/Rob's POV/
5 buwan na simula ng bisitahin ako ng kakambal ko at simula ng dumating siya dito sa Pilipinas. Ganto katagal ung nilagi ko dito sa hospital pero sobrang sama parin talaga ng pakiramdam ko. Kung gano katagal ako namamalagi dito unti-unti akong nanghihina. Hanggang ngayon wala pa din medication sa unidentified disease ko pero iniinom ko parin ung gamot na nakakatulong para kahit papano lumakas ako.
Ngayon nagdecide ako na bumalik na ulit sa bahay dahil baka magduda na talaga si Alexa sa lagay ko. Nasa bahay na ulit ako pero hindi na ko masyadong pumapasok, nagpaalam na rin naman si Mommy sa school dahil na rin sa lagay ko. Pagbalik ko sa bahay bumalik na kami ulit sa dati ni Alexa. Lagi na ulit kaming magkasama. Nagpapahinga ako ngayon sa kwarto nang bigla akong puntahan ni Mommy sa kwarto.
"Anak, kailangan mo daw pumunta sa hospital bukas. Kailangan ka daw nilang i-check, tumawag sakin ung kaibigan ng Daddy mo na doctor."
Ayun ang sinabi sakin ni mama. Kaya kinabukasan nagtungo na agad ako sa hospital. Andami nilang ginawang examinations sa katawan ko, almost 1 hour akong naghintay dun dahil nirereview daw nila ang results.
"Mr. Pendragon, we're sorry to say this but according to the exams we do and according to the results of the test with made with your body. Nilalamon na talaga ng unidentified disease ang buong katawan mo. Hindi na nagfufunction ng maayos ang organs mo. Based on the test, hindi namin alam kong ilan buwan o araw nalang ang itatagal mo. I'm very sorry Mr. Pendragon."
Nanlumo ako sa narinig ko, mas lalong lumala daw ang sakit ko. Hindi nila alam kong kailan ako mawawala pero posibleng bigla nalang akong mawala. Baka bigla nalang bumigay ang katawan ko dahil sa unidentified disease na to. Pano na, anong gagawin ko.
"Mr. Pendragon?"
"Yeah, I get it. But please don't fucking say these to my parents. Please ipangako niyo sakin na tayong dalawa lang ang nakaka-alam sa lagay ko." seryosong sabi ko sa doctor.
"But Mr. Pendragon they need to know about your case." pigil sakin ng doctor.
"Please, no. Don't say alam kong friend niyo si Dad pero wag nyo nalang sabihin. Ayokong mag-alala at malungkot sila dahil sa sakit ko. Ako nalang ang bahala sa lahat." pakiusap kong sabi sa kanya.
"Okay, if you said. But we will still do our best. Basta kapag nakakaramdam ka ng kakaiba pumunta ka lang dito sa hospital and may once a week check up ka to monitor your case."
Agad akong tumango. Hindi ko maisip na konti nalang ang ilalagi ko dito sa mundo ni hindi ko nga sigurado kong kailan ako mawawala. Bakit kase ako pa? Pano ko matutupad ung promise ko kay Alexa. Magpapakasal pa kami pagka graduate namin.

YOU ARE READING
Twins Love
Teen FictionWhat will happen if a supposed identical twins fall in love with the same girl?