CHAPTER 2:I LIKE YOU (SLY)

39 4 0
                                    

I LIKE YOU

ARASHELLA'S P.O.V

Pagkagising ko, gabi na kaya lumabas na'ko ng kwarto. Nakita ko si nanay na nag-hahain na ng pagkain sa lamesa, ako nama'y dumeretso sa kusina para mag-hilamos. Pagkatapos ko maghilamos tinulungan ko na si nanay sa paghanda ng pagkain at nang matapos na, hinahanda ko na yung tenga ko sa mga sasabihin ni nanay pero ang tagal ko pang nag-antay eh wala paring sinasabi si nanay kaya tinanong ko na lang.

"Nay?"

"Oh?"

"Wala bang sinabi sa'yo si kapitan?"

"Wala. Ano bang sasabihin nya?"

"Ah. Wala po nay."

Oh! Yes! Bait talaga ni kapitan! Kala ko sasabihin talaga nya eh! Sa susunod talaga pag may pera ako, bibilhan ko si kapitan ng pampatubo ng buhok para di na sya panot hahahaha!

"Di po ba sinabi sa inyo ni kapitan na nakipag-away na naman po si ara kay aling peppa?" Nakangiting sabi ni jeil, bwisit sya! Makakalusot na nga ako kila nanay eh! Di ko sya napansin kanina kasi nasa gilid pala sya nakaupo hawak ang cellphone.

"Hoy! Bakit ba andito ka pa?! Umuwi ka na nga dun sa inyo! Panggulo ka lang dito eh!" Pantataboy ko sa kanya! Bwiset talaga sya! Grr!

"Anak nakipag-away ka na naman kay aling peppa?"

"O-opo nay, pero bati na kami ni aling peppa! Di na kami mag-aaway, promise!" Sabi ko sabay taas ng kanang kamay na nangangako.

"Kahit na! Aba'y sinabi ko na naman sa iyo na wag ka nang makipag-away kay aling peppa! Blah~ Blah~ Blah~"

Ang dami pang sinasabi ni nanay na kung ano-ano pero hindi ko pinapakinggan, labas sa tenga lang ang ginawa ko, pero narinig ko rin na sinumbong ako ni nanay kay tatay, hindi naman ako nakikinig sa kanila dahil nakatingin lang ako ng masama sa kung sino mang nagsabi non kay nanay! Pero sya nakangisi lang sakin!

"Bwisit ka talaga! Dadagdagan ko pa yang sugat mo!" Sabi ko sabay takbo kay jeil at sya nama'y tumayo ng mabilis tsaka sa gilid sya nang lamesa pumunta, hinahabol ko naman sya pero paikot-ikot lang kami sa lamesa dahil di ko sya mahabol. Kung wala lang talagang pagkain sa lamesa kanina pa'ko sumampa jan para mahuli sya!

"Kala mo talaga! Pag nahuli kita yari ka talaga sa'kin!"

"Kung mahuli mo 'ko! Hahahaha!"

Habang hinahabol ko naman si jeil eh naririnig ko pa rin yung mga dakdak ni nanay.

"Oh! Ayan pa! Nakita ko yung sugat nyang si jeil sa mukha nya! Sinuntok mo pala sya kanina!  Bratatatatat! Bratatatat!" Ang dami pang sinabi si nanay pero di ko na uli pinakinggan, hinahabol ko parin 'tong si jeil!

"Dadag-dagan ko pa talaga yang sugat mo once na mahuli kita!"

"Eh kaso hindi mo naman ako mahuli!"

Hinabol ko pa si jeil pero natigil na rin yun nang pinagalitan na kami ni nanay.

"Tama na yan! Magsikain na tayo! Kayo dyang mag-tatay tigilan nyo na nga yang pagse-cellphone nyo, kakain na!" Turo ni nanay kila tatay na nakaupo sa sofa, naglalaro na naman siguro silang tatlo ng ML kasi pare-pareho silang may hawak na cellphone at naririnig ko pa yung mga 'the enemy has been slain' ba yun? Tapos meron pang 'first blood', 'quadra kill', 'triple kill' mga ganyan.

"Wait lang nay! Naka-rank na'ko oh! Tapusin ko lang talaga 'to nay, promise!"

"Hindi! Kumain na! Kukumpisin ko yang mga cp nyo! Ikaw naman!" Turo ni nanay kay tatay. "Imbes na sawayin mo yang anak mo eh nakikisali ka pa sa laro nila! Kinukunsinti mo rin! Kukurdugan ko kayong mag-ama jan eh!"

SWITCHED AND LOVED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon