Untitled Part 10

2 0 0
                                    

/Rob's POV/

1 week kong nilaan ang mga araw ko para makasama ang kakambal ko pati na rin si Daddy. Alam ni Alexa ang about dito kaya hindi siya nagtataka kong bakit isang linggo na kaming hindi nagkikita. Alam niyang busy ako kasama si Daddy pero hindi ko sinabi sa kanyang may kakambal ako. Ayokong maguluhan siya, hindi ko na pinakilala ang kambal ko kase aalis din naman ito papuntang America so hindi magtatagpo ang mga landas nila. 

 I spend my time together with my brother and father. Andami kong nalaman about sa kanila. Ngayon hindi na ko naguguluhan pa. Nakasama ko si Timothy at talagang magkamukha-magkamukha nga kami. May difference naman kami sa ugali dahil siya laki kay Daddy habang ako kay Mommy. Magkaiba kami ng paraan ng pananamit, masyado siyang maporma siguro dahil anak-mayaman nasanay siya sa ganon dahil kay Daddy siya lumaki na isang CEO habang ako simple lang.

Ang dami kong nalaman about kay Daddy at sa naging pagsasama nila ni Mommy dati. CEO nga ng malaking company si Daddy. 

Sinabi sakin ni Daddy na hindi si Mommy ang first love niya pero nahulog ang loob niya dito dahil secretary niya ito. Nainlove sila sa isat isa at nagpakasal. Walang tutol sa pagmamahalan nila, naging masaya sila hanggang sa dumating kaming kambal. Akala nila mas magiging masaya sila pero hindi naging malabo ang pagsasama nila. Hindi alam ni Daddy ang dahilan, pero halos araw araw daw silang nag-aaway ni Mommy. So wala na silang nagawa, nagdecide nalang silang maghiwalay. Napagkasunduan nila na ako ay mapupunta kay Mommy at ang kapatid ko ay sa side ni Daddy mapupunta. Nagusap sila na ganon nalang ang sistema, naghiwalay sila ng maayos. Pero may pangako sila na dapat hindi na ulit magkita ang landas nila, hindi dapat magpakita sa kanila si Mommy. Pero hindi natiis ni Mommy, palihim siyang pumupunta sa school ng kakambal ko, sa school ni Timothy. Palihim niya itong binibisita. 

Hanggang sa ito na nga nalaman ni Daddy ang kondisyon ko dahil kaibigan niya ang doctor na tumitingin sakin. Nagtagpo ulit ang landas nila at napagkasunduan nilang baguhin ang sistemang ginawa nila dati. Kaya ngayon bumabawi si Daddy sa mga pagkukulang niya sakin ganon din si Mommy kay Timothy.

Naging maayos ang paguusap namin, naging mas malapit ako kay Daddy sa kanilang dalawa ng kapatid ko. 1 week kong nilaan ang oras ko para magkasama kaming pamilya. Masaya ako dahil sa wakas kilala at nakakasama ko na ang Daddy ko lalo na ang kakambal ko. Tulad ng sinabi ni Mommy binigay niya ang number ko kay Timothy. Nagulat ako dahil tumunog ang cellphone ko, mukhang text message ito galing kay Timothy.

"Bro, I'm sorry. It's Timothy pakisabi nalang kay Mommy na hindi na ko makakadaan diyan. Nasa airport ako ngayon, nay flight ako papuntang America 1 month akong dun magsta-stay. Sorry through text lang ako nagpaalam. I'm gonna miss you both." 

Papuntang America ang kakambal ko, siguro may business meeting na naman na inutos si Daddy sa kanya. Ganun ang naging buhay niya bukod sa pag-aaral tumutulong siya kay Daddy sa company nito.

Naging maayos ang pakikitungo ni Daddy samin habang nasa America si Timothy. Lagi rin namang dumadalaw dito sa bahay si Daddy para makasama ako. Happy ako na okay na ulit sila ng Mommy ko, they're in good terms na even though iniisip ko na baka wala na talaga hindi na sila magbabalikan dahil sobrang busy din si Daddy sa company. He have no time for his love life, to the point na after nila maghiwalay ni Mommy mas lalong nagfocus lang si Daddy sa career at sa company niya.


Twins LoveWhere stories live. Discover now