CHAPTER 5

31.4K 1K 71
                                    

Chapter Five

Answers


"Izzi!"

"Palakang kaka!" muntik kong mahampas sa mukha ni Rigel ang librong ipinangtatakip ko sa aking mukha ng sumulpot siya sa aking harapan sa gitna ng pagtatago ko sa nag-iisang lalaking hiniling kong magka-amnesia nalang o mabulag para hindi na ako makita.

Umalingawngaw ang halakhak niya sa hallway kaya agad ko siyang hinila sa gilid at pinatahimik.

"What are you doing?" kunot noo niyang tanong pero nang muling umawang ang kanyang bibig ay agad ko iyong binusalan gamit ang aking palad lalo na ng mahagip ng gilid ng aking mga mata ang grupo ng kanyang kapatid na palapit sa aming gawi!

Huli na ako para magsinungaling dahil agad niyang natanto ang dahilan kaya kinuha niya ang kamay ko.

"Relax–"

"Tara na!" mabilis kong ipinagpalit ang mga kamay namin at hinila siya para sana umalis na pero imbes na magpatianod sa akin ay mahigpit niya akong pinigilan.

Pakiramdam ko'y guguho na ang mundo lalo na't ilang dipa na lang ang lalaking 'yon kasama ang sandamakmak niyang alipores at mga hindot na palamuti!

"Rigel!" sigaw ni Ramiel at kuha ng atensiyon ng kapatid.

Ngumisi siya at tumayo ng tuwid bago kinuha ang libro sa kamay ko.

"I said relax..." halos pabulong niya nang sabi bago makalapit sa amin ang mga iniiwasan ko.

Pumihit ako paharap kay Rigel at ibinigay ang buong tiwala't buhay sa mangyayari. Inisip kong nag-o-overthink lang ako. Baka daraan lang ang mga ito at wala naman talagang pakialam sa amin pero ng marinig ko ang paghintuan ng yapak ng  lahat sa aking likuran ay tuluyan nang naputol ang aking paghinga!

Oh my God!

Nakita ko ang pagtango ni Rigel sa kung sino kaya humigpit ang kapit ko sa kanya. Dama ko ang paninigas ng aking katawan. Hindi lang katawan, puso utak at buong kaluluwa na!

"You and Almera are a thing now, Rigel?" malanding boses ng babae ang narinig ko.

Marahan akong hinila ni Rigel sa kanyang tabi. Ayaw ko pa sanang harapin ang delubyong nasa likuran ko pero nang marinig ko ang sunod niyang sinabi ay awtomatiko akong napapihit habang nakaawang ang bibig.

"What if we are, Ana? May problema?" aniya pagkatapos ay pinisil ang kamay ko, tila sinasabing magtiwala lang ako sa kanya.

"Alam mo ba kung anong ginawa niyan sa kapatid mo?!" she spat, nalasahan ko pa ang pait no'n na parang siya ang nagawan ko ng masama!

I heard Rigel groaned at that. May sinabi siya, narinig ko pero hindi ko na naintindihan dahil sa paglihis ng mga mata ko patungo sa lalaking tila magnet ang mga titig at pinipilit hilahin ang aking mga mata. Nanuyo ang aking lalamunan ng matitigan iyon... Shit! Ang mga matang 'yon!

"Wala siyang karapatang pigilan si Ramiel sa gusto niyang gawin! Bakit mo ba ipinagtatanggol?!" patuloy nilang pag-aaway na ginatungan pa ng ilan maging ang mga lalaki.

Nang makita ko ang pagkapit ng kamay ni Clare sa braso ni Ramiel ay agad na nalaglag ang mga mata ko doon. Pakiramdam ko'y may sariling sinehan sa loob ng utak ko't ni-replay na naman ang ginawa nilang dalawa ilang araw ang lumipas!

"Ramiel, do you believe this? Ipinagtatanggol ng kapatid mo ang babaeng 'yan!"

Ipinilig ko ang ulo ko para ibalik kay Rigel. The guy is still smiling, walang pakialam sa mga taong kaharap lalo na sa impluwensiya ng kapatid. Nang makita ko ang ngisi nito ay bumalik ang nababaliw kong titig sa kapatid niya.

Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon