*Christine POV*
Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Gulong gulo na ako. I badly need you right here, Heat.
Bumalik ako sa wisyo nang biglang sumigaw ang mag-ama ni Lunei.
"Lunei!"
"Hiro!"
Sabay na sigaw nilang dalawa. Parang nawalan naman ng lakas si Lunei at parang nawalan ng lakas nang sabay na tumakbo palapit sa kaniya si Takashi at Hiro at mahigpit siyang niyakap.
"Oh my god. T-thank you. T-thank you." Paulit ulit na sabi ni Lunei habang umiiyak at yakap ang pamilya niya.
Hinawi ni Hiro ang veil na kaunting tumatakip sa mukha ni Lunei at matamis siyang hinalikan sa labi.
Awkward.
But well marunong naman akong tumingin ng sitwasyon kaya iniwas ko na lang ang paningin ko at pinagmasdan na lang ang hawak kong espada.
Tiningnan ko ang bawat pagkakagawa at pagkakaukit nito, sobrang ganda nito at tila ba sumasabay sa liwanag nang buwan ang tattoo ko na naman ay hindi na lumiliwanag at ang sugat nito ay naghilom na, hindi ko alam kung anong dahilan or kung anong nangyari bakit naghilom kahit hindi naman ako gumamit ng spell para gumaling 'to.
"Who is she?" Rinig kong tanong ni Hiro, hindi naman ako malayo sa kanila kaya naman maririnig ko talaga.
Naalala naman ni Lunei na kasama niya ako at tiningnan ang pwesto ko.
"You're still here?" Tanong niya sa'kin.
Ay wow binigyan ko na sila ng oras mag loving loving tapos sinungitan na naman ako. Thank you ah?
Inirapan ko siya at tumingin kay Hiro at Takashi.
"My name is Christine Stacey Alveia Cristal. Heir of Cristal Kingdom." Pakilala ko sa kanila.
"Cristal-what?" Sabay na tanong nila.
"Cristal Kingdom. You don't know it because my kingdom is in other world so don't bother knowing where the hell is that." I coldly answer them. Nagulat at natahimik naman sila sa way nang pagsagot at pagsasalita ko.
"Stop being rude!" Singhal sa'kin ni Lunei.
"Shapbeyingrud" pang aasar ko sa kaniya. Wala lang naisipan ko lang maging isip bata kahit sa oras na 'to like wala kayong pake.
Inirapan naman ako ni Lunei at humarap asawa at anak niya.
"What happened? Both of you are alright, right? Let me see." Pag aalalang tanong ni Lunei kay Hiro at Takashi.
"Yeah don't worry hon, I'm alright. But that young lady is a little bit pale. Are you okay?" Tanong ni Hiro sa'kin. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko at wala naman akong maramdaman kaya naman tinanguan ko siya.
"Yeah, I'm alright and still breathing." Sabi ko sa kaniya.
Nginitian naman ako ni Hiro at binalik ang tingin niya kay Lunei.
Nag usap pa ang dalawa at mukhang nakalimutan na nila na may anak silang dalawa, napairap ako sa naisip ko at tiningnan si Takashi na nakatingin din pala sa'kin. Nang mapansin niyang naka-tingin ako sa kaniya ay agad siyang nagtago sa likod ng kaniyang ama.
Pati ba naman bata takot sa'kin. Sa ganda kong 'to natatakot kayo? Naknamputcha naman oh.
Lunei's kid look at me again kaya naman nakipag titigan ako sa kaniya, bilang competitive na tao katulad niya ay hindi rin ako kumurap like I had to win this bruh. Dapat lang manalo ako sa labang ako lang ang gumawa, wala lang nakaka bored kase manood ng lovelife ng iba. Mas lalo ko tuloy na miss si Heat.
"Hiro, who are they?" Mahinang tanong ni Takashi kay Hiro.
Napatingin si Lunei at Takashi sa anak at nagsimula na namang magluha ang mga mata ni Lunei.
"Come here, sunshine. Let me see your face." Umiiyak na sabi ni Lunei, sinilyapan ni Takashi si Hiro at tinanguan siya ni Hiro na parang nagbibigay permiso na lapitan niya si Lunei. Dahan dahan namang naglakad papalapit si Takashi kay Lunei at kahit mabagal ang pagkilos nung bata ay mahinahong hinintay ni Lunei ang anak hanggang sa makalapit ito.
Nang makalapit si Takashi ay agad na niyakap ng mahigpit ni Lunei ang anak habang humahagulgol sa pag-iyak.
Sana all hindi nauubusan ng luha.
Winaksi ko sa isip ko 'yung naisip ko, lakas makasira moment parang hindi nag grade 2.
"I-I'm sorry. I'm sorry. Mother is wrong, forgive your sinful mother. No, don't forgive me. Don't ever forgive me, this happened b-because of me. I'm foolish. Your mother is a big fool." Umiiyak at paulit ulit na sabi ni Lunei habang yakap ang anak.
Nakarinig ako nang pagsinghot at nakita ko si Hiro na mahinang umiiyak habang pinagmamasdan ang mag-ina niya.
Mahirap makita, naiintindihan ko 'yon. Nakita ko rin ang ganiyang mukha ni Mom Carmella noong mga bata pa kami. It's really hard to be a mother, being a parent is exhausting but it's also rewarding. Seeing this makes me remember my mom who always protects me.
Naramdaman ko ang isang mainit na pagdaloy sa pisnge ko, agad naman akong tumalikod at naglakad nang kaunti para lumayo sa kanila.
Damn, this is traumatic.
"Are you okay?" Narinig kong tanong ni Hiro, nilingon ko siya at doon ko napansin na nakatingin silang tatlo sa'kin.
Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at tumango.
"Yeah. I'm fine." Malamig na sabi ko sa kanila. Tiningnan ako ni Lunei at dahan-dahang lumapit at yumakap sa'kin.
"I don't know but It feels like you need someone to hug you right now." Bulong niya sa'kin.
Nabigla ako sa ginawa niya at parang may isang tambol ang humampas sa dibdib ko. Hindi ko namalayan na sunod sunod na luha na ang lumalabas sa mga mata ko.
Wala sa sariling napayakap ako kay Lunei at humagulgol nang iyak na tila isang batang nakayakap at nag hahanap ng lambing ng ina.
"Mom. Mom. I miss you mom." Mahina at paulit ulit kong sabi sa gitna nang mga iyak at hikbi ko.
Maybe this is the type of comfort I want to feel right now. I bottled my emotions because that's how I can control my power but maybe I pushed myself too much.
Hindi ko man aminin sa sarili ko at pilit ko mang sabihin na okay lang ako, pero siguro nga hindi ako okay at kailangan ko nang taong yayakap sa'kin at magpaparamdam na may sasalo sa'kin kapag babagsak na ako.
Kailangan ko lang siguro talaga ng isang mahigpit na galing sa ina.
Mom. I don't know if you can hear me right now but I don't think I can do it, I'm also afraid of what will happen. I'm lonely and I want your presence and voice right now. I'm exhausted, I also want to rest. Nahihirapan din ako, gusto ko nang gabay at yakap mo.
"I don't know what's wrong but I just want you to know that you're doing great." Mas lalo akong naiyak sa bulong ni Lunei.
I'm doing great. I'm not alone.
-TO BE CONTINUED-
✒️Author's note:
Haluu everyone mwehehehe late ulit si Author 'no? Sorry ah super busy lang kase talaga ako. Nag immersion kase kami tapos completion pa then sumabay ang Triple I namin kaya sobrang hectic ng sched ko. Kung grade 12 student kayo for sure ma g-gets niyo ang struggle ko jusme. Anyways thank you for waiting!
I LUV Y'ALL!
<3•••
✒️ Vote
💭 Comment
»Follow me here in Wattpad«
BINABASA MO ANG
Cristal Academy; The Long Lost Powerful Princess
FantasySa kaniyang pagsilang lumabas ang isang propesiyang maaaring makapagpabago ng takbo ng kanilang mundo. Mundo kung saan namumuhay ang mga taong gumagamit ng mahika. Ang unang iyak niya ang naging hudyat ng unang himagsikan ng mabuti at masama. Ang un...