CHAPTER 12: DRUNK (SLY)

21 1 0
                                    

ARASHELLA'S P.O.V

Pagkabigay nang order namin ay agad na akong kumain. Chopstick ang ginagamit ko pero pag sabaw ay ang kutsara. Halangang chopstick pa'rin.

Patuloy lang akong kumakain at hindi ko pinapansin si sir leib. Away-away muna kami pag dating sa pagkain.

Lumipas ang mga minuto at halos makalahati ko na ang pagkain pero ni isang beses ay hindi pa kumain si sir leib.

"Hmm! Kumainch ka nash *munch* mauubosh ko na 'tosh. *munch**munch*" Sabi ko pa kay sir leib pero kumunot lang ang noo nya dahil hindi siguro nya naintindihan ang sinabi ko.

Nginuya ko naman yung kinakain ko at agad na nilunok tsaka sya kinausap.

"Kumain ka na sir! Mauubos ko na 'tong mga 'to ikaw wala pang kinakain. Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko pa dito pero umiwas lang sya nang tingin sa'kin. Nakapwesto pa sa ilalim nang dibdib nya ang kanyang mga braso.

"I'm still full." Sabi nito na hindi man lang tumitingin sa'kin. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Sir! Tanghali na kaya, hindi ka pa rin nagugutom? Eh wala ka pa namang kinakain simula nang umalis tayo." Sabi ko pa dito at saka kumuha ako nang isang kimbap. Tinanggal ko muna yung kalahati nang balot nun at saka hinarap sa mukha ni sir leib.

"Ahh...sir." Lapit ko sa bibig nya nang kimbap, nginanga ko pa yung bunganga ko habang sinasabi sa kanya yan. Pero naka-kunot noo'ng tumingin lang sya sa'kin at saka umiwas ulit nang mukha nya at tumingin sa ibang direksyon.

"Sir. Wag nang maarte, kumain ka na. Ahhh." Pag pilit ko ulit sa kanya ngunit tinignan nya lang na naman ako at tumingin ulit sa ibang direksyon.

Ano bang problema nito? Ang arte arte! Daig pa babae! Sinusubuan na nga!

"Sir naman! Kumain ka na oh! Sinusubuan na nga kita ih! Di mo ba naa-appreciate yung effort ko?" Parang naiiyak pang arte ko. Lalabas ko muna ang pagiging best actress ko at nang kumain na sya. Mamaya sabihin nya ako lang kumain lahat kaya ako magbayad. Wala pa naman akong pera. Malayo pa ang sahod ko.

"Tss." Singhal nito at saka sinubo nya yung kimbap na hawak ko. Success ako! Galing ko talaga!

"Sarap diba, sir?" Nangingiti pang tanong ko dito.

"No." Nag-iinarte pa nitong saad pero nginunguya nya pa din naman.

"Gusto nyo pa, sir?" Sabay lapit ko ulit sa bibig nya nang kimbap. Nilunok nya muna yung nginunguya nya at saka kumagat ulit sa kimbap. "Hihihi, sabi ko sa inyo sir masarap ih!"

"Tss." Singhal pa nito na nakakunot ang noo habang ngumunguya.

"Hihihi. Ang cute nyo pala magtampo,sir, noh?" Pang-aasar ko sa kanya pero hindi man lamang sya kumibo.

Nang malunok nya na ang kinakain na kimbap ay ngumanga ulit sya kaya't sinubuan ko ulit sya nang kimbap.

Nagpatuloy lang ako sa pagsubo sa kanya at kumakain naman ako habang nginunguya nya pa lang yung pagkain.

Binuksan ko naman ang isa sa mga bote nang soju at nilagay sa isa sa mga shot glass. Agad ko naman sanang iinumin ang soju nang biglang pigilan ni sir leib ang kamay ko.

"I said you can't drink." Kunot noo'ng pigil nito sa'kin.

Agad ko namang binaba ang kamay ko sa table kasama nang shot glass at saka tumitig nang seryoso sa mga mata ni sir leib at saka sya kinausap.

"Sir. Pakiusap ko lang 'to ah?" Titig na titig na pakiusap ko sa kanya. "Sana naman wag nyo akong pigilan sa pag-inom ko. Kailangan ko lang talaga 'to ngayon, kung hindi ko naman kailangan ay hindi naman ako umiinom. Kaya sana naman wag nyo akong pigilan, kung pwede lang." Mahinahon kong pakiusap sa kanya pero mukhang hindi nya naintindihan at pinigilan pa'rin ako.

SWITCHED AND LOVED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon