*Christine POV*
"Call Yoha, as Yoha. Don't call her Christine or Stacey." Sabi ni Kyrous.
"Why?" Tanong ni Yuu, tiningnan sila ni Kyrous at ngumisi na ikinairap ko.
"You'll know it when you see it." Sabi niya at nagsimula nang maglakad pauna sa'min.
Nadaanan namin ang ground kung saan nag t-training ang mga students, ramdam ko ang pagkagulat ng mga kasama kong mortal dahil nakikita nila ang iba't ibang kulay na lumilipad sa hangin.
"See that?" Bulong ko sa kanila.
Napatigil ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng pamilyar na aura. Royalties.
"Kyrous." Tawag ni Gabriel sa lalaking ubod ng tarantado.
Napatingin naman siya sa'kin kaya sinenyasan ko siya na magsalita.
"Hey." Malamig na sagot niya, gulat man pero hindi ako nagsalita. Actually natatawa ako sa pagsagot niya, instead of being a cold person para siyang natatae pero pinipigilan lang. Laugh trip pota.
"Who are they?" Tanong ni Chloe at tiningnan kami isa-isa.
"Beastman."
"Ano namang ginagawa ng mga beastman dito?" Tanong ni Ken, hindi naman nakasagot si Kyrous kaya ako na ang sumagot para sa kaniya.
"Gusto naming makita ang pumanaw na Prinsesa." Sagot ko in polite way. Gusto kong matawa dahil sa sobrang polite ko. Isipin mo 'yung ginagago ko lang na kausap noon, ginagalang ko ngayon?
Tiningnan ko ang mga kasama ko at napansin ko na naguguluhan sila at doon ko na realize na nag tatagalog pala kami.
Ginamit ko ang skill ko na Multi Linguistic sa kanila para naman maintindihan nila.
"Sino ka?" Nagulat ako sa tanong na 'yun kaya naman napatingin ako sa nagsalita.
Si Heat.
Hindi ako nakasagot kaagad dahil sinisilip niya ang loob ng Cloak kung saan nakatakip mukha ko. Medyo natataranta na 'ko kaya nagulat ako ng hinawakan ako ni Yuu sa kanang kamay ko at si Kyrous naman sa kaliwang kamay ko.
"She's Yoha." Sabi ni Yuu sa kanila.
"Sorry, she's a little bit shy. By the way she's my girlfriend." Dagdag pa niya na nakapag panganga sa'kin pati na din kay Izinami at kay Yuki. Naks nang patuka naman, lakas maka da moves.
Hindi na sumagot si Heat at naglakad patalikod sa'min, nakahinga naman ako ng maayos at tinanggal ang pagkakahawak ng dalawang katabi ko.
Sumunod na ang ibang Royalties sa paglalakad ni Heat kaya naman inaya ko na sila.
"We should get going. Hindi tayo pwede magtagal dito." Sabi ko sa kanila in Japanese. Tinanggal ko na din ang Multi-Linguistic dahil mas maganda kung ganito kami mag usap para kung sakaling may susunod sa'min, hindi nila maiintindihan ang pinag uusapan namin.
Pinauna ko si Kyrous at dumiretso naman siya sa Cathedral kung nasaan ang katawan ko.
After entering the Cathedral, gumawa agad ako ng isang barrier na sound proof.
Nilapitan nila ang katawan ko at nakita ko ang gulat sa mga mukha nila nang makita nila ang patay na katawan ko.
"T-that's Christine."
"Oh shit."
"Is she really dead? What the fuck?"
Sunod sunod na pahayag nila, hindi ko nakayanan ang sarili ko at natawa na lang.
BINABASA MO ANG
Cristal Academy; The Long Lost Powerful Princess
FantasySa kaniyang pagsilang lumabas ang isang propesiyang maaaring makapagpabago ng takbo ng kanilang mundo. Mundo kung saan namumuhay ang mga taong gumagamit ng mahika. Ang unang iyak niya ang naging hudyat ng unang himagsikan ng mabuti at masama. Ang un...