Untitled Part 21

2 0 0
                                    

/Rob's POV/

Nagkulong ako sa kwarto. Siguradong masaya ang kakambal ko ngayon kasama ang babaeng mahal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko pero sigurado akong maya maya lang ay mawawa na ako. Papikit na ako ng mata ko ng marinig ko ang boses ng babaeng mahal ko. Laking gulat ko ng makita ko siya kasama ang kakambal ko.

"Ang tagal ko nang di nakakapasok dito sa kwarto mo. Masyado ajong naging busy sa school kaya di na ko nakakadalaw pero ngayon graduate na tayo. " naririnig ko ang boses ni Alexa 

"Oo nga, wag kana pumasok magulo ang kwarto ko ngayon." sagot ni Timothy.

Nagulat ako nandito ngayon si Alexa kasama ang kapatid ko.

"Wait, love. Sino siya? Bat siya nandito sa kwarto mo?" nagtatakang tanong ni Alexa sa kapatid ko nang makita niya ko.

Hindi parin ako umiimik. Hinayaan kong magsalita si Timothy at ituloy ang pagpapanggap niya bilang ako.

"Well, actually he's my twin brother. Kaya nga di kita pinapasok kase nandito sya sa kwarto ko nagpapahinga pero makulit ka. He is Timothy Pendragon Reid. My brother." agad na pagpapakilala ni Timothy sakin bilang siya.

"Ganun ba. Sorry po. Pero, love okay lang ba siya mukhang maputla siya?" agad na sabi ni Alexa at tumingin sakin.

Hindi ako umiimik nakatingin lang ako sa kanilang dalawa nagulat ako ng lumapit sakin si Alexa. Hinawakan ang kamay ko, ngayon mas naramdaman ko na kinukuha na talaga ako. Unti unti nang nagsasara ang mata ko. Wala na kong nagawa nung lumapit si Alexa ay kinahawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.

"Sorry." ayun lang ang nasabi ko at nawalan na ko ng malay.

Pagdilat ko ng mga mata ko napunta ako sa kawalan. Puro liwanag ang nakikita ko, patay na nga ata ako. Wala na kong magagawa. Hindi na ko makakabalik pa at least bago ako malagutan ng hininga ay natupad ko ang pangako ko na magpropose at pakasalan siya ngunit ang kakambal ko na ang tumupad at gagawa.

Twins LoveWhere stories live. Discover now