ARASHELLA'S P.O.V
"Wahhhhh!!!"
Sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko ay lumabas ako nang kwarto at nagtatatakbo pababa sa hagdan habang sumisigaw. Dahil doon naagaw ko ang pansin nung mga maid na nasa baba.
"Ma'am! Ano pong nangyayari?! Ba't kayo sumisigaw?" Tanong sa'kin nang isang lola, baka ito na si lola elsa. Nagkumpulan na rin malapit sa'kin yung mga maids.
"Waaahhh!! Sa-sabihin nyo sa'kin, ba't ganto yung mukha ko?! Bakit nag-iba? Ha?! Hindi ganto ang mukha ko! Hindi sa'king mukha 'to!" Nagpapanic kong sigaw.
"Po? Ma'am? Ano pong sinasabi nyong hindi nyo mukha yan? Eh ganyan naman po talaga ang mukha nyo?" Nagtatakang tanong ni lola.
"H-hindi po! Hindi ganto ang mukha ko! Sa-sabihin nyo sa'kin?! Pina-plastic surgery nyo ba ang mukha ko para maging ganto?! Gaano katagal na ba ako nandirito sa bahay nyo at napa-plastic surgery nyo agad ang mukha ko?!"
"Ma'am ellie! Ano po bang sinasabi nyong plastic surgery? Hindi po namin kayo pina-plastic surgery, ganyan na po ang mukha nyo dati pa."
"Isa pa yan! Isa pa yan! Hindi ellie ang pangalan ko! Arashella! Arashella vienne castoliñar! Kaya wag nyo akong tawaging ellie! Hindi ako yun!"
"Ma'am ellie, ano po bang nangyayari sa inyo? May nangyari po ba sa inyong masama at nagkakaganyan kayo? Para kayong nababaliw ma'am! Jusko! Anong gagawin ko sa inyo!" Namomroblemang sabi ni lola.
"Hindi po ako nababaliw! Hindi talaga ganto ang itsura ko! Wait lang! Tignan nyo 'tong picture ko, nasa wallet ko yun nakalagay eh." Kinapa ko naman yung wallet ko kung nasa bulsa ko pero nagulat ako nang wala akong makapa at hindi na ako nakapantalon, naka suot lang ako nang denim short. "Wahhh!! Nasan na yung wallet ko?! Tsaka nakapantalon pa'ko nung nakatulog ako ih!"
"Jusko! Pa'no ko ba sasabihin kila ma'am at sir ang nangyayari sa'yo, ma'am?!" Problemadong sabi ni lola at parang bigla na lang syang may naisip na gawin. "Ay! Ganto na lang ma'am, ipapakita ko po yung mga picture nyo para malaman nyo po na ganyan talaga ang itsura nyo at hindi namin kayo pina-plastic surgery! Wait lang ma'am, kukuhanin ko po."
Umalis naman na si lola para kuhanin yung picture ko 'DAW' pero hindi pa rin ako mapakali at iniisip ko kung paano nangyari 'to. Kinakagat-kagat ko na yung kuko ko dahil sa sobrang kaba at panic na nararamdaman ko.
Nagpapalakad-lakad lang lang ako. Punta sa kanan punta sa kaliwa, balik sa kanan, balik sa kaliwa. Ganyan lang ang ginagawa ko hanggang sa bumalik na si lola elsa na may dala-dalang picture frame.
"Heto ho, ma'am. Ito po yung mukha nyo oh. Tignan nyo po." Sabay pakita sa'kin ni lola elsa nang picture. "Oh, diba ma'am? Kayo po yan. Di ko nga po kayo maintindihan kung bakit nyo iniisip na nagpa-plastic surgery kayo at hindi kayo si miss ellie."
"H-hindi ako yan..." yun lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala.
"Kayo nga po iyan, ma'am."
"Pa-panong nangyari yun?..."
"Ang alin po, ma'am?"
Bakit ganon? Paano nangyaring naging ganto ang itsura ko at naging mayaman ako bigla. Kailangan kong puntahan sila nanay.
"Ahh, kayo po ba si lola elsa?" Tanong ko kay lola.
"Ahh, opo ma'am? Bakit po? Di nyo rin po ba ako maalala?" Nagtatakong tanong nya.
"Ahh, hehehe, hindi po ih. Pwede pong pag may naghanap sa'kin, kahit sino man, sabihin nyo po na umalis po ako, may pupuntahan po kasi ako ngayong araw ih."
BINABASA MO ANG
SWITCHED AND LOVED YOU
RomanceAs a cum laude graduate in Business Administration, Arashella Vienne Castoliñar, always dream for a better life than their life now. She wants to be rich so she can buy her parents and her own needs. She wants a career that is high paid or if destin...