CHAPTER 15

28.3K 970 108
                                    

Chapter Fifteen

Destiny


A month being glued beside him was the craziest month I've ever been.

Bukod sa hindi na ako nilubayan ng galit ni Clare at mga tsismis na pinagsasabay ko ang magkapatid ay pakiramdam ko'y sanay na sanay na akong si Ramiel ang kasama at dapat ay siya lang. Kaya ngayong si Rigel ang sumundo sa akin ay gusto kong manibago. Not that I don't want him to do it pero ewan ko ba, parang may kulang ngayong ito ang kasama ko. Hindi gaya kapag si Ramiel na nag-uumpisa palang ang klase at katatapos palang naming maghiwalay ay gusto ko nang idasal na sana matapos kaagad ang lahat para makasama ko siya ulit.

Kapag ito ay para akong kinikiliti sa tagiliran palagi. Para akong napipipi at wala nang ibang gustong gawin kung hindi ang namnamin ang bawat segundong nasa tabi ko siya. And yes, it's because it wasn't just a mild crush. Mabilis iyong na-develop at hindi ko na alam kung posible pang mawala. It's funny to think that I'm thinking about all these things when I should have catch up with Rigel. Na-guilty ako't napabuga ng hangin sa ere dahil sa mga naisip.

"You don't need to make me feel that Ramiel is your favorite driver now."

Awtomatikong nawala ang paningin ko sa labas ng sasakyan, lito akong napabaling sa kanya.

"W-What?"

Tumawa siya at umiling.

"Sobrang tahimik mo. Azalea, isang buwan palang kitang hindi naipapag-drive pero ang bilis mo namang magpalit ng favorite bodyguard." may tampong pagbibiro niya.

Napanguso ako at pabirong sinapak ang braso niya.

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"You're not usually that silent when I was your regular driver."

"Sorry. Siguro nasanay na akong tahimik sa biyahe. Hindi naman kasi kami nag-uusap ng kapatid mo."

"Sus. I'm hurt but I'm okay. Kaya ko 'to. Wala 'to, Izzi."

Muli kong sinapak ang braso niya. Nakangiti man ako pero hindi nawala sa utak ko ang ilang katanungan.

Tahimik nga ba ako dahil tahimik si Ramiel at nasanay na rito o nami-miss ko ito kaya wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya?

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko ng may maalala. Hindi naman ito ang unang beses naming pagkikita ni Rigel pagkatapos ng isang buwan pero ito ang unang kami lang ulit dalawa ang magkasama. Doon ko na-realized na sa lahat ng nangyari ay hindi rin ako lubos na nakapagpasalamat sa kanya noong huling malagay ulit ang buhay ko sa peligro.

"Rigel, you're still my favorite Del Rio, okay? Pero huwag mong sasabihin 'yon kay Ate Sky,"

Naiiling itong tumawa.

"Anyway, bukod sa gusto kong sabihing na-miss ko rin ang ganito, gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng mga nagawa mong pagtulong sa akin. I've never had a chance to talk to you since the incident happen. Parang ang daming nangyari at nakalimutan ko 'yon. I'm sorry."

"Don't think about it, Izzi. It's all my brother. Siya lang ang dapat mong pasalamatan. Iyong una ay kasalanan ko dahil ako ang nagdala sa'yo sa lugar na 'yon kaya ka napahawak."

Mabilis akong umiling upang putulin siya.

"I still want to thank you at mali kang si Ramiel lang ang lahat ng may gawa kung bakit maayos ako ngayon at nakakulong na ang mga lalaking nagtangka sa akin. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ibabalik ni Ramiel ang mga libro ko at kung hindi siya sumunod sa utos mo ay hindi niya ako maabutan sa gano'ng sitwasyon. Ikaw pa rin ang puno't-dulo ng lahat kaya maraming maraming salamat."

Sana Ngayon: Book 1 & 2 (A West Side Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon