ARASHELLA'S P.O.V
Pagka-pasok nila sa'kin sa van ay agad nilang tinakpan ang bibig ko at ginapos ang kamay tsaka tinabunan ang mukha ko nang itim na tela.
Kabadong kabado naman ako sa sasakyan kaya sigaw ako nang sigaw kahit hindi nila maintindihan. Kaso pag sumisigaw ako ay pinapagalitan ako nang mga dumukot sa'kin.
"Hmmmm....hmmm..." pilit akong nagsasalita kahit hindi naman nila naiintindihan.
Huhuhu! Ano bang kailangan nila sakin?! Wala naman akong pera? Hindi naman kami mayaman kaya wala silang makukuha sa'ming pera! Baka naman lamang loob ko ang gusto nila?! Huhuhu! Wag naman sana! Wahhhh!!!
"Hmmmm!!!! Hmmmmm!!!! Hmmmm!!!"
"Tumahimik ka jan kung ayaw mong masaktan!" Sigaw sa'kin nang isang men in black na nasa kaliwa ko.
Pasalamat talaga sila at nakagapos ang kamay ko at may takip ang mukha kaya hindi ko sila makita! Bibigwasan ko talaga sila isa-isa!
"Hmmm! Hmmm! Hmmm! Hmmm!!" Pilit akong kumakawala sa pagkaka-gapos nang kamay ko.
"Sinabi kong wag kang maingay eh! Gusto mo talagang masaktan?!"
Tumahimik na lang ako dahil sa takot. Mamaya bigla na lang akong tutukan ng kutsilyo o baril na mga 'to eh.
Ilang minuto na ang tinagal namin sa loob nang sasakyan pero hindi pa'rin kami nakakarating sa lugar na pagdadalhan nila sa'kin. Sana hindi naman malayo at liblib para hindi ako mahirapang tumakas!
May araw rin talaga sa'kin 'tong mga mongoloid na'to! Magsusumbong talaga ako sa police pag nakatakas ako!
Maya-maya ay naramdaman ko nang huminto ang sasakyan. Tinanggal na rin naman nang mga men in black ang pagkakagapos ko at ang tela sa mukha pati na rin yung tape na nasa bibig ko. Hooo! Sa wakas! Pawis na pawis na yung mukha ko! Ang init sa loob nang tela!
"Hoo! Sa wakas! Nakahinga rin nang maayos!" Lumanghap pa'ko nang hangin saka ko binalingan yung mga men in black. "Ano bang kailangan nyo sa'kin mga kuyang men in black?! Wala kayong makukuha sa'king pera! Tag-hirap nga rin ako sa paghanap nang trabaho tapos ako pa kikid-nap-in nyo!" Sigaw ko sa kanila.
"Huwag mo kaming sigawan!" Galit na sabi nung isang men in black na nakaupo sa passenger seat.
"O-Oo na, kuya! Di na nga ako sisigaw! Init-init nang ulo eh!"
"Wag ka nang magsalita!"
Edi wag! Mga bwisit! Mga pangit naman sila! Kahit naka-mask pa sila, halata pa'ring pangit sila! Kala mo ang ga-gwapo!
Binaba naman nang isang men in black ang bintana sa may malapit sa'kin tsaka itinuro nya ang isang malaking company na nasa tapat nang sasakyan namin. Sobrang taas nang kumpanya na nasa harap namin tapos mukhang sobrang gara! Wow! Ang yaman siguro nang may-ari nito!
"Nakikita mo 'yang kumpanya na 'yan?" Tanong ng katabi kong men in black. Hindi naman ako sumagot. Bahala sya jan! Sabi nya wag ako magsalita! Edi wag magsalita! Susundin ko na lang, baka bigla na lang akong tutukan nang baril eh! Mabuti nang maingat.
"Hoy?! Magsalita ka!"
"Ano ba yun?!" Inis ko na ring sigaw. "Kanina sabi mo wag ako magsalita tapos nung hindi na ako nagsalita tsaka mo naman ako pagsa-salitain! Ang gulo mo rin eh noh?!" Sigaw ko.
"Sinabing wag kang sumigaw!"
"Eto na nga! Di na nga sumisigaw diba?!" Sabi ko pero pasigaw ko parin yung sinabi. "Ano ba yung sasabihin nyo?"
"Nakikita mo yung kumpanya na yun diba?"
"Sympre naman. Mukha ba 'kong bulag?"
"Wag kang mamilosopo ah!"
BINABASA MO ANG
SWITCHED AND LOVED YOU
RomanceAs a cum laude graduate in Business Administration, Arashella Vienne Castoliñar, always dream for a better life than their life now. She wants to be rich so she can buy her parents and her own needs. She wants a career that is high paid or if destin...