Chapter 15

1.9K 43 0
                                    

VICE POV

Akala ko naman kung bakit ako pinaiwan dito. Gusto lang naman pala humingin ng tawad sa naging asal nila nung nakaraan. Mabait naman talaga itong mga to, lalo na si Max.

Masaya kaming nagkekwentuhan nina Max ng biglang dumating si Ion ng galit na galit at naabutan niya kaming nagyayakapang tatlo. Bakit to nagagalit? Ang sama ng tingin niya sa dalawa. At bigla akong hinila papunta sa garden.

"Ano bang problema mo, Ion?! Kinaladkad mo ko hanggang dito." Pagalit kong sabi.

"Bakit ka nakikipag-usap sa kanila?" Mariing tanong ni Ion.

"Kinausap lang nila ako. Dahil gusto nilang humingi ng tawad about sa nangyari sa resort. At saka sabi naman nila na suportado na nila ang relasyon natin. And they will support us." Pagpapaliwanag ko naman. Ngunit nanatiling mainit ang ulo ni Ion.

"Naniwala ka naman?! May gusto sayo ang mga yun. Hindi ako naniniwala sa kanila. Alam ko na ang galawan ng mga ganyan. Kaya hindi nila ako maloloko. Tapos nagpayakap ka pa sa mga yun. Alam mo bang nakatingin ang mga ibang estudyante sa inyo." Galit na sabi ni Ion.

"Whatever, Ion. Calm down, please. Wala naman silang ginawang mali diba. Yakap lang yun, walang malisya." Inis kong sagot sa kanya.

"Wala pa sa ngayon. Baka sa susunod na mga araw meron na." Saad ni Ion.

"Alam mo! Ewan ko sayo, Ion! Nagpapadaig ka na naman sa selos na yan! Wala ka bang tiwala sakin.? " sagot ko sa kanya.

"Sayo, meron. Sa kanila, wala." Inis pa rin nitong sagot.

"Bahala ka sa buhay mo, Ion." Galit kong saad sa kanya.

Iniwanan ko na siya dun mag-isa. Naiinis talaga ako sa pinaggagawa niya. Tama ba naman yung ginawa niya. Nakakahiya kina Max yung ginawa niya. Humingi na naman ng dispensa sila eh. Ano pa ba problem dun?

Lumipas ang oras ay uwian na, medyo napaaga ang awasan namin. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Ion. Mas maaga ang awas nila kesa samin. 

Mukhang hindi niya ko susunduin ah. Magaling, mag-isa na lang ako pupunta sa garden. Baka galit pa rin siya sa nangyari kanina. Intayin ko na lang ang iba pang tropa dun. 

"Ahm, Vice. Pwede ba ko sumama sayo papunta sa mga tropa mo? Hihingi lang din ako ng pasensya sa kanila." Pagpapaalam naman sakin ni Max. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Agad naman akong sumang-ayon.

Pagkalabas namin ng classroom ay pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Nagtataka ata na kasama ko si Max.

"Ms. Vice, bakit niyo po siya kilala?" Tanong sakin ng isa. Hindi na ata to nakatiis at nagtanong na.

"We're friends. Matagal na kami magkakilalang dalawa." Sagot ko naman at ngumiti. Nagpaalam naman kami sa kanya na aalis na kami.

Ang tsismosa lang. Grabe. Habang papunta kaming garden ay nakita ko si Ion sa field na may kasamang babae. Yung babae todo pacute kay Ion at nakakapit pa sa braso niya. Hindi ba nito alam na boyfriend ko ang hinaharot niya.

Calling Love

"Ion, asan ka?" Bungad ko sa kanya. Hindi na ko nakatiis na tawagan siya.

"Nasa classroom namin. Bakit may kailangan ka?" Malamig na sagot sakin ni Ion. Siya pa talaga ang ganang manlamig at bakit kailangan niyang magsinungaling.

"Wala naman." Maikli kong sagot dahil naninikip ang dibdib ko.

"Wala naman pala eh. Bakit mo pa tinatanong? Diba magkasama naman kayo ni Max. Ibaba ko na to, may prof pa kami dito eh." Pagsisinungaling niya sakin.

Mas lalong nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. At nakita ko pa na hinalikan nung babae sa pisngi si Ion. Mga malalandi.

"Ows, talaga ba? Saan room niyo sa field? Sino teacher mo yang babaeng yan na humalik sa pisngi mo?" Galit kong sabi sa kanya.

End call

Mula sa pwesto ko kitang kita ko kung paano niya ako hanapin. Hindi na siya nahiya. Dun pa talaga nila napiling maglandian.

"Max, sa ibang araw na lang siguro. Gusto ko muna mapag-isa." Saad ko kay Max at iniwanan siya dun. Tinatawag pa ko ni Max, pero hindi ko na siya nilingo pa.

Dali dali akong pumunta sa garden. Pagkadating ko ay umagos na ang luha kong gusto kong kawalan. Nanghihina ako dahil sa mga nangyayari.

"Lab, galit ka ba?" Saad ni Ion. Nandito na pala ang lalaking ito.

"Oo! Galit ako! Ano gusto mong maging reaksyon ko!? Masaya?! Nagsinungaling ka sakin! Tapos may humalik sayong babae!" Sagot ko naman at patuloy na umaagos ang luha ko.

"Bakit ako lang ba?! Ikaw din naman diba?! Nakikipaglandian ka sa magkapatid. Nakita ko kayong nagyayakapan. Balak mo pa nga ata silang tuhugin....." Hindi na natapos ni Ion ang sasabihin niya, nang sinampal ko siya ng malakas.

"Ganyan ba ang tingin mo sakin? Dahil sa selos at galit mo kung anu-ano na ang sinasabi mo sakin. Ion, I love you. I'm really inlove with you. But, please. Don't give me a reason to give up on you." Iyak kong sabi sa kanya. Niyakap naman ako ni Ion.

"Lab, pasensya na. Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko sayo. Nabigla lang ako. Yung babaeng nakita mo na kasama ko kanina ay pinsan ko. Promise. Ipapakilala ko sana siya sayo. Lab, sorry." Hingi ng tawad sakin ni Ion at niyakap ako ng mahigpit. Bumitaw naman ako sa yakap niya.

"Saka na lang tayo mag-usap. Kapag okay na tayo parehas. Sa ngayon cool off muna tayo. Aalis nga pala ako sa friday. Sunday na ang balik ko." Pagpapaalam ko sa kanya at iniwanan siya dun mag-isa.

Pumara naman ako ng taxi pagkalabas ko ng gate ng school.

Calling Buern

"Hello, Buern, bar tayo mamaya. Punta ako dyan sa condo mo." Sabi ko naman.

"Sige, Meme. Intayin kita dito." Sagot naman nito.

End call

Pinatay ko naman ang tawag pati na rin ang phone ko. Gusto kong magbar muna. Gusto kong makalimot kahit saglit. Magpapakasaya muna ako at hindi ko muna iisipin na may isang Ion Perez sa buhay ko.

My Gangster Lover (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon