Chapter Nine
Blackmail
Naging tahimik ang mga sumunod na araw. It felt like the calm before the storm. Nagpatuloy ang buhay ko pero sa pagkakataong ito ay mas tahimik ang buong San Martin. Hindi ko alam kung paranoid lang ba talaga ako, sanay nang magulo o talagang hindi lang kapani-paniwalang tahimik ang lahat ngayon? Maybe all of the above.
"Mari..." kinalabit ko si Mari na nasa harapan ko, tahimik itong nagte-take ng notes.
"Ano?"
"May napapansin ka bang kakaiba?"
Nalukot ang kanyang noo at nilingon ang paligid. Pagbalik ng mukha niya sa akin ay kabado na ito.
"May nakikita kang hindi ko nakikita?"
"Hindi. Banyo tayo?"
Tumango siya. Kumuha kami ng tamang tiyempo para magpaalam.
"Wala ka talagang napapansing kakaibang nangyayari ngayon sa university?" tanong ko matapos siyang hilahin papasok sa ng women's bathroom.
"Ano 'yon? Wala naman, bakit?"
"Hindi ba parang tahimik? May balita ka ba sa grupo ni Ramiel?"
Sabay kaming naglakad patungo sa lababo.
"Wala naman. Mukhang busy sila ngayon. Baka kaya nananahimik kasi busy."
"Exactly! Anong kinabi-busyhan nila?"
"Wala akong idea."
"May narinig ka na bang tsismis tungkol sa Pit?"
"Pit? Pitbull?"
"No. Pit as in parang boxing ring."
"Para saan?"
Sumandal ako sa lababo at humarap sa mga cubicle. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa kanya ang nangyaring pagpunta namin ni Rigel para kausapin si Ramiel at yayain sa isang suntukan ang mga alipores niya. Speaking of Rigel, maging ang isang 'yon ay tahimik rin at ayaw magsabi kung kailan ang pag-haharap nila ng mga bumastos sa akin. Halata ko ring iniiwasan niya akong makasama lately. Sa tuwing pumupunta ako sa mansion ay wala ito. Isang tanong isang sagot rin lang kung mag-reply. Kahapong nakasalubong ko naman siya ay nagmamadali pero mukhang buo pa naman at walang galos kaya tiyak kong hindi pa natutuloy 'yon.
"Ano bang meron do'n?"
"Hindi ko rin alam sa ngayon, Mari. May mapagkukunan ka ba ng balita tungkol do'n at kung nasaan iyong pit na 'yon?"
"Itatanong ko kay Glaiza."
"Seryoso? Si Glaiza ang source mo?" gulantang kong tanong dahil hindi ako naniniwalang ang tahimik na nerd na 'yon ang pagkukunan niya ng balita!
Tumango siya. "She's a reliable source. Baka hindi mo alam, secret boyfriend niya si Raymundo na kanang kamay ni Ramiel dito sa loob ng San Martin. Huwag kang maingay, okay? Tsaka ayaw mo ba? Ikaw rin."
Nalaglag ang panga ko dahil sa nalaman pero hindi nalang inintindi. Now I understand kung bakit gano'n nalang karami ang balitang nasasagap niya tungkol sa grupo ni Ramiel. Bukod sa kapit-bahay lang nila si Glaiza ay boyfriend rin pala nito si Raymundo!
"Gusto ko. Kahit sinong source ay okay lang basta dapat malaman natin sa lalong madaling panahon kung may magaganap ba doong event. Tsaka ko nalang sasabihin sa'yo lahat."
Hindi ko na siya pinagsalita. Pagkatapos ng usapan ay hinila ko na ulit siya pabalik sa klase. Nang matapos naman 'yon ay agad kaming naghiwalay. Dumiretso ako sa canteen at siya naman ay para kausapin na ang babae.
BINABASA MO ANG
Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)
RomanceWARNING : MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] I don't like guys who have vices. I promised myself not to be linked romantically with someone who's not five years older than me. I swear to God that I will not love someone more than myself. Bukod doon, isang...