*Christine POV*
Papunta na kami ni Stacey sa school na pag aaralan daw namin at sinabi niya na din sakin na tinext niya na daw yung mag t tour samin sa buong Campus.
"May aksidente daw papunta dito kaya baka daw medyo ma late siya" sabi ni Stacey.
Tumango na lamang ako at pinagsawalang bahala yun.
Napatingin ako sa paligid ko at nagandahan ako sa pagkakagawa ng straktura ng paaralan na toh.
Simple ngunit makikita mong may class.
Sana ganun din mga nag aaral dito
Makalipas ang ilang sandali nakadating na si Marvin
"Sorry i'm late may aksidente dun sa kanto ng school eh" sabi niya na humihingal pa
Hindi na ako sumagot at hinayaan silang mag usap ni Stacey.
"So saan ang Principal Office dito?" Tanong ni Stacey sa kaniya.
"Samahan ko na kayo baka maligaw pa kayo eh" sabi niya tumango naman kaming dalawa ni Stacey.
Napatingin ako sa paligid ko at pansin ko ang pagtingin sa amin ng mga studyante dito.
"Kasama nila si Marvin? Ano yan bagong victim ng pang b-bully niya?"
"No tingnan niyo parang close silang tatlo eh"
"I don't think so? Mula pagkapasok ni Marvin hindi na siya sinasagot nung isang babae"
"Transferee?"
"Siguro? Ngayon ko lang din sila nakita eh"
"Baka isa dyan girlfriend niya?"
"Fuck kung sino man yun ang swerte niya"
Bulong ng mga tao sa paligid namin.
Tangina hanggang dito ba naman may bubuyog.
Malalipas ang ilang lakaran ay nakarating na kami sa Principal's office
Ako na ang kumatok nakakahiya naman kase.
Tok.. tok.. tok..
"Come in" sabi ng nasa loob.
Yung principal na siguro yun.
Naunang pumasok samin si Marvin.
"Oh Mr. Lefarde? Wala namang nag patawag sayo ah? Wag mong sabihin na may binully ka na naman?" Mausisang tanong ng Principal.
Bully pala tong isang toh.
"Ah sir hindi po may kasama po ako transferee po" sabi ni Marvin
Pumasok naman kami ni Stacey pagkasabi nun ni Marvin.
Napatingin naman siya sa amin at napatango.
"Okay then, here's your class and youre excuse today. Marvin i tour mo sila sa buong campus" utos nung Principal.
Tumango naman si Marvin at Stacey at ako naman ay nag lakad na agad palabas.
Napansin ko naman ang pagsunod nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Cristal Academy; The Long Lost Powerful Princess
FantasySa kaniyang pagsilang lumabas ang isang propesiyang maaaring makapagpabago ng takbo ng kanilang mundo. Mundo kung saan namumuhay ang mga taong gumagamit ng mahika. Ang unang iyak niya ang naging hudyat ng unang himagsikan ng mabuti at masama. Ang un...