Chapter 20

1.8K 38 17
                                    

ION POV

Sabado na ngayon, ngunit hindi ko pa rin nakikita si Vice. Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot. Ang kinakausap niya lang ay sina Anne.

"Anne, kailan ba siya papasok sa school o uuwi dito?" Tanong ko kay Anne.

"Wala siyang nababanggit samin. Kasalanan mo yun eh. Kung hindi ka lang nakipaghalikan.." Pinutol ko naman ang sasabihin niya.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa inyo na siya yung humalik sakin. At mukhang planado ang lahat. Nakita namin dun si Alexander. May chance na siya yung nag-utos nun." Saad ko naman. Inirapan naman ako ni Anne.

"You don't have any evidence, Ion." Balik namang sagot sakin ni Anne.

"Kaya ko nga pinapahanap sa mga tauhan ko yung babae. Para may mailaban ako dun sa lalaking yun.” gitil ko namang sabi. Sa gitna ng pag-uusap namin ay may inanunsyo si Karylle.

"Invited daw tayo sa bahay ngayon nina Vice formal dapat ang suot. And saka nga pala, Ion kasama ka rin." Saad ni Karylle. Napangiti naman ako. At nakaramdam ng pag-asa ang puso ko.

Pagsapit ng gabi ay pumunta na kami sa mansion ng mga Viceral. Pagdating namin doon ay sinalubong agad kami ng kasambahay nila at dinala sa may garden part ng mansion. Wala kaming idea kung ano ba ang meron ngayon.

Sa paglipas ng mga kalahating oras ay nagsimula na ang program. Unang nagsalita ang host ng party. Binabati niya ang lahat, mukhang pribado lang yung party na gaganapin. Tinawag naman ng host ang daddy ni Vice.

"Good evening everyone. Thank you very much dahil nakapunta kayo ngayon sa Engagement Party ng aking anak na si Jose Marie Viceral na alam naman nating gay mas kilala natin siya ngayon bilang Vice Ganda. At ang mapapangasawa niya ay niligawan muna kami bago ang aming anak. Masasabi ko lang na sobrang swerte ng aking anak sa kanya. Eto na sila, Let's welcome my lovely princess Jose Marie Viceral and Alexander Ventura." pagkatapos yun sabihin ng ama ni Vice ay lumabas na sina Vice.

Kitang kita ko ang pagbabago ngayon sa kanya. Mula sa simple niyang pananamit, ngayon naging magarbo na. Makapal na rin ang paglagay niya ng make-up. Hindi ko man siya nakaka-usap pa. Alam kong nagbago na siya.

Hindi ako makapag-isip ng ayos ngayon. Kitang kita ko ngayon kung gaano kasweet sa isa't isa sina Vice. Parang sinasaksak ng paulit-ulit yung puso ko.

Unti-unti ito ng nadudurog, yung mga ngiti niyang ganoon na sakin lang ay pinapakita na niya ngayon kay Alexander. Palapit sila samin ngayon ng may ngiti sa mukha.

"Buti nakapunta kayo dito sa Engagement party namin ni Xand. Masaya kami na nakapunta kayo, diba Hubby." Sweet na pagkakasabi ni Vice kay Xand at ngumiti naman siya ng tiningnan ako.

Ang ngiting normal niya. Ngiti niya noon sakin, na hindi pa niya ako mahal na magkaibigan pa lang kami.

"Ikaw, masaya. Kami disappointed sayo. Kaya mo ba kami pinapunta dito para lang ipamukha kay Ion na engage na kayo ni Alexander." Inis na saad sa kanya ni Jhong.

"Hubby, puntahan mo muna ang iba pa nating bisita kausapin ko lang sila." saad ni Vice kay Xand at umalis naman ito.

"Tara dun tayo sa kwarto ko. Sumunod kayo saking lahat." Sabi samin ni Vice at pumunta naman kaming lahat sa kwarto niya.

Maganda ang kwarto niya, umupo naman ang iba sa may sofa ni Vice sa kwarto niya.

"Vice magpaliwanag ka. Bakit hindi mo sinabi na engagement party niyo ni Alexander ngayon? Pinapunta mo kami dito na  yun pala eto ang ganap. Nakakagulat to, halos ilang araw kang hindi nagpakita samin." Inis namang sabi ni Anne.

"Itigil mo ang bibig mo Anne. Well, kaya hindi ako nagpakita sa inyo. Inayos ko yung negosyo ko sa may Cebu. Naging busy ako dun. Hindi ko kayo nasabihan agad kasi diba nga busy ako." Sagot naman niya samin at tinabihan ako sa may kama niya. Gulat naman ang naging reaksyon ko at ng iba. Pero parang wala lang sa kanya yun.

"Vice, diba hindi mo naman mahal si Alexander. Bakit ka pumayag na ikasal kayo? Paano na si Ion? Mahal mo pa si Ion diba?" tanong sa kanya ni Mariel.

"Hindi ko naman talaga mahal si Alexander. Pumayag ako na ikasal sa kanya kasi ayokong sumuway kay Daddy. And matutunan ko namang mahalin si Alexander eh." Sagot naman niya.

"Mahal mo pa ba ako?" Ako na ang nagtanong sa kanya.

Tiningnan naman niya ako at wala akong mabasang kahit anong reaksyon sa mukha niya.

"Sa katanungan mong yan, Ion. Ang sagot ay HINDI. NA. KITA. MAHAL." sagot niya sakin at nakatitig ito ng diretso sa aking mga mata.

"Imposible namang hindi mo na ako agad mahal. Napakaimposible talaga." Tugon ko sa kanya. Tinawanan naman niya ako at tumayo't lumayo sakin.

"Hahahahaha, posible ang lahat Ion. Lalo na ang pusong nasaktan." Sabi niya sakin ng may ngiti.

Kita ko pa rin naman sa kanya na mahal niya pa rin ako. Alam ko yun, nararamdaman ko. Nakipagtitigan siya sakin at para talagang ipinararating niya na hindi na niya ako mahal.

Naputol ang aming titigan ng may kumatok sa pinto. Pinagbuksan naman ito ni Vice at pumasok ang kanyang mga magulang. Binati namin sila at napatingin sakin ang magulang ni Vice.

"Ikaw ba si Benigo Perez o Ion?" Tanong sakin ng kanyang tatay at napatango naman ako bilang sagot.

"Mahal mo ba ang anak ko? Balita ko pinaiyak mo tong prinsesa ko. Alam mo bang pinapabugbog ko ang nananakit sa anak ko." Serysong sabi nito sakin. Napalunok naman ako dahil sa kaba.

"Honey, wag mo namang takutin si Ion. Tinatakot mo siya.” sabat naman ng mommy ni Vice.

"Mahal ko po ang anak niyo. Siguro nga po nasaktan ko siya ng husto. Pero sobrang mahal ko po si Vice. Handa po akong gawin ang lahat mapatunayan ko lang na mahal ko siya. At kung bubugbugin niyo po ako ay maluwag ko po iyong tatanggapin." Sagot ko naman at yumuko sa harapan nila.

"Magandang sagot yan. Sige, pagbibigyan kita. Patunayan mo samin na karapat dapat ka sa anak ko." Sabi sakin ng kanyang ama at nginitian naman ako. May pag-asa pa pala ako. Magandang balita ito tungkol sakin.

"Daddy, bakit mo siya bibigyan ng chance?" Inis na sabat ni Vice.

"Talaga ba Vice? Ayaw mo? Kagabi nga nag-inom ka tapos sabi mahal mo pa si Ion." Singit naman ng Mommy ni Vice. Namula naman si Vice at napatawa kaming lahat.

"Mommy naman." Inis na saad ni Vice at inirapan ako.

"Ion, mukhang mahihirapan ka sa anak ko ah. Maldita pa naman to." Sabat pa ng kanyang ama. Inirapan namam ako ni Vice.

"Eh, Tito. Paano yun engage na si Vice kay Alexander?" Tanong naman ni Anne. Napatango naman kaming lahat.

"Hahahaha, hindi niyo kasi tinapos ang programa sa baba eh. Ang sabi ko doon ay hindi pa sigurado kung si Alexander ang magiging asawa ni Vice. Dahil open pa sa iba ang pagiging asawa ni Vice. At dahil dun marami ang nais na mapangasawa si Vice. Yung mga nabihag kanina sa ganda ng aking prinsesa." Napatulala naman kami sa sinabi ng kanyang ama at miski si Vice ay hindi makapaniwala.

"Daddy, bakit ganun? Akala ko si Alexander na. Wala akong alam sa plano niyo na yun." Saad ni Vice.

"No, anak. Kailangan nilang paghirapan ang oo mo. Kaya ko naman ginawa yun, dahil si Max at George gusto ka rin mapangasawa. Nakiusap sila samin. Nakakagulat nga lang dahil ang magkapatid. Handa kang mahalin, miski maging magkaaway sila. Kaya Ion galingan mo. At saka nga pala sasama na sa inyo sa pag-uwi si Vice. At para pala makuha niyo ang oo namin para mapangasawa si Vice. Kailangan niyo muna siyang mapa-oo." Dugtong ng nanay ni Vice.

Ang dami ko pa lang magiging karibal kay Vice. May advantage ako sa kanila dahil magkasama kami ni Vice sa bahay. Bukas na bukas din sisimulan ko na siyang ligawan.

Nakatanggap naman ako ng text mula sa kagrupo ko sa gang at nahanap na nila yung babae sa bar at handa na itong umamin sa ginawa niya. Mukhang magiging kami ulit talaga ni Vice. Magkakaroon na talaga kami ng happy ending.

My Gangster Lover (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon