CHAPTER 15: JEALOUS (SLY)

9 0 0
                                    

ARASHELLA'S P.O.V

Nanatili ng ilang minuto pa ang yakap sa'kin ni sir leib bago sya kumalas ngunit agad naman nyang hinawakan ang aking pulsohan at hinila papunta sa office nya.

My gwad! Bakit kami pupunta sa office nya? Nandoon pa si ellie! Hindi naman sa naduduwag akong harapin si ellie, pero kasi, hindi ko alam kung anong gagawin ko, feeling ko kasi gusto ko syang sabunutan. Hindi ko alam kung bakit! Nakakainis!

"S-sir leib...pwede bang umuwi na lang ako? Hehe." Tawag pansin ko dito at tsaka tumigil sa paglakad. Humarap naman sya sa'kin ng nakakunot ang noo at ano mang oras ay parang kakainin ako. Bakit ba ganyan ang mukha nya? Ang sama-sama makatingin sa'kin, wala naman akong ginagawang masama. Sila  nga ni ellie yung may masamang ginagawa ih. Tsk!

"No. You won't go anywhere." Matigas nitong sabi at saka hinila ulit ako. Wala naman na akong nagawa dahil mas malakas sya sa'kin at nahahatak agad ako. Ganoon ba talaga ako kagaan? Mukhang kailangan ko na talagang kumain ng marami.

Nang matapat na kami sa office nya agad nya itong binuksan. Sumalubong sa amin si ellie na naka-upo sa isang couch sa gilid ng table ni sir leib. Nakatungo ito at nagpapahid ng luha. Arghh! Ayoko pa naman sa lahat nakakakita ng babaeng umiiyak! Yung inis ko sa kanya kanina, parang bigla biglang naglaho.

Pagpasok namin sa loob ng office ay naramdaman ni ellie ang prisensya namin, or should I say, prisensya ni sir leib? Dahil agad itong tumayo ng couch at akmang lalapit ulit kay sir leib ng makita nya ako sa gilid nito. Agad na bumaba ang mga mata nya sa kamay ni sir leib na nakahawak parin sa pulsohan ko.

Kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nito kaya't inalis ko na ang kamay ko sa pagkakahawak ni sir leib. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Dapat diba naiinis ako sa kanya dahil sa nakita ko kanina? Pero, eh? Bakit pala ako maiinis sa kanya? Wala naman syang ginagawang masama sa'kin. Nainis lang ako sa kanya nung nakita ko silang dalawa kanina ni sir leib. Oh my fudgee bar?! Am I jealous?! No! No! No! I'm not jealous, I'm just irritated. Right, right. You're not jealous self.

"Z-zoran...can we talk in private?" Tila basag ang boses nitong nagsalita.

"What for? There's nothing we can talk about." Madiing sabi ni sir leib dito.

Masyadong harsh ah!

"P-please...z-zoran, I wan'na make it up to you. L-let's talk please." Nagmamakaawa nitong sabi. I feel pity on her. Pinagsisiksikan nya ang sarili nya kay sir leib na kala mo naman kung sinong gwapo. Kainis ah!

"Spill it now. I don't have much time for your drama." Madiin pa rin ang boses na sabi nito at mababakas ang awtoridad.

"I want it to be private." Sabay pause nito at tingin sa'kin. "Can you please leave us----" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya nang biglang nagsalita si sir leib.

"She won't go anywhere. Just spill it now so that you can get yourself out of my office."

"B-but...a-alright." She said in defeat. "Can we just talk inside that room?"

Agad namang nagprotesta si sir leib. "No. No one is allowed to enter my room." Eh? Bakit ako pinapayagan nyang makapasok sa loob? Para-paraan din 'to ih. Hindi na lang kausapin at ng matapos na ang kakapanood ko ng drama nilang dalawa.

Naiinis na ako ngayon dahil para silang mag girlfriend/boyfriend na nag-aaway tapos ako audience nila. Tss. Kabagot ah.

Siniko ko naman si sir leib para mabaling ang atensyon nya sa akin pero pati atensyon pala ni ellie ay napukaw ko.

"What?" Inis na bulong nito sa'kin kaya't tinitigan ko sya ng masama. Pakialam ko kung boss ko sya, mafa-fire na rin naman ata ako ih, lulubosin ko na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SWITCHED AND LOVED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon