CHAPTER 2

44K 1.2K 92
                                    

Chapter Two

Favor


"Almera!"  ilang beses pang umulit ang mga salitang 'yon sa mahina kong utak hanggang sa mapapikit nalang ako.

Bigla akong natakot na baka sa pagharap ko ay buhusan niya ako ng asido sa mukha, saksakin sa dibdib o barilin sa sintido!

Oh my God, nandito ako para mag-aral at hindi para maging biktima ng Ramiel na 'yon! Wala sa sariling napausal nalang ako ng isang dasal pero natigil ako ng marinig ang mga hakbang nito palapit sa akin at maya maya'y pagtawa ng malakas! I know that laugh!

Marahas akong pumihit paharap doon at nakita ang ibang Del Rio sa aking harapan!

"Rigel!" umalon pa ang boses ko sa matinding kasiyahan ng makita ang kanyang kabuuan!

Kung hindi nga lang siguro maraming mga matatalim na titig ang nakapukol sa akin ay nayakap ko na siya!

"Why do you look so surprised?" nakangiti niyang tanong sabay ng lahad ng kamay para kunin ang librong hawak ko. Binigay ko naman 'yon sa kanya bago sinabayan ang kanyang paglalakad.

Kung kanina ay pagmamakaawa ang mga dasal ko, ngayon naman ay purong pasasalamat na ang mga iyon!

Pakiramdam ko ay ang mga paghinga ko ngayong kasama siya ang pinaka-maluwag na paghingang nagawa ko ngayong taon. I'm just thankful that he's walking beside me, bukod sa feeling ko safe ako ay alam kong hindi rin ako pwedeng pag-usapan ng kahit na sino. I mean, this is Rigel Del Rio. Bukod sa kapatid niyang maangas at tinik sa lalamunan ng lahat ng narito ay gumagawa rin ito ng sariling ingay sa kabuuan ng San Martin de Dios sa larangan ng sports.

"Wala naman..."

"You sure? Hindi ba dahil kay Ramiel?"

Napanguso ako. Of course, he knew. Malaki man ang eskwelahang ito pero mabilis pa sa virus kung kumalat ang balita.

"Huwag mo nalang pansinin 'yon. Hayaan mo't kakausapin ko mamaya–"

"No! Hinding hindi mo 'yon dapat gawin!" pigil kong nagpabagal sa kanyang paglalakad.

"And why is that?"

Nahihiya akong napangiwi bago nagkibit ng balikat.

"Baka mas lalo akong pag-initan ng kapatid mo."

Muli siyang natawa. Me and Rigel became close weeks after Ate Skyrene and I became friends. Bukod sa kasing bait rin ito ng kapatid ay hindi rin mahirap pakisamahan. Actually, lahat naman ng Del Rio ay masasabi kong mabait maliban sa nag-iisang black sheep nila. Zuben and Cassy are obedient, matatalino at may respeto rin ang mga ito. At kahit na si Ate Skyrene lang ang nagpalaki ay masasabi kong maayos niyang nagampanan ang papel na maagang ibinigay sa kanya... Well, sumablay lang talaga sa lalaking maihahalintulad sa nag-iisang porsyento ng germs na hindi natatanggal kahit anong gawin.

Oo nga't hindi naman lingid sa akin ang kasamaan ng Ramiel na 'yon simula nang umpisa ko itong makita sa bakuran ng mansion ay hindi ko akalaing maghahasik pa ito ng lagim sa kabuuan ng bayan namin. Napapailing nalang ako sa tuwing naalala ang mga ginawang kalokohan nito.

Isang buwan simula ng pumasok ito sa San Martin ay ilang beses na itong nasangkot sa gulo. Ilang beses na pinatawag ang mag-asawang Deontelle dahil sa pagiging basagulero ni Ramiel. Sa pangalawang buwan ay nahuli naman itong nagbebenta ng sigarilyo sa loob ng campus. Sa pangatlo ay pati alak na ang binibenta at sa pang apat ay nagtayo na ito ng pasugalan sa likod ng engineering building na hanggang ngayon ay bukas pa rin at wala na yatang makakapagpasara.

Ilang beses kong nakitang namroblema si Ate Skyrene sa tigas ng ulo nito pero hindi naman nakontrol. Ramiel is different from all of his siblings pero nakuha nito kay Ate Skyrene ang dedikasyon at diskarte sa buhay. Ani Rigel, ginagawa lang 'yon ng kanyang kapatid dahil gusto nitong kumita ng pera at makatulong sa pag-iipon nila at paghahanda sa buhay nilang magkakapatid... Bukod syempre sa pagiging matigas lang talaga ang ulo.

Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon