Untitled Part 9

2 0 0
                                    

/Rob's POV/

This day, uuwi na ko sa bahay. Finally! Sinundo ako ni Mama sa hospital. Papasok na ko nang bahay namin. Nang bigla kong marinig ang boses ni Alexa.

"Welcome home, love!"

 Sa taranta ko agad ko siyang niyakap. Naiiyak na ko pero pinipigilan ko lang. 

"Sorry love, di kita nasundo sa airport. Busy din ako sa school eh."

[ Buti nalang, hindi naman talaga ako galing airport. Props lang ung maleta, galing talaga ako sa hospital. ]

"It's okay, love. Naintindihan ko naman. Miss na miss na kita. I miss you so much."

"I miss you too. Ang daya mo nagkasakit ka ng fourth anniversary natin tapos malalaman ko nalang kay Tita nasa America ka na pala kase kinuha ka ng Tito mo. Ang daya mo, hindi mo man lang ako sinabihan. Hindi mo man lang ako tinawagan, chat video call or ano man. Nagtatampo talaga ako."

[ Sorry, love. Andami ko nang kasinungalingan. Nasa hospital talaga ako, hindi ako nag vacation sa America.]

"Sorry na love, sisishin mo si tito bigla nalang akong kinuha. Strict kase don, no cellphones allowed don sa bahay ng tito ko. Ang boring sobra as in, tska mahal din overseas calls. Andami mong hinanakit love ah, pero miss na miss mo lang talaga ako."

[ Hindi naman strict ginawa ko lang iyon para hindi mo malaman na nanghihina ako at ginagamot ako ng mga time na yun kase ayokong magalala ka.]

"Syempre naman, love. I miss you so much. Sobra sobra!"

Hindi na ko nagsalita niyakap ko nalang ulit ng mahigpit si Alexa.

5 months na simula ng nag-stay ako sa bahay namin at don nalang nagagamot. Nakatulong ung gamot na binigay ng doctor, lagi ko nang nakakasama si Alexa. Bumalik kami sa dati, the usual dates. Laging magkasama, nakakapasok na rin ako sa school. 


Saturday ngayon, wala kaming pasok. Nagulat ako kase umagang umaga sinabihan ako ni Mommy na wag daw akong umalis sa bahay. May bisita daw na dadating at may sasabihin siya sakin. Wala rin naman akong gagawin so I stayed on our house, hinihintay ko lang siyang dumating. Nagulat ako kase pagpasok niya may kasama siyang matandang lalaki na kasing edad niya din. Tinawag ako ni Mommy sinabihan ako na magbihis dahil may paguusapan daw kami. Sumunod ako, pagkababa ko nakita ko sila na seryosong naguusap. 

 "Mommy, sino siya?"

"I'm sorry anak. Kung ngayon ko lang nasabi at ngayon ko lang siya maipapakilala sayo. Anak, siya ang tatay mo." naluluhang sabi ni Mommy.

"I'm happy to finally see and meet you, son." agad na sabi nong lalaking ka-edad lang ni Mommy. 

"He's my daddy?" gulat kong tanong.

"Yes, I am your daddy. I'm Peterson Reid, your mom is my ex-wife. I'm happy to finally meet you my son. Magkamukhang magkamukha nga talaga kayo ng kapatid mo." agad na sagot nung lalaking sabi ni Mommy ay tatay ko raw.

He looks like a CEO of a company. Sobrang linis at malakas ang dating. Mukhang mayaman, parang may-ari ng kompanya. Hindi ako makapaniwala na tatay ko siya.

"Ho? Kapatid po? Tatay ko po ba talaga kayo?" nagtataka kong tanong.

"Yes, I'm your father. Naghiwalay kami ng mommy for some reasons, na napagusapan na namin dati pa, we're good naman na. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng chance na makilala because I'm so busy with our company. Yes, may kapatid ka. Your twins, wag kang mag-alala maya maya parating na siya. Makikilala mo rin siya." agad nitong sabi.

Twins LoveWhere stories live. Discover now