ARASHELLA'S P.O.V
Nakaupo na ulit kami ni kuya sa bilog na table dahil napagod na kami kakatakbo at patas na rin kami. Parehas na kaming puro cheese ang mukha. Nagtatawanan na lang kami tuwing makikita namin ang mukha ng isa't isa.
"Hahaha ang pangit talaga ng mukha mo, brotha!" Natatawang turo ko pa sa mukha nya.
"Mas pangit mukha mo, princess! Mukha ka ng mais!" Turo pa nito sa mukha kong nagye-yellow na rin. Kala mo naman yung kanya hindi.
"Parehas lang tayong mukhang mais. Pinagkaiba nga lang natin, ako yung mais na hindi broken tapos ikaw yung mais na nahati, broken." Tumatawa pang sabi ko pero napatigil din ako ng makitang seryoso ang mukha ni kuya. Okay, I crossed the line.
"B-brotha...I'm sorry, I didn't mean that."
"Okay lang, I understand."
"Brotha naman ih..."
Ilang minutong katahimikan ang nangyari bago ito binasag ni kuya ng magsalita sya.
"Tell me, princess...Am I not worth it?" Seryosong tanong ni kuya sabay inom ng can beer. Wala akong nasabi dahil sa pagka-gulat.
"You know...kaya siguro ayaw sa'kin ng parents ni arielainne at kaya nya ako niloko dahil hindi ako worth it sa buhay nila, sa buhay niya."Sobrang lungkot ang nararamdaman ko, feeling ko kasi nararamdaman ko rin yung nararamdaman ni kuya. Parang tinusok pa at mas lalong nasaktan ang puso ko ng makitang may tumulong luha sa kaliwang mata nya.
"Brotha, don't say that, you're so worth it. Mga bulag lang kasi sa pera yung mga taong yun, pera lang ang gusto nila, pero brotha, wag mo namang hayaan na ganyan ang isipin mo sa sarili mo dahil sa ginawa nila. You're worth it, and they are not."
"I know that, princess...pero kasi hindi ko mapigilang masaktan, minahal ko si arielainne ng totoo ih. Siguro kasalanan ko rin yun noh? Naging kampante kasi ako na ipaglalaban nya ako sa parents nya, na hindi nya hahayaang masira yung relasyon namin kahit nagliligaw pa lang ako sa kanya. Ang tanga tanga ko, princess!" Sabay lagok nya ng can beer. "Dapat talaga hindi ako naging kampante, dapat inalam ko muna kung may boyfriend na ba sya nang hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana hindi ako naloko." umiiyak ng sabi ni kuya.
"Brotha...don't waste your tears, marami pa naman dyang babae na mas maganda, mas mabait, at mas kaya kang mahalin at pahalagahan ng mas higit kay arielainne." Pagpapagaan ko ng loob nya ngunit isang mabilis na iling lang ang tinugon nya.
"Hindi ko alam kung kaya ko pang mag mahal, princess. Feeling ko kasi sobrang sakit ng nangyari at ayaw ko ng maulit. Ayaw ko ng maramdaman yung ganitong sakit. Kung pwede nga lang na tanggalin ko agad ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, ginawa ko na, kaso hindi ko talaga kaya."
Tumahimik na lang ako at nakinig kay kuya, hindi ko rin naman alam kung anong mapapayo ko, it's better na makinig na lang ako kasi alam kong ayun ang kailangan nya ngayon. Isang taong makikinig at magco-comfort sa kanya.
"I'm just here, brotha. I'll listen to all your rants." Nakangiti kong sabi sa kanya na ginantihan nya rin ng isang ngiti at paggulo ng buhok ko.
"Thanks, princess. You're the best sister I've ever had."
"It's so duh! Syempre ako lang naman ang kapatid mo! Binobola mo pa ako dyan! Kung ilibre mo na lang ako ng french fries edi mas masaya ako, ang daya kasi ni papa, sabi nya bibili nya daw ako ng french fries pero natulog agad kasama si mama." *pout*
"Hahaha papa-order na'ko." Sabay kuha nya na ng phone nya. Ngiting-ngiti naman ako.
French fries here I come! Hihihi!
BINABASA MO ANG
SWITCHED AND LOVED YOU
RomanceAs a cum laude graduate in Business Administration, Arashella Vienne Castoliñar, always dream for a better life than their life now. She wants to be rich so she can buy her parents and her own needs. She wants a career that is high paid or if destin...