Untitled Part 20

2 0 0
                                    

/Rob's POV/

This is the day. Sinundo ko na si Alexa. Pagdating namin sa mall ay kumain kami after non ay nagpaalam akong magc-cr lang ako ngunit magkikita na kami ni Timothy kung saan parehas kami ng damit. Dahil gagawin na namin ang plano, siya ang magpropose kay Alexa at magpapanggap siyang ako. Nakita ko na ang kakambal ko sa men's CR.

"Sigurado ka ba dito, bruh?" paulit-ulit na tanong nito sakin.

"Oo nga basta ikaw na bahala. Sundin mo ang plano, magpanggap kang ako at magpropose kana sa kanya." seryoso kong sabi.

Una nang lumabas si Timothy sumunod ako ngunit nagpalit muna kong nang damit at nag-suot ng mask. Paglabas ko doon naghihintay si Timothy. 

"Pakasalan mo sya bro. Alam ko matagal mo na syang gusto" sabi ko. 

"Paano ka?" tanong nya.

"Alam naman nating lahat na buwan nalang ang itatagal ko dito ayokong iwan sya pero wala akong magawa." sabi ko sabay ngiti sakanya.

 [ Pero ang totoo hindi talaga buwan, baka nga mamaya mawala na ako. ]

"Hindi ko kaya." sabi nya.

"Kaya mo! Mahal mo din siya diba? Mahal na mahal mo din siya diba? binibigay ko na siya sayo. Pumunta kana sa kanya, nag-promise ako sa kanya na kapag naka-graduate kami papakasalan ko siya, naka-graduate na ko, ngayon pakasalan mo siya." seryosong sabi ko.

Tumalikod na ko at umalis sa harap ng kambal ko. 

[ Wala akong masabi bukod sa gago at tanga ko. Tama ba 'tong ginawa ko?Tama naman diba? Atleast natupad na yung pangarap namin dalawa kambal ko nga lang yung tumupad hindi ako dahil posibleng mawala na ko mamaya pero natupad ko ung pangako ko. Papakasalan ko siya pero ibang tao na ang tutupad hindi na ako kundi ang kakambal ko. ]

Sinundan ko si Timothy papunta kay Alexa na ngayon ay kumakain ng ice cream at naghihintay. Ito na ata ang huling araw na makikita ko siya, Hindi parin siya nagbabago. Siya parin ung batang babaeng nagustuhan ko noong 7 years old pa lang ako.  Nakita ko na sobrang saya ni Alexa ng nakita ang kambal ko na akala nya'y ako. Sinundan ko sila hanggang sa umistop sila sa may garden ng SM. Don na ang plano, doon silang tatayong dalawa. Luluhod si Timothy na dapat ako ang gagawa ilalabas ang singsing at sasabihin ang pinangako ko kay Alexa.

"Will you marry me, Alexa Luster?" Tanong nang kakambal ko na ako dapat ang nagsasabi.

"Oo naman, love. Tumayo kana nga nakakahiya. Pero thank you kase tinupad mo ung pangako mo." masayang sambit ng girlfriend ko sa kakambal ko na akala nya'y ako.

[ Oo, tinupad ko nga pero hindi talaga ako ung gumawa. Nakakapanghina lalo na makita yung babaeng mahal na mahal mo na kayakap ang kambal mo. Gusto ko man syang hilahin para agawin si Alexa, at bawiin ang plano Pero hindi pwede. Hanggang dito lang ako. ]

Naramdaman kong basa na ang pisngi ko habang pinapanood silang magkayakap. Ang sakit makita na ung babaeng Mahal ko simula nong bata ako ay masaya kasama ang kakambal ko na inaakala niyang ako.Tumalikod na ko at saka umalis. hindi ko kayang makita na yung gustong gusto kong gawin kay Alexa ay siya na ang gumawa.

"I love you, love." sambit ni Alexa. 

Kahit medyo malayo, narinig ko ang masakit na sinabi ng babaeng mahal na mahal ko sa kambal ko na dapat sakin talaga niya sinasabi.

[ Mahal na mahal din kita, Alexa. Sorry. ]




Twins LoveWhere stories live. Discover now