Untitled Part 17

2 0 0
                                    

/Rob's POV/

Nagawa ko lahat ng nasa list na sinulat ko. Listahan ito ng mga bagay na gagawin ko bago ako mamatay. Ngayon napagdesisyonan ko nang umamin sa kapatid ko. Aamin na ko kay Timothy. Tinawag ko siya at nagusap kami dito sa loob ng kwarto ko. 

"Bro, ano ba sasabihin mo? May problema kaba?" naga-alalang tanong nito.

"1 month nalang itatagal ko dito sa mundo may taning na ang buhay ko." seryoso kong sabi.

"What! Seryoso? Akala ko ba gumagaling kana. Nagbibiro ka lang diba. Anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong nito.

"Seryoso ako, 1 month nalang ang ilalagi ko dito sa mundo. Okay? Nagsinungaling ako sa inyong lahat. Palala na nang palala ang sakit ko, tinaningan na ko ng doctor." agad kong sabi.

"Pero bakit ngayon mo lang sinasabi? Bakit sakin? Bakit ka nagsinungaling?" 

"Kase may tiwala ako sayo. Nagsinungaling ako dahil ayokong magalala kayo, lalo na si Mommy. Hindi niya kakayanin kapag nalaman niyang mawawala na ako so I kept it a secret. Ikaw dahil alam kong maasahan kita at responsable ka. Higit sa lahat, mahal mo din ang babaeng mahal ko." seryosong sabi ko.

"What do you mean? Hindi kita maintindihan, bro?" nagtatakang tanong nito.

"Ang babaeng mahal mo ay ang girlfriend ko okay nagsinungaling ako kilala ko ung babaeng sinasabi mong crush mo. Kilalang kilala ko ung babaeng nagugustuhan mo dito sa village dahil girlfriend ko yun, si Alexa iyon. Same uniform and university kami dahil she's a college student with a course of education while I'm on engineering."

"Okay, so bakit mo sinasabi mo sakin to, bro? Oo gusto ko siya pero okay lang naman sakin kung kayo. Hindi ko siya aagawin sayo."

"Hindi bro, gusto kong ihabilin sayo ung babaeng mahal ko. Tulad ng sinabi ko 1 buwan nalang ang itatagal ko dito sa mundo. Hindi ko alam kong kailan ako mawawala, pero pinangako ko sa kanya na pag graduate namin papakasalan ko siya kaya kung hindi ko man matupad iyon sana ikaw nalang gumawa parin sakin tutal nakikita ko naman na mahal na mahal mo din siya."

"Oo aaminin ko gusto ko siya baka nga mahal ko na siya pero hindi pwedeng ganon. Mahal ko siya pero mas mahal mo siya at kayo ang bagay na dalawa."

"Shit, bro. Kahit bagay kami o kahit girlfriend ko siya o kahit kami talaga para sa isa't isa hindi kami ang magkakatuluyan dahil mawawala na ko, bro. Kaya nga pinapaubaya ko na nga siya sayo eh. Masakit sakin pero gusto kong maging masaya siya kahit wala na ako."

"So, anong balak mo? Habang buhay kang magsisinungaling, habang buhay mong ililihim kila mommy itong lagay mo."

"Oo, kahit alam kong masama pero wala na kong magagawa mahal na mahal ko sila Mommy. Ayokong mag-alala at malungkot sila dahil sa lagay ko."

Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Timothy dahil bigla nalang akong nakatulog baka dahil na naman to sa sakit ko.


Kinabukasan nagusap ulit kami ni Timothy ukol sa plano ko sinabi niya rin sakin na kinausap niya ang doctor ko. Mas mabuti daw na magistay nalang ako dito sa bahay dahil bigla bigla nalang akong nawawalan ng malay dahil sa sakit ko. Kung mawalan man daw ako ng malay, pasalamat nalang ako na magising ako kinabukasan.

"Bro, ito ang plano ko. If ever hindi ko abutan ang graduation o di kaya'y mawala na ako after graduation ikaw ang magpropose kay Alexa. Ikaw ang tutupad sa pangako ko, magpapanggap ka na ako. Magpapanggap ka na si Robert Pendragon at magpropose ka sa kanya."

"Pero bakit ako magpapanggap? Niloloko ko siya non, niloloko mo lang ang sarili mo sa plano mong yan. Niloloko lang natin siya, bro pag ganon ang gusto mo."

"Mas mabuti nang ganon, hindi niya alam na kapatid kita. Hindi niya alam na may kakambal ako. Gusto ko lang matupad ko ung pangako ko, gusto ko maging masaya siya."


"Magiging masaya siya pero niloloko natin siya. Peke iyon kapag nagkataon. Hindi lang si Alexa ang niloloko natin kundi ang mga sarili natin."

"Pero wala na kong maisip na ibang paraan. Gawin mo nalang iyon para sakin. Please bro, kahit ito lang bago ako mawala." pagmamakaawa ko sa kakambal ko.

"Okay, pumapayag na ko." 

Natapos ang gabi na iyon na nagkasundo kami ni Timothy sa plano bago ako mawala.



Twins LoveWhere stories live. Discover now