CHAPTER 7

27.8K 873 22
                                    

Chapter Seven

Love Wisely


Mabilis kong natanggap ang pagkabigo sa unang araw na pagsubok na isumbong siya kay Ate Sky pero nagpapasalamat pa rin akong buhay akong nakalabas sa lugar na 'yon.

"I'm dead, Rigel... I'm dead..." paulit-ulit kong litanya sa kanyang patuloy niya namang tinatawanan. Baliw rin talaga at sira ang ulo ng isang ito!

"Izzi, gago 'yon pero hindi mamamatay tao."

"Ayan ka na naman! Pag ako pinatay no'n papatayin kita!"

Lumakas ang tawa niya sa narinig.

"You can't kill me if you're already dead but I'll kill him for you. You're welcome."

Napanguso ako't inayos ang sarili sa passenger's seat.

"Hindi ka ba nasaktan sa ginawa niya sa'yo kanina?"

"Nah. Walang wala 'yon kapag nag-aaway kami noon sa West Side."

"West Side?" kuryoso kong tanong.

"Maliit na Barangay sa Manila kung saan kami nakatira. Magulo, mahihirap ang mga tao at ibang-iba kumpara rito ang pamumuhay. Doon, walang oras na tahimik. Everyone can be violent, too. Basta."

Lutang akong napatango-tango. "So... palagi kayong nag-aaway?"

"You can say that. Hindi naman maiiwasan."

"Hindi nagagalit si Ate Sky?"

Nagkibit siya ng balikat. "Minsan pero nasanay na lang rin."

"Basagulero talaga 'yang kapatid mo 'no?" hindi ko na napigilang ikomento.

Tumawa siya at tumango.

"Ramiel is Ramiel. He always get what he wants at kung ano ang gusto niyang gawin ay gagawin niya talaga."

"That sounded so selfish."

"Sometimes," hindi na nawala ang ngiti niya sa labi. "Pero mabait naman 'yon. Bukod kay Ate Sky, isa rin siya sa dapat pasalamatan sa pagiging maayos namin noon sa Manila. Madiskarte ang isang 'yon kaya kahit paano ay hindi naman kami nagutom ng sobra."

I can see that. Bulong ng utak ko pero hindi ako kumbinsido sa unang sinabi niyang mabait ito. Hindi nalang ako nagsalita hanggang sa makarating na kami sa mansion.

"Huwag mong kakalimutan lahat ng pangako mo, Izzi." paalala ni Rigel nang makapasok na kami sa loob.

Dinig ko pa rin ang malakas na kalampag ng aking puso dahil sa mga nangyari kanina pero nagawa kong tumango. Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang dapat kong gawin pero dahil naka-pangako ako sa kanya ay iyon ang dapat kong sundin.

Sabi ni Papa, kapares ng magnanakaw ang sinungaling pero anong magagawa ko? I'm so torn between the two of them at para sa akin ay mas dapat na si Rigel muna ang panigan ko. Mali man pero kaibigan ko ito at pinagkakatiwalaan niya ako kaya hindi ko 'yon sisirain. Isa pa, hindi ko rin alam kung anong magiging reaksiyon ni Ate Sky kapag nalaman niya ang hidden agenda ng kapatid. Tiyak akong masasaktan lang siya kaya sa ngayon ay itatago ko nalang muna.

"Izzi!" napangiwi ako ng salubungin niya ako ng yakap.

Gano'n rin ang ginawa niya kay Rigel pero muling bumalik ang kung anong kabang naramdaman ko habang sinasabi ni Ramiel sa akin ang mga pagbabanta niya kanina nang agad nitong mapansin ang suot kong tsinelas.

"Where's your shoes?" she asked curiously. Natuwa dahil malaki raw ang suot ko, panlalaki at alam niya kaagad ang tatak.

"Nalubog ako sa putik kanina Ate–"

Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon