Chapter Thirteen
Thank You
Crush - a person who gives you butterflies and makes your heart beat faster. A person that you can't describe in a word, but multiple words. A person you can't get off your mind.
Paulit-ulit ko iyong binasa hanggang sa manakit nalang ang mga mata ko. Ilang araw kong pinagnilayan ang palagiang pagbilis ng pintig ng puso ko sa tuwing nakikita ko si Ramiel. Ang pag-iinit ng pisngi ko sa tuwing natititigan niya ako at ang pagiging aligaga ko kapag nasa paligid siya na parang hindi lang paru-paru ang dala niya kung hindi lahat ng insekto.
I admit, I admire him a lot lately pero crush? Hindi naman siguro, ano?
Crush - a person who gives you butterflies and makes your heart beat faster. A person that you can't describe in a word, but multiple words. A person you can't get off your mind.
Napabuntong-hininga na ako sa muling pagbabasa no'n. Isinarado ko ang binder na hawak ko. Okay, fine, maybe a little but I know it will go away. Kasi nga, crush is paghanga and sometimes nawawala.
Pinaniwala ko ang sarili kong lilipas rin ang lahat at epekto lang ang nararamdaman ko nang pagligtas niya sa akin. Naiisip ko lang siya dahil may utang pa akong thank you sa kanya pero habang tumatagal ay lumilinaw na mali ako.
Iyong akala kong lulubayan rin ako ng mga pakiramdam ay hindi nangyari dahil habang nakikita ko siyang nakapamulsa at palapit sa akin ngayon ay para na akong tina-trangkaso. Kinukombulsyon ang puso ko, nag-iinit ang mga pisngi ko at ang aking paghinga ay bumibilis kahit na mabagal lang naman akong naglalakad.
Nilunok ko ang lahat ng bumara sa aking lalamunan ng huminto siya sa aking harapan kasabay ng mga alipores niya.
"You can go now, Raymundo. Thank you." anito at wala pang isang minuto ay nawala na ang mga lalaki sa paligid. Maging ang mga gustong makiusyoso ay biglang naglaho!
"R-Ramiel..."
"Rigel is going somewhere kaya hindi ka masusundo."
Tulala akong napatango. Ngunit nalaglag ang panga ko sa sunod niyang sinabi.
"Ako ang maghahatid sa'yo pauwi."
"A-Ano?"
"Give me your books and let's get going."
Dahil hindi ako nakagalaw ay siya na mismo ang umabante at walang hirap na kinuha ang mga librong hawak ko. Napasinghap ako sa pagdaloy ng kuryente galing sa kanyang balat patungo sa aking palad. Pakiramdam ko ay siya ang source ng meralco sa naging reaksiyon ng katawan ko. Natataranta akong sumunod at walang tanong na hinayaan siya sa ginawa.
Butterflies, check. Heart beat fast, check...
Nanatiling tikom ang aking bibig habang nakikipagtalo sa aking utak. Iyon lang ang nagawa ko hanggang sa maihatid niya ako sa bahay.
Nangungusap na mga mata ang tanging nagawa ko at isang tipid na ngiti ng makababa. Nang mawala na sa aking paningin ang sasakyan ay saka ko lang naisip na hindi ako nagpasalamat sa paghatid niya sa akin at sa iba pang bagay! How stupid of me to shut my mouth when I have so much to tell him?
"Okay ka lang?" tanong ni Mama habang nasa gitna kami ng hapunan.
Kanina, matapos makapasok sa loob ng bahay ay napagdesisyunan ko nang sumadya sa mansion ngayong gabi mismo at huwag nang patagalin ang lahat. Ngayong gabi ay kailangan ko nang kausapin si Ramiel at sabihin kung gaano ako nagpapasalamat sa kanya sa lahat ng ginawa niya't ginagawa pa para sa akin ngayon. I know he won't take credit for it pero gusto kong malaman niyang naa-appreciate ko siya at ang kanyang kapatid sa patuloy na pagpo-protekta sa akin.
BINABASA MO ANG
Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)
RomanceWARNING : MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] I don't like guys who have vices. I promised myself not to be linked romantically with someone who's not five years older than me. I swear to God that I will not love someone more than myself. Bukod doon, isang...