Chapter 68

3.3K 141 12
                                    

*Heat POV*

Dala ang katawan ni Christine na nakahiga sa Prismatic Blossom ay agad kaming nag teleport papunta sa Cathedral na sinasabi ni Kyrous.

Nakita namin ang Priest na nasa harap ng altar at hawak ang isang magical core.

Ang magical core ay ginagamit namin upang makipag usap sa mga Diyos at Diyosa ng mundo namin, siguro ay sinusubukan niyang kontakin ang mga Diyos at Diyosa.

"Priest Galileo." Tawag ng Hari sa Priest na nakatalikod sa'min at walang alam na narito kami.

Gulat naman siyang napaharap at agad na yumuko sa harap ng hari.

"King Stanley! What are you doing here in Cathedral, My King?" Tanong niya.

"Raise your head." Utos ng hari na agad naman niyang ginawa.

Hindi niya pa nakikita ang dala namin dahil nasa likod namin ang katawan ni Christine.

"We need this Cathedral, dito namin kailangang i-burol ang katawan ng anak ko." Malungkot na sabi ng hari, nagulat naman ang Priest at agad na inikot ang mata upang hanapin ang katawan ni Christine. Gumilid kaming lahat at hinarap ang wala ng buhay na katawan ng mahal ko.

"Oh Gods and Goddessess, why did you let this happened?" Mahinang tanong niya pero dahil kulob ang Cathedral ay nag echo ito.

"Move. We need to put her body in front of the Altar." Utos ni Kyrous na kinunutan ko ng noo dahil sa walang galang niyang pag-utos sa Priest ng Cathedral.

Hindi na sumagot ang Priest at agad na pina-ayos at pinalinis ang pag p-pwestohan ng katawan ni Christine. Makalipas ang ilang minutong paglilinis, nai-ayos at na ilagay na namin ang hinihigaan at katawan ni Christine sa harap ng Cathedral.

Tahimik kaming nakaupo at pansin ko ang ilang Katulong ng Cathedral na sinisilip ang katawan ng kanilang Prinsesang namatay. Magsasalita na sana ako ng magsalita ang Inang Reyna ni Christine.

"Go on. You can look at her." Bigay pahintulot niya na agad namang ginawa ng mga katulong.

Ang ilang mga katulong ay tiningnan na din ang kanilang Prinsesa, habang busy sila sa burol ni Christine ay agad naman akong nag Teleport sa Academy kung saan naroon ang ibang Royalties.

Ang una kong nakita ay si Cold na nag w-walis ng mga batong nasira dulot ng pag wawala ng magkapatid na Lopez.

"Cold." Mahinang tawag ko sa kaniya, sapat na upang marinig niya.

Agad naman siyang tumingin sa'kin at sa likod ko.

"Nandyan ka na pala? Nasaan 'yung iba?" Tanong niya, hindi naman ako tumingin sa kaniya at inutusan na lang siya.

"Tell everyone to go to Ground. I need to tell something important. Go now." Malamig na utos ko sa kaniya, pilyong ngumiti naman siya at nagbiro.

"Woah dude. Engagement na ba 'to? Speed ah, ilang araw pa lang kayo." Biro niya sabay tawa.

"I said go." Malamig na sabi ko, taka siyang napatingin sa'kin.

"Okay?" Huling sabi niya sabay teleport kung saan.

Dumiretso ako sa Ground na tinutukoy ko ng marinig ko ang boses ni Cold sa Speaker ng Academy.

"Pinapasabi ng Prinsipe ng Fire Kingdom na lahat ng tao dito sa Academy ay dumiretso sa Ground." Sinabi niya at sabay patay ng Speaker.

Naghintay ako ng ilang minuto at napansin ko ang unti-unting pagdami ng Mage dito, halata ang pagtataka sa mata nila dahil sa biglaang pagtawag ko. Maging si HM ay nakatingin sa'kin at naghihintay ng sasabihin ko.

Cristal Academy; The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon