Chapter 21: Hide Her True Identity

11.8K 342 2
                                    

*Kyrous POV*

Hi My Name is Kyrous.. Wala talaga akong Surname dahil guardian ako pero dahil gusto ni Christine na mag aral ako dito gumawa na lang ako nang Surname which is Luvert..

Nandito ako ngayon sa Clinic kasama si Christine na hanggang ngayon wala pa ring malay..

Nagulat ako nang biglang dumating si Goddess Yna..

"Hi Kyrous! " naka nginiting bati sakin ni Goddess Yna..

Yumuko naman ako at nag bigay galang..

"Ky i need to tell you something about Christine.. " naka nginiti ngunit halatang malungkot nyang sabi sakin..

"What is it Goddess Yna? " kinakabahang tanong ko..

Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang kaba sa sasabihin nya palang...

"Napag usapan namin na tanggalan muna sya nang alaala tungkol sa tunay na pag ka tao nya.. " malungkot na sabi nya..

"Pero hindi naman lahat nang alaala nya ang tatanggalin diba? Yung tungkol lang sa pagiging prinsesa nya ang tatanggalin hindi po ba? " magkasunod na tanong ko..

"Oo tama ka..  Yun lang ang tatanggalin namin at ang iba ay mananatiling alaala nya parin.. " naka ngiti nang sabi nya..

"Pero bakit naman po ata biglaan? " tanong ko..

"Para rin kay Christine toh.. Pag di namin ginawa ito mas mahihirapan syang mag adjust sa bago nyang mga ability.. " nakangiting sabi ni Goddess Yna..

Para naman akong babunutan nang tinik sa dibdib dahil sa narinig ko.. Akala ko may malaking problema kaya dapat tanggalin ang memory nya about sa sarili at parents nya..

"Okay po.. Pero kaylan po ba ninyo tatanggalin ang memory nya.? " tanong ko..

"Ngayon na.. " nakangiting sabi nya..

Ngumiti naman ako at tumango..

Nakita kong hinawakan ni Goddess Yna sa Ulo si Christine at biglang lumiwanag ang kamay nya nang kulay Gold..

Pumikit si Goddess Yna at may binulong pero di ko na narinig..

Makalipas ang ilang minuto dumilat na si Goddess Yna at ngumiti sakin..

"Okay na.. Pero tandaan mo hindi muna nya dapat malaman at lagi mo syang alagaan.. " nakangiting bilin nya sa akin..

Tumango ako at ngumiti sa kanya..

"Pero Goddess Yna kaylan po ba magigising si Christine? " Tanong ko sa kanya..

"Mayamaya ay gigising na sya.. " napangiti ako sa sinabi nya..

Nag paalam na si Goddess Yna at umalis na bigla namang pumasok isa isa ang mga Royalties..

"Ahmm excuse me ano nga ulit ang pangalan mo? " tanong sakin ni Aeria..

Siguro nag tataka kayo kung bakit wala nang Princess at Prince ang tawag ko sa kanila..

Mahigpit kase na bilin sakin ni Christine na wag akong maging pormal sa kanila kapag di ko ginawa yun tutustahin nya daw ako.. Kaya sa sobrang takot ko sa kanya ginawa ko yung utos nya sakin..

Tsk walang galang Haha..

"Kyrous is my Name but you can call me Ky.. " nakangiting pakilala ko sa kanila..

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon