CHAPTER 11

25.7K 984 109
                                    

Chapter Eleven

Hug


Hindi ko na napigilan ang sarili kong takbuhin ang distansiya namin para yakapin siya. I know it was the most romantic thing ever but we are just really friends. Kahit na palagi kaming napagkakamalang may relasyon at maraming nagsasabing bagay kami ay hinding hindi 'yon mangyayari.

"What are you doing here?" hinawakan niya ang bewang ko't bahagya akong inilayo sa kanyang katawan matapos ang isang yakap.

"I'm here to support you. Sinabi ko sa'yong gusto kitang suportahan kaya nandito ako."

Sabay kaming naglakad patungo sa upuang para sa kanya. Kinuha ng lalaking sumunod sa akin kanina ang bag ni Rigel at may sinabi sandali. Nang matapos ay naupo na ito sa upuan, ako naman ay naupo rin sa nasa tabi nito.

"And I told you not to do that."

"Nandito na ako at wala ka nang magagawa kung hindi ang hayaan ako."

"But how did you get in? Nag-crash ka ba?" kabado niyang hinawakan ang kamay ko gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa niya naman ay agad inihawak sa aking hood para ibalik sa aking ulo.

Natawa ako dahil sa kabang nakita ko sa kanyang mukha.

"I didn't!" tinanggal ko ulit. "Maayos akong pumasok rito at walang halong pwersa."

"You're kidding me, right? Like how?"

Nilingon ko ang gawi ni Ramiel at itinuro ito.

"No way..."

"Yes way kaya wala ka nang magagawa, Rigel! Now, what should I do? May magagawa pa ba ako para pigilan ka sa gagawin mo ngayon?"

"No," binitiwan niya ang kamay ko at pagkatapos at inabala ang sarili sa bag na dala. "You can't do anything to drag me out of this now. All you can do is watch."

"Rigel..."

Natigil ako ng lingunin niya ang aking gawi.

"Trust me, okay?"

Hindi ako nakasagot kaagad. Nakipagtitigan ako sa kanyang mga matang puno ng determinasyon at mayroon ng pinal nang desisyon.

"Fine..."

Napangiti siya at agad tumango. Hindi na muna nakasagot dahil kinausap na ng lalaking nasa gilid. Maya maya pa ay umingay na ang kabuuan ng lugar dahil sa pagsasalita ng lalaking nagpatahimik sa lahat kanina pagdating namin.

Bago pa tumayo si Rigel ay nagmamadali ko nang kinuha ang first aid kit na dala ko. Kinalabit ko siya.

"May ice bang available?" inangat ko ang ice bag na dala ko.

Alam kong wala namang joke sa sinabi ko pero tanging tuwa ang nakita ko sa kanya. Ni isang hibla ng kaba ay wala. Ginulo niya ang aking buhok.

"You don't need to bring first aid kit."

"Pero wala akong nakita."

"Because we don't need it."

"Paano kung masugatan ka? I have  topical antiseptic–"

"It's unnecessary,"

"But–"

Tumayo na siya, nakangisi pa rin at kampante sa labang sasabakan. Naitikom ko ang aking bibig pero nang hubarin niya ang kanyang suot na puting t-shirt ay muli iyong napaawang.

"You look funny."

Bumalik ang mga mata ko pabalik sa dapat tinititigan at hindi sa mga nagmumura niyang abs!

Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon