*Christine POV*
Pagkatapos ng usapan namin habang nag t-training kami ay lumabas ako, ewan ko ba pero bored na bored ako.
Papasok na din ako sa susunod pagkatapos nito at after nun ay training ko ukit kasama yung mga gago. Wala naman talaga akong balak matulog, gawa gawa ko lang 'yun para makaiwas ako sa pag e-explain at hayaan na lang duon sila Stephanie, malaki na sila kaya na nila sarili nila.
Ilang oras pa ang tinagal ko sa paglalakad at pagtambay sa labas, duon ko lang naisipan na bumalik na.
Pagkabalik ko ay agad kong nakita yung mga gagong nagtatawanan na at parang walang nangyari sa paligid nila.
"Okay na kayo?" Malamig na tanong ko sa kanila.
Sabay sabay naman silang tumango at kumain ng cookies na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nila nakuha, naglakad ako at naupo sa tabi ni Jefferson, kinuha naman niya ako ng cookies at sinubo sa'kin, na kinain ko din naman, pansin ko ang pagtigil nila sa mga ginagawa nila kaya napatingin ako sa kanila.
"Anong problema niyo?" Kunot noong tanong ko sa kanila na agad naman nilang inilingan.
Napatingin ako kay Jefferson at napatawa ako ng mahina dahil may ilang Cookie bits na nasa gilid ng labi niya, parang bata amputa.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunas sa pisnge niya na hindi niya pinansin, mula pagkabata kase ganito na ang closeness naming dalawa, sabi nga ni Mom nung baby kaming dalawa, para daw tumahimik ang iyak ko pinupuntahan namin ni Mom sila Jefferson sa bahay nila at duon kami pinag sasama, ewan ko ba pero sobrang close talaga naming dalawa, magkadikit na ata ang bituka naming dalawa.
"Grabe ganiyan yung closeness niyo bago kayo magka hiwalay?" Nama-manghang tanong ni Harvie na tinanguan naming dalawa.
Tinulak ko ng mahina ang likod ni Jefferson at nilagyan ng unan ang hita niya at nahiga duon.
"Jeff pahiga ako ah?" Nakangiting sabi ko na tinawanan niya.
"Baliw ka talaga 'no? Bago ka mag paalam nakahiga ka na" natatawang sabi niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.
Tumagilid ako paharap sa damit niya at inamoy 'to. Tangina gamit pa rin niya yung pabangong binigay ko?
"Gamit mo pa din yung pabangong ni regalo ko sa'yo nung huling birthday mo?" Gulat na tanong ko na tinanguan niya.
"Gago ka ba? Binigyan mo ko ng 5 boxes nung birthday ko tapos ang laki laki pa nung box" sabi niya na nagpangiti sa'kin.
"Yieeee" sabi ng kung sinong asungot.
Napatingin ako sa mga kasama namin at nakita ko silang mga kinikilig na parang bulate.
"Tangina nakaka kilig kayo!"
"Ang cute niyo sa isa't isa."
Mga asar nila, nahiya naman ako at humarap ulit kay Jefferson at sinubsob ko ang mukha ko sa damit niya, pati siya natatawa sa ginagawa ko.
"I miss this." Biglang sabi ni Jefferson na nag patahimik sa mga gunggong kong kasama.
Tumingala ako at nginitian siya.
"I miss you." Sabi ko na nagpangiti sa kaniya at sinuklay muli ang buhok ko gamit ang kamay niya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, yung nararamdaman ko kay Heat ay nararamdaman ko na din sa kaniya, tangina ano 'to salawahan!?
Napatingin ako kay Stephanie na seryosong nakatingin sa'kin, mukhang nabasa niya yung isip ko tangina talaga, tangina!
"Ano ng gagawin mo kapag nahanap na tayo ng oh-so-called manliligaw mo na si Zyrel?" Seryosong sabi niya na nagpatigil sa'ming lahat maging sa mga Ulupong na kasama namin.
BINABASA MO ANG
Cristal Academy; The Long Lost Powerful Princess
FantasySa kaniyang pagsilang lumabas ang isang propesiyang maaaring makapagpabago ng takbo ng kanilang mundo. Mundo kung saan namumuhay ang mga taong gumagamit ng mahika. Ang unang iyak niya ang naging hudyat ng unang himagsikan ng mabuti at masama. Ang un...