CHAPTER 5: SWITCHED (SLY)

44 5 0
                                    

ARASHELLA'S P.O.V

Nang magising ako nang bandang alas-sais nang umaga ay agad akong bumangon para makapag-almusal na, medyo inaantok pa rin ako, pero mawawala rin naman na 'to mamaya.

Lumabas na ako nang kwarto ko tsaka naglakad sa hallway at bumaba sa hagdanan, habang bumababa ako ay papikit-pikit pa ang mata ko. Ang haba naman kasi nang hagdanan dito sa bah--

Napatigil ako nang bigla akong may napagtanto nang nasa bandang baba na ako nang hagdanan. Walang hagdanan ang bahay namin!

"Wahhhhh!!!!!!!!!" Napasigaw na lang ako sa sobrang gulat sa nangyari. Kailan pa kami nagkaroon nang sobrang laki at gandang bahay?!

"Ma'am ano pong nangyayari?!" Tanong sa akin nang isang katulong, may mga kasama pa syang ibang katulong na may dala-dalang mga pang-linis sa bahay. Baka naglilinis sila at pinuntahan ako dahil narinig nila akong sumisigaw.

"Si-sino kayo?! Nasaan ako?! Hindi ako dito nakatira! Sinong kumidnapped sakin?!" Sunod-sunod kong tanong.

"Ma'am ano po bang nangyayari sa inyo?!" Tanong uli sa'kin nang katulong.

"Baka nababaliw na yan!"

"Baka nga! Dahil siguro sa sama nang ugali, kaya parang nabaliw na, hahaha!" Rinig kong bulong nang dalawang katulong na nasa likod ni ateng katulong na kumakausap sakin.

Duh! Porke't sumigaw lang ako, baliw na agad?! Bawal na bang sumigaw pag nalaman mong pagka-gising mo wala ka na sa bahay nyo?! Tsaka anong connect nang pagiging masamang ugali sa pagiging baliw?! It's so duh!

"Hey! Mga ateng nasa likod! Hindi ako baliw! Sa ganda kong 'to, mukha ba akong baliw?!" Mataray kong sabi, naka-pamaywang pa ako nyan.

"H-hindi po ma'am." Hingi nang pasensya nung dalawang ate.

Rinig ko naman na nag-uusap yung ibang maid tungkol naman sa pagtatagalog ko.

"Narinig mo yun? Nagtagalog si ma'am?" Gulat na tanong nang isang katulong sa isa nyang katabi na may hawak nang walis tambo.

"Oo nga ih! Himala na nagtagalog yan si ma'am, eh diba laging nage-english yan? Tapos sobrang arte pa mag-english, pag nag-tagalog naman yan, may halo pa ring english kaya parang mas lalo lang syang maarte." Sagot naman ni ateng may hawak nang walis tambo.

 Ano naman yun?! May issue na naman?! Masama ba mag-tagalog?! Nasa pilipinas ako kaya pwede akong mag-tagalog! Mga ma-issue rin 'tong sila ate ih!

"Ano naman kung nag-tagalog ako?! Bawal na ba mag-tagalog dito?!  May nakasulat ba ditong "NO TAGALOG, 1,000 PENALTY FEE" wala naman diba?! Mga ichosera kayo mga ateng! Harajusko! Inii-stress nyo ako lalo! Baka mawala ang ganda ko!"

"Nagtagalog nga si ma'am, maarte pa rin naman." Bulong nang isa pang maid.

"At kailan pa ako naging maarte?! Mga ma-issue kayo!"

Hindi na nagsalita sila ateng kaya it's time na para mag-tanong na ako kung bakit ako nandito sa bahay na'to, eh hindi ko nga alam kung sinong may-ari nito. Hindi naman pwedeng nanalo sila nanay sa lotto kaya nakapag-patayo sila nang bahay eh hindi  naman yun tumataya sa lotto?

"Ate? Ano nga po palang pangalan nyo?" Tanong ko kay ateng nagtanong sa'kin kanina kung anong nangyari.

"Po? Sino po? Ako po?" Nagtatakang tanong nya?"

"Ay hindi, ate! Baka ito, baka ito!" Turo ko sa hagdan. "Ano pong pangalan nyo, ate?"

Natawa naman yung ibang maid dahil sa sinabi ko.

"Happy na kayo nyan mga ateng?" Mataray kong tanong. Pataray-taray lang ako, pero kinakabahan na talaga ako, baka na-kidnapped na naman ako uli nang mga men in black huhuhu! Pero nandito rin kaya sila nanay?

SWITCHED AND LOVED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon