na gwapong lalaki.

ION POV

Nagsisisi ako sa mga nasabi ko kay Vice. Kasalanan ko yun eh. Kung hindi lang ako nagpadala sa galit at selos. Hindi sana ito mangyayari.

Ikiniwento ko ito kina Anne, nagalit sila sakin. Pero ipinayo naman nila sakin na dapat ayusin ko na yun. Nandito ako ngayon sa tinutuluyan nina Vice. Pero anong oras na wala pa rin siya.

"Ion, pumunta tayo sa ******* bar. Andun si Vice. Tinawagan ako ni Buern, lasing na yung girlfriend mo." Saad sakin ni Anne.

Dali dali naman kaming kumilos papunta doon. Sinalubong kami sa labas ni Chad at pinaupo nila kami sa pwesto nila.

"Asan ba si Vice?" Tanong ko agad.

Agad naman nilang itinuro sakin si Vice na nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Putek bakit ang sexy nitong sumaya. Agad naman akong lumapit papunta sa kanya. Dahil nakikita ko na marami ng nakatingin sa kanya.

"Ion, ikaw ba yan? Hahaha, imposible namang andito ka?! Galit ka sakin eh." Malungkot na saad ni Vice.

Kitang kita ko kung paano pumatak ang luha niya. Niyakap ko naman siya at bigla niya akong tinulak.

"Ano ba?! Bakit ka nangyayapos?! Magseselos ang boyfriend ko. Dyan ka na nga." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Lab, ako to. Halika na uwi na tayo. Baka gusto mong dito kita anuhin." Pagyaya ko naman sa kanya. Dahil todo sayaw pa ito ng sexy at sayaw na sayaw pa. Kinusut kusot naman niya ang kanyang mata at biglang nanlaki ang mata.

"Aaaaaaahhhhhh. Ion ikaw nga!!!! Aaaaaahhhhh!!" Tili naman ni Vice at biglang nagtatakbo papunta sa table namin.

Tawa naman ako ng tawa sa reaksyon niya. Binuhat ko na siya ng pabridal style at iuuwi ko na sa bahay namin. Aayusin ko ang away namin, hindi ako papayag na aalis siya ng magkaaway kami.

"Lab, I'm sorry about sa nasabi ko kanina." Paghingi ko ng tawad sa kanya. Nginitian naman niya ako.

"Apology accepted. I'm sorry din. Bati na tayo love huh." Ngiting saad niya sakin at hinalikan ang aking mga labi.

My Gangster Lover (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon