Untitled Part 15

2 0 0
                                    

/Rob's POV/

Simula nong nalaman kong may taning na ang buhay ko at hindi ko alam kong kailan ako mawawala. Mas inenjoy ko lang ang buhay ko kasama ang pamilya ko pati na rin si Alexa. Nag-aral ako ng mabuti. Mas nag sipag ako at hindi ko pinahalata sa kanila na may sakit ako. Ang alam ni Mommy gumagaling na ko pero hindi may taning na ang buhay ko at hindi alam ng mga doctor kong hanggang kailan nalang ang itatagal ko.

Nasa bahay lang ako ngayon dahil nagpapahinga ako. Naging busy ako sa school ng mga nakaraang araw kaya ngayon napagpasyahan kong magpahinga muna. Nagmemeryenda ako sa bahay ng biglang sumulpot ang kapatid ko.

"Bro, do you know some girl around here in your village?" seryosong tanong nito.

"Why? What do you mean?" nagtatakang tanong ko.

"Actually I've been here in your village for almost 3 months. Kada lumalabas ako nakikita ko ung magandang babae na taga dito lang din ata sa village niyo. Baka lang kilala mo siya?" agad na sabi ni Timothy.

[ 3 months na nga dito sa bahay si Timothy. Dito na siya nakatira para makapagbonding sila ni Mommy pero lagi din siyang umaalis at minsan di siya dito natutulog. Lagi siyang nasa condo niya or sa office nila Daddy sa company. ]

"Pano ko makikilala wala ka namang pictures or what so ever? Kilala mo na ba kong sino? Ikaw ah, crush mo no." agad na sabi ko.

"Well yeah, I'm attracted with her. Crush ko na nga ata siya bro. Kaso I'm not the guy who easily approached a girl. Mukha lang akong mayabang o maangas dahil sa porma ko pero mahiyain ako." seryosong sagot nito.

"Ganun ba, bro. Diskartehan mo na. Malay mo kilala ko pala yan baka mailakad pa kita." masayang sabi ko.

Mukhang tinamaan ung kapatid ko sa mystery girl na taga dito sa village namin. Sino kaya iyon, for sure maganda din iyon katulad ni Alexa kase nagustuhan ng kapatid ko. 

Kinabukasan, kinausap na naman ako ng kapatid ko at nakita na naman daw niya ung crush niya at ngayon may picture daw kaso stolen. 

"Bro, may picture na ko nung girl. Sobrang ganda niya talaga. Kaso stolen lang to, so sana kilala mo din para maipakilala mo ko sa kanya." masayang sabi nito.

Agad na nilabas ni Timothy ang phone niyo unang nakita ko ang picture nang isang babae na nakasakay sa kotse at naka-uniform na katulad ng sa university ko. Nag titigan ko ang litrato dun ko napagtanto na ang babaeng gustong gusto nang kapatid ko at ang girlfriend ko ay iisa. Si Alexa ung nasa litrato, sigurado akong siya yun dahil magkakilala na kami kahit anong anggulo ay kabisado ko na dahil girlfriend ko siya. Napatulala lang ako.

"So ano bro, kilala mo ba?" agad nitong tanong sakin.

"Ay, hindi ko siya kilala eh, sorry. Pero maganda siya ah." agad kong tanggi kahit kilala ko kung sino ang babaeng nasa litrato.

[ Kilala ko siya sobrang ganda niya kase siya ung girlfriend ko. ]

"Ganun ba sayang pero same kayo ng uniform ah." agad nitong sabi.

"Ah, oo baka schoolmate ko siya." sagot ko naman.

[ Hindi ko lang siya schoolmate, girlfriend ko siya bro. ]

"Bro, baka naman pag nakita mo siya or what kausapin mo tapos pakilala mo ko. Please!"

[ Hindi kita pwedeng ipakilala kase girlfriend ko yan, bro. Mahal ko yan maganda siya sobra kaya nagustuhan pero hindi pwedeng ipakilala ko sayo kase girlfriend ko na yan sorry. ]

"Sige lang bruh. Ako bahala." agad kong sabi kahit naiinis ako dahil girlfriend ko ung babaeng crush niya.

Hanggang ngayon nag-aalala parin ako dahil ang kapatid ko ay may gusto sa girlfriend ko. Hindi ko naman masabi kay Timothy na girlfriend ko ung babaeng gusto niya dahil hindi din alam ni Alexa na may kambal ako. Magkakagulo lang lahat kapag nagkataon. Hindi ko naman masisisi ang kapatid ko kung nagustuhan niya ang girlfriend ko, maganda naman talaga si Alexa.


Twins LoveWhere stories live. Discover now