CHAPTER 12

26.5K 1K 95
                                    

Chapter Twelve

Incomplete


Hindi ako umalis sa pagkakayakap sa kanya kahit na naitayo na niya ako sa pagkakasadlak. Nanatili siyang nakatayo lang habang yakap ko pero nang manginig ang aking buong katawan habang patuloy na humahagulgol dahil sa takot ay sunod ko nalang naramdaman ang pagpulupot ng kanyang mga kamay para sagutin ang mga yakap ko.

Bahagyang napaawang ang aking bibig. Sa pagkakataong 'yon ay mas lalo kong nadama ang pangangailangan ng katawan kong huminga. My mind screamed at the thought of Ramiel hugging me... Ang init ng kanyang katawan ay pilit na pinupunan ang lahat ng puwang ng aking pagkatao...

I know he was just trying to comfort me pero parang gusto kong mabaliwan sa nagiging reaksiyon ko lalo na ang puso kong gusto na yatang sumabog sa loob ng aking dibdib.

Ilang minuto kaming nanatiling magkayakap. Bahagya akong nahimasmasan dahil doon pero kahit na hinahagod na ng mainit niyang kamay ang aking likod ay hindi ako umalis, ni hindi ko siya nagawang pigilan. Kung kanina ay imposibleng maramdaman ko ang kaligtasan sa tabi niya, sa pagkakataong ito naman ay wala akong ibang maramdaman kung hindi iyon.

I know I am safe... I am really really safe with him by my side... Napapikit ako ng maamoy ang bango ng kanyang katawan. It wasn't just an expensive perfume or the alcohol he consumed earlier. Maging ang ginamit niyang sabon sa katawan ay malinaw sa pang-amoy ko.

Nang umangat ang kanyang kamay upang haplusin ng marahan ang aking buhok ay doon na ako binalikan ng lakas upang dahan-dahang lumayo sa kanya. Buong tapang kong inangat ang aking nalilito't nagpapasalamat na titig sa kanyang mga mata ngunit bago pa ako makapagsalita ay nagsidatingan na ang mga pitbulls kaya imbes na makapag-pasalamat ay tuluyan na akong kumawala.

Bumalik ang takot na pilit niyang pinawi nang tuluyan akong malayo sa kanyang bisig. I felt like I was incomplete without his warmth. Na parang ang yakap niyang iyon ay pwedeng ihanay sa mga unang pangangailangan ko sa buhay sunod sa paghinga.

Umawang ang aking bibig, muling ibinalik sa kanya ang titig upang magpasalamat bago pa ang lahat but before I could even mutter the first word, Ramiel already left. Pinalitan ni Rigel ang pwesto nito at agad akong niyakap.

Wala sa sariling napasinghap ako pero ang kung anong naramdaman ko sa pagyakap sa akin ni Ramiel ay walang-wala sa payak na yakap na ito. This is just a plain hug... Nagmamadali kong pinunasan ang aking mga luha ng ilayo niya ako.

"Izzi, what happened? I'm sorry!"

Pinilit kong ngumiti.

"I-I'm okay... S-Si Ramiel, iniligtas niya ako..." nahinto ako't hinanap ang lalaki ngunit agad ring napaiwas ng tingin ng makita ang pagdapo ng malakas niyang suntok sa huling lalaking hindi nahabol kanina.

The guys who tried to do something bad at me was kneeling on the ground. Nasa likuran ng mga ito ang malalaking lalaking alagad ni Ramiel. Narinig ko ang pagmamakaawa nila but Ramiel didn't listen.

Kung hindi pa ako hinawakan ni Rigel at inilayo sa lugar ay baka habang buhay na akong naroon. I can't walk all by myself. Halo-halong emosyon ang naglalaro sa aking puso at utak habang nasa sasakyan na kami at pauwi sa bahay.

"I'm sorry, Izzi..." muling sambit ni Rigel na hindi ko na nabilang kung pang ilan.

He felt so guilty for leaving me but so am I. Ako ang may kasalanan dahil hindi ako nakinig sa kanya at sinunod lang ang sariling kagustuhang makalayo sa lalaking nagligtas sa akin. How ironic is that? Kung sino pa ang hindi dapat naro'n para iligtas ako ay siya pang gumawa.

Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon