Chapter Six
El Grande
Patuloy ang pagalit ko kay Rigel sa tuwing naririnig ko ang mahihinang tawa niyang hindi pa rin makapaniwala matapos ang pag-amin ko at habang nasa biyahe patungo sa warehouse.
Kung bakit ba kasi nabaliw ako at buong detalye ang kinwento sa kanyang simula sa tagaktak ng pawis ko nang makita ito hanggang sa huling titigan namin habang nasa likuran siya ni Clare. Sa kabila no'n ay nagpapasalamat pa rin akong hindi ko nasabi sa kanyang kaya ko 'yon nagawa ay dahil inutos ng nakatatanda niyang kapatid.
"Stop smiling, Rigel. Hindi nakakatuwa."
Umiiling itong nagpatuloy sa pagmamaneho, hindi tumigil sa pangisi-ngisi.
"I just can't stop imagining your reaction while watching them."
"I don't ask you to imagine things! Sobrang nakakahiya 'yon kaya dapat mo ring itago at huwag sabihin kahit kanino." nasapo ko ang aking noo nang magpatuloy ito sa pang-aasar hanggang sa makarating kami sa liblib at lumang warehouse na 'yon.
I was hesitant to get off his car lalo na't mas lalong nagiging creepy ang lugar dahil sa takip-silim.
"Are you coming or what?" aniyang naudlot rin sa pagbaba sa kanyang sasakyan dahil sa hindi ko paggalaw.
"Sure kang dito?"
"Yeah."
"Hindi ba haunted house 'yan?"
Muli kong sinulyapan ang mga malaking warehouse na mayroong mga kinakalawang na yero sa labas. Ang paligid nito ay may mga lumang gulong rin na tila ginawang tambakan ng mga bakal at maraming tuyong dahong nagkalat gawa ng mga malalaking punong nakapalibot sa lugar. I don't think life exist and can exist here. Ang lugar na ito ay parang inabandona na ng mga tao matapos sumabog ang isang power plant.
"Let's just go inside." sabi niya sabay labas ng sasakyan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.
"Shit!" malakas kong hiyaw nang sa pagbaba ko ng aking mga paa ay sumakto ang paglubog ng mga ito sa putikang hindi ko napansin dahil sa padilim nang paligid!
Iritado kong binuksan ulit ang pinto at ibinalik ang bag ko para ayusin ang sarili saka tinawag ang lalaking kasama.
"Rigel!"
"What?" nagkukumahog naman itong umibis pero ang pag-aalala sa kanyang mukha ay agad naglaho ng makita ang sitwasyon ko.
He laughed at me! Parang gusto kong kwestiyunin ang lahat. Oo nga't mabait siya pero nakalimutan kong iisang dugo lang ang nananalaytay sa kanila ng masama niyang kapatid at hindi siya ligtas na magkaro'n ng kasamaan minsan!
"You're awful." inirapan ko siya't kumapit sa pinto ng sasakyang isinara bago pilit na inalis ang mga puting sapatos na naging kulay itim na sa putikan. Ugh! I hate it! Pinigilan ko ang pagsigaw dahil sa kamalasan.
Ang lalaki naman ay nagpatuloy sa pagtawa pero tinulungan na rin ako. Ayaw ko sana dahil pati sa kanya ay naiinis na rin ako pero dahil wala na akong magagawa ay hinayaan ko siya. Kung kanina ay nasa ayos ang mga plano ko, ngayon naman ay puro balakid iyon malayo pa mang maisakatuparan.
Nawala na ako sa mood habang inaalalayan niya patungo sa likod ng warehouse na mas masukal kaysa sa harapan.
"Sigurado kang dito 'yon? Parang walang buhay ang lugar na 'to!" patuloy kong reklamo dahil bukod sa ang dugyot ko na ay naaamoy ko pa ang alingasaw ng putik galing sa mga paa ko! I hate it!
"That's the thing, Izzi. We had to make sure that it stay this way nang sa gano'n ay walang masyadong makahalata."
Napabuntong hininga ako ng malalim ng maalalang ilegal nga pala ang lahat. Gusto ko na sana siyang hilahin pabalik at sabihing siya nalang ang pumuntang mag-isa pero dahil malayo layo na rin ang nalakad namin at may misyon ako ay pinili kong ipagpatuloy nalang. I convinced myself that I can do it... Hell, I have to do it!
BINABASA MO ANG
Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)
RomanceWARNING : MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] I don't like guys who have vices. I promised myself not to be linked romantically with someone who's not five years older than me. I swear to God that I will not love someone more than myself. Bukod doon, isang...