THIRD PERSON'S P.O.V
Pagka-pasok nang mag-asawang meynes ay agad-agad na tinawag nang madame si lola elsa.
"Yaya elsa, where's ellie? Nag-shopping na naman ba?" She sophisticatedly asked.
"A-ahh, ang totoo po nyan madame, nagta-trabaho po si ma'am ellie." Pagbabalita ni yaya elsa.
Gulat naman ang naging reaksyon ni madame shiello.
"What did you say?! Ellie's already working?! That's great!" Then she clapped her hands twice.
"May isa lang pong problema madame."
"What is it, yaya elsa?"
"Sa cinoz enterprise po nagta-trabaho si ma'am ellie."
"What?!" Gulat na sigaw nang madame. "Sa dinarami-rami nang pwedeng pasukan na kumpanya, bakit doon pa sya nag-trabaho?! She's crazy! Mas lalo lang nyang nilalagay sa kahihiyan ang sarili nya!" The madame angrily said then they go upstairs with her husband.
Nang maka-akyat na ang mga amo nila ay agad silang bumalik sa kanilang mga trabaho.
Habang naglilinis si yaya elsa nang kusina ay pinatawag sya ni madame shiello sa office nito. Nang maka-akyat at makapunta sa tapat nang silid, agad syang kumatok at pinapasok naman sya ni madame shiello.
"Good afternoon, madame." Sabay yukod nya upang magpakita nang paggalang.
"Good afternoon din, yaya elsa. Have a sit." Turo nang madame sa visitor's chair.
Agad namang umupo si yaya elsa sa visitor's chair.
"Pinatawag nyo daw po ako, madame?"
"Yes. Gusto ko lang malaman ang mga nangyayari about kay ellie, nag-aalala ako sa batang iyon dahil sa nangyari nung nakaraan. Alam kong sobrang nasasaktan sya at nag-aalala ako bilang ina. Hindi ko man maipakita yun dahil palagi akong nasa trabaho, pero sobra 'kong mahal ang anak ko, at nag-aalala ako sa kanya nang sobra-sobra."
"Naiintindihan ko po kayo, madame. Tungkol naman po kay ma'am ellie, ibang-iba po ang kinikilos nya simula kaninang umaga."
Agad namang nagtaka ang madame.
"Paanong ibang kinikilos?"
"Kasi po, madame. Simula nang magising sya kaninang umaga, parang nag-iba sya. Iniisip pa nga po nya na pina-plastic surgery natin sya dahil hindi nya daw totoong mukha ang mukha nya. Isa pa madame, sabi nya na hindi daw sila mayaman. Mas nakakagulat po, madame. Kasi po wala namang alam sa gawaing bahay si ma'am ellie, pero simula kanina, di sya nagpapa-silbi sa mga maid at sya na'rin ang naghugas nang mga hugasin kanina."
"That's new." Nagtatakang ani nang madame. "About naman doon sa pagta-trabaho nya sa kumpanya nang mga cinoz. Anong pumasok sa utak nya at doon pa talaga sya nag-trabaho?"
"Hindi rin po namin alam, madame. Ikinuwento lang samin ni robert na pagkatapos daw magpahatid ni ma'am ellie sa Ileno de amor village ay sunod itong nagpahatid sa kanya sa cinoz enterprise."
"Ileno de amor village? Sino naman ang pinuntahan nya doon? Sa pagkaka-alam ko, wala syang kaibigan na nakatira doon sa village na yun. Oh, wait! Wala naman pala talaga syang kaibigan, they are all plastic! But, wait? Sa pagkaka-alam ko, sa village na iyon nakatira si zoran. Hindi kaya't pinuntahan na naman nya iyon! Ano bang pumapasok sa utak nang batang iyon at hinahabol-habol pa ang lalaking iyon! Eh ayaw naman sa kanya! Kaya't nasasaktan dahil rin sa katangahan! Tsk! Nagmana talaga sa akin!" Napapailing na sabi nang madame.
"Oo nga po madame, parang dati hinahabol-habol nyo po si sir---"
Hindi natapos ni yaya elsa ang sasabihin nya nang biglang sumingit si madame.
BINABASA MO ANG
SWITCHED AND LOVED YOU
RomanceAs a cum laude graduate in Business Administration, Arashella Vienne Castoliñar, always dream for a better life than their life now. She wants to be rich so she can buy her parents and her own needs. She wants a career that is high paid or if destin...