Chapter 7

2.1K 58 4
                                    

Ion POV

Napagkasunduan muna namin na tumigil sa isang fastfood chain para kumain muna. Nauna nang bumaba ang iba.

Ginising ko naman muna si Vice. Aba, pagkamulat ng mata ang kinuha agad yung mga make-up niya. Imbis na kamay ko.

"Vaklang twwoo. May paglilipstick pang nalalaman." Tudyo ko kay Vice. Inirapan naman niya ako sabay dila sakin.

"Alam mo, Ion. Umalis kana nga. Bumaba ka na dun. Para makakain na tayo. Nagugutom na ko." Sagot naman sakin ni Vice.

"Lab, alam mo. Pwede naman tayo na lang magkainan eh." Patuloy kong panunukso kay Vice.

"Ion, tara na. Okay? Wala ako sa mood na makipag-asaran sayo. Lets go na. I'm really hungry." Panglalambing niya sakin.

Mukhang babalik na siya sa dati. Nginitian ko naman siya. At inalalayan siyang bumaba sa van.
Pinagtitinginan si Vice.

Sabagay sa ganda ba naman niya na yan. At isa sa pinakakilalang negosyante sa bansa. Pinagsabay niya ang pag-aaral at negosyo. Iba talaga ang Lab ko. Maganda na matalino pa.

Nauna siya saking naglalakad ngayon papuntang counter. May biglang nakabanggan si Vice. Napaupo naman si Vice. Napatakbo naman ako sa kanya.

"Lab, okay ka lang ba? Anong masakit sayo?" Pagtatanong ko kay Vice.

"Okay na ko, Ion. Mauna kana dun kina Anne. Libre kita ngayon." Sabi sakin ni Vice.

"Hindi pwede. Ako ang nanliligaw sayo ngayon. Kaya ako ang manlilibre. Okay?" Saan ko naman.

Tumango na lang naman siya sakin. Paalis na sana si Vice nang pinigilan siya nitong lalaking hilaw na to.

"Miss, I'm so sorry. Did I hurt you?" Tanong ng panget na lalaki.

"No. I'm fine. Don't worry about me." Sagot naman  ni Vice habang nagpapacute. Napopogian na naman to.

"Ok. Is he your boyfriend?" Sabay turo sakin.

"Don't duro duro me, you hilaw boy. You want me to suntok you like Manny Pacquiao." Inis kong sabi dito. Bigla naman akong kinurot ni Vice.

"No. He's not my boyfriend. He's only my bestfriend." Sagot naman dito ni Vice. Sasapakin ko na talaga tong lalaki na to.

"Really? I'm George." Pagpapakilala nito.

"I'm Vice and he is Ion." Saad naman ni Vice sabay nagshake hands.

Pinutol ko na ang usapan nila at kinaladkad na si Vice patungong counter. Hindi na siya umimik, pero bakas pa rin ang ngiti sa mukha niya.
Pagkabili ng makakain namin.

Dumiretso na kami sa pwesto nina Anne. Habang nakain kami. Tuloy tuloy ang kwentuhan nila. Ang pinag uusapan nila  yung lalaking hilaw na yun. Mas gwapo naman ako dun. Bigla namang lumpit samin si George raw at binigyan ng ice cream, fries, at burger si Vice.

"Para sayo yan. Magkita tayo kapag magkikita ulit tayo."sabi ni George kay Vice. Ngumiti na lamang si Vice at nagwave na lamang ng goodbye rito.

"Tsk. Ang pangit pangit naman nun. Kilig na kilig ka dun. Mas gwapo pa ko dun eh! May pa english pa marunong naman pala magtagalog." Inis kong sabi.

"Selos na selos ka naman Ion. Nakipagkilala lang ang tao. Grabe ka. Kumain kana dyan. Wag kang bitter." Sabi naman ni Vice.

Natapos ang pagkain namin ng tahimik ako. Inaasar nila akong nagseselos. Totoo naman eh. Sino ba namang hindi? May na epal agad.

Balik ulit kami sa byahe. Dalawang oras pa ang byahe namin papunta sa resort na pupuntahan namin. At sisiguraduhin ko dun na sakin lang ang atensyon ni Vice. Na hindi siya lilingon kanino pa man. Miski kay George pa. Mas gwapo ako dun.

(Sa Resort)

Tama ba yung nakikita ko. Si George nga. Nandito rin pala yun. Putek na yan. Halata namang type nito si Vice eh. Gagawin ko ang lahat, para hindi sila magkamoment. Dapat kaming dalawa lang.

My Gangster Lover (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon