/Rob's POV/
1 month after ng 5th Anniversary namin ni Alexa. Don ko narealize na may sakit nga pala ako, ngayon nagpaparamdam na sila unti-unti nang nanghihina ang katawan ko. So, my parents decided na i-admit at ibalik ako sa hospital. Kinabukasan after ng anniversary namin ni Alexa don ako inatake ulit ng unidentified disease ko kaya sinugod agad ako ni Mommy papuntang hospital. 1 month na kaming hindi na naman ulit nagkikita ni Alexa pero nagkakapagusap naman kami through my phone, its either through call or text. Alam nang girlfriend ko na busy ako sa company ng Daddy ko kahit na ang totoo ay nasa ospital ako at nagpapagamot. Ayoko talagang mag-alala siya sakin. Kinausap ko na din si Mommy at Daddy about don, tumanggi sila sa pakiusap ko dahil kailangan na talagang malaman ni Alexa pero pinilit ko silang wag na at ako nalang ang bahala sa lahat. Wag nalang silang magsabi ng kahit ano kay Alexa. Iniisip ni Alexa na okay ako ngayon pero busy lang ako sa company ni Daddy. Thankful ako kase hindi naghihinala si Alexa tuwing tatawag siya.
1 month na kaming ganito, through text and call lang naguusap. Ang alam ni Alexa busy ako sa company ni Daddy pero hindi niya alam na nasa hospital ako at palala na nang palala itong unidentified disease na meron ako. Miss na miss ko na siya, minsan dinadalaw ako ni Mommy at Daddy.
Nagising ako sa tawag ni Alexa.
"Love, kamusta? Busy ka parin ba. Kailan ba balik mo? Miss na miss na kita."
"Okay lang ako, I'm sorry hindi ko sure love. Andami kaseng gawa at pinapa-asikaso sakin dito sa company ni Daddy. Sorry talaga, miss na miss na din kita."
[ Hindi ko alam kong kailan ako babalik kase hindi ko alam kong gagaling pa ko. ]
"Ganun ba, okay. Kumain ka ng maayos ah, alagaan mo sarili mo. Wag kang masyadong magpagod at magpakabusy diyan sa company baka magkasakit ka."
[ Oo love, ginagawa ko yan para gumaling na ko dahil totoong maysakit ako. ]
"Yes, love. Oo naman siyempre. Susundin ko yan para sayo, ikaw pa ba. I love you, miss na talaga kita."
"Good yan. I love you too, I miss you too so much."
Naluluha na ko dahil miss na miss ko na si Alexa. Pero umurong ang luha ko ng may tinanong siya.
"Love, di ba nasa company ka ng daddy mo. Tapos out of town yan?"
"Oo love, bakit?"
Ah, wala akala ko kase ikaw ung nakita ko. Baka kamukha mo lang or kahawig."
"Ah ganun ba. Baka nga. Wag mo nalang intindihin kong sino sino nakikita mo sa sobrang pagkamiss mo sakin."
"Oo na, love. Okay but I miss you so much talaga. Ibaba ko na to baka may gagawin ka pa remember busy ka sa company ng daddy mo."
Pagkababa ko ng tawag ni Alexa. Naisip ko na baka kakambal ko ang nakita niya, nasa Pilipinas na si Timothy. Hindi naman maaring ayoko yun dahil magdamag lang akong nandito nakahilata sa hospital bed na to. Baka nga ang kakambal ko ang nakita niya. Paano na, pano na kong magtagpo ulit ang landas nila di ko alam kong pano ko sasabihin kay Alexa ang tungkol sa kakambal ko ngayong may malala akong sakit. Natigil ang pagiisip ko ng makatanggap ako ng text galing kay Daddy.
"Rob, ang kapatid mo nakauwi na siya. Timothy is already here in the Philippines baka maya maya lang ay bisitahin ka niya diyan sa hospital.
YOU ARE READING
Twins Love
Fiksi RemajaWhat will happen if a supposed identical twins fall in love with the same girl?