/Rob's POV/
Sobrang maganda ung status ng relationship namin ngayon ni Alexa. It's our 4th Anniversary. I'm planning to surprise her again, actually gawain ko na to everytime my special occasion kami. Lagi ko siyang sinu-surprise sanay na sanay na nga ata siya na ganito ako eh. But it's okay I'm happy to spoil her with these, she deserve all of this. Actually masama talaga pakiramdam ko ngayon but pinipilit ko talagang bumangon kase nga special day namin ni Alexa ngayon. It's our day on being 4 years together.
Palabas na ko ng pintuan para sunduin si Alexa nang bigla akong tawagin at lapitan ni Mommy.
"Nak, okay ka lang ba? Maputla ka ah, may sakit kaba?" sabi ni Mommy habang nilalapat ang palad niya sa noo ko.
"I'm okay, Mom. I need to go, you know today is our special day. 4th year anniversary namin ni Alexa. Susunduin ko siya." agad kong sagot.
"But Rob, you're not okay. Sobrang init mo, inaapoy ka ata ng lagnat. Magpahinga ka muna sasabihan ko nalang si Alexa. Madami pa naman kayong time para i-celebrate ito. You need to rest. Please go to your room now!" agad na sabi ni Mommy.
"Pero, mom. Okay lang talaga ako, promise! Wag na tska ayokong mag-alala si Alexa." pilit ko kay Mommy.
"No, you're not going. Please son, sobrang init mo for sure napaka-taas ng lagnat mo. You should stay here. Pano nalang kong mawalan ka ng malay tapos magkasama kayo ni Alexa edi mas mag-aalala siya sayo." natatarantang sabi ni Mommy.
Wala na kong nagawa, umakyat na ko sa room. Medyo nanghihina na din ako at sobrang sama ng pakiramdam ko. My head is aching so much. Mga ilang minuto ay pumasok si Mommy dala ang gamot ko. Sabi niya, she already told Alexa what happened kaya hindi kami matutuloy ngayon. Sinabi din ni Mommy na babawi nalang ako. Nagpumilit pa nga daw si Alexa na pumasok ng kwarto ko but my mom said, wag na dahil baka mahawakan ko siya ng sakit ko dahil sobrang taas talaga ng lagnat ko. Buti nalang masunurin ang girlfriend ko, hindi na siya nagpumilit kahit alalang-alala na siya sakin.
My mom do all things to make me feel better pero wala eh. Sobrang init at taas talaga ng lagnat ko. 1 week na kong nakahilata dito sa kwarto dahil sa sakit ko. For sure, nagalala na sakin ng sobra si Alexa even though my mom already told her that I'm sick. 1 week ko na siyang hindi nakikita, I missed her so much. 1 week na kong absent sa school but it doesn't bother me cause I have excuse letter naman that my mom gave to our professor. Miss na miss ko na si Alexa, ang boring pala dito sa kwarto ko. Araw araw akong nakahiga, tatayo lang ako if I need to pee and kapag pinapakain ako ni Mommy. Bukod kase sa masakit ung ulo ko, hindi rin ako makagalaw. So I'm lucky to have Mommy, she takes care of me to the point na hindi na siya nakakapasok sa work niya.
So today, mom decided to take me to the hospital para malaman namin kong ano ba talaga ang sakit ko. Sobrang nagtataka kase si Mommy kong bat bigla nalang akong nagkasakit, wala naman akong bisyo at all. I don't smoke and I don't even drink alcoholic beverages. Sobrang healthy nang lifestyle ko kaya nagtataka si Mommy kung bakit bigla nalang akong nagkasakit.
We're at the hospital. Sobrang dami nilang ginawang test. As in super sinuri nilang iyong katawan ko. After 5 hours dumating ung doctor.
"Mrs, Pendragon. I'm sorry to say this but you're son have an unidentified disease. We review all the results, walang specific na sakit ang tumutugma sa nangyayari sa anak niyo. Ang alam lang namin ay unti-unti nang pinapatay ng sakit sa katawan niya ang anak niyo. I'm very sorry but sobrang malala ang lagay ng anak niyo." sabi ng doctor kay Mommy.
| Gumuho ang mundo ko kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ng doctor tumatak lang sa isip ko ung sinabi ng doctor na 'onti-onti na kong pinapatay ng sakit ko'. |
YOU ARE READING
Twins Love
Teen FictionWhat will happen if a supposed identical twins fall in love with the same girl?