*Christine POV*
Nag aayos ako ngayon ng buhok ko at talagang pinakapit ko ito sa anit ko, baka mamaya bakla pala mga kalaban namin tapos mainggit sa buhok ko at biglang hatakin mahirap na.
Nasa kwarto ako ngayon ng Hotel na pinagtirhan namin ni Stephanie ng biglang may tumawag mula sa labas ng kwarto ko.
"Hoy babae napaka bagal mo kumilos! Tangina ka mag s-start daw ang laban mamayang 8:00 pm sabi ni Marvin!" Sigaw ng isang talakerang si Stephanie.
Napatingin naman ako sa wrist watch ko at nakita ko ngang ma l late na kami.
Aligagang nag ayos ako at dinala ang dagger ko, shit baby magagamit na ulit kita!
Ang dagger ko na ito ay ako mismo ang gumawa nung bata pa lang ako, kasama ko noon si Jefferson nung ginawa ko toh at hangang hanga daw siya nung ginawa ko yun dahil ako lang daw ata ang batang babaeng nakita niyang gumagawa ng dagger.
Matapos ang lahat ng pag aasikaso ko sa katawan ko ay lumabas agad ako papunta sa sala ng Hotel Room namin, agad ko namang nakitang nakaupo sila Jefferson at sa kilos nila batid kong pare-pareho silang kinakabahan pwera lang kay Stephanie na nakatingin din sa kanila.
"Hoy mga gunggong, wag kayong mag panic diyan pusang gala wala pa tayo sa Underground pero kung manginig kayo sa takot parang nakasalalay na ang buhay niyo" malamig na sabi ko.
Patago akong nag cast ng spell hindi para palakasin sila kundi para buksan ang storage ko, nandito lang naman ang lahat ng mahahalagang bagay sa buong buhay ko. Kinuha ko ang Maskara ko na kulang purple na hinaluan ng itim at may design ito na paru-paro, isang Mariposa kumbaga. Ang maskara din na ito ay kalahati lamang tanging dalawang mata at kalahating mukha lamang ang natatakpan nito, kung di niyo maintindihan hindi ko na problema yun -_-
Napatingin ako kay Stephanie at batid kong alam niya ang ibig kong sabihin kaya nakita kong nilagay niya ang kamay niya sa likod niya at nilabas din ang maskara niya.
Isang maskarang kulang pula na may halong itim na meron namang nakaukit na isang dragon fly.
Nilabas ko ang maskara ko ganun din ang ginawa ni Stephanie at batid kong nagulat silang lahat sa nakita nila.
"T-teka! Ang mga m-maskara na iyan, natatandaan ko yan!" Gulat na sigaw ni Harvie, nautal pa si gago.
"N-nakita ko na din y-yan" rinig kong sabi naman ni Kairus.
"Syempre may memorya ka Harvie kaya mo natatandaan at ikaw naman Kairus may mata ka kaya mo nakita ang bagay na hawak ko, halata naman at nakikita ko din kase may mata ako" malamig na sabi ko sabay suot ng maskara ko. Hindi naman sila sumagot sa pangbabara ko at parang natulala na lang dahil nakikita nila ang mga maskara namin, big deal mga drei?
Inayos ko ang maskara sa mukha ko at kinabit ito. Ahhh nakaka miss naman tong maskara ko!
"T-that butterfly and d-dragon fly symbol" utal at gulat na sabi ni Jefferson.
Napatango naman kaming dalawa ni Stephanie.
"Yeah we're the one who sneak to the underground 2 years ago" malamig na sabi ko
Kung iniisip niyo kung gang kami ni Stephanie sasabihin ko na agad. HINDI.
Hindi kami gang or what ni Stephanie, tumakas lang kami nun at nanood ng battle sa Underground but it turns out na nahuli nila kami at pinag duel sa pinakamalakas daw.
BINABASA MO ANG
Cristal Academy; The Long Lost Powerful Princess
FantasySa kaniyang pagsilang lumabas ang isang propesiyang maaaring makapagpabago ng takbo ng kanilang mundo. Mundo kung saan namumuhay ang mga taong gumagamit ng mahika. Ang unang iyak niya ang naging hudyat ng unang himagsikan ng mabuti at masama. Ang un...