< Lorene's Point of View >
Pagkatapos nitong One Day performance ko ay sumabog na ang fireworks at confetti ng stage na ito kasabay ng malakas na hiyawan at palakpakan ng audience.
Oh, yeah. This is it! Feel na feel ko na ang pagiging sikat ko. I'm so famous and popular na talaga. And yes! Worth it na worth it din ang matagal na paghihintay at pagti-tiyaga ko sa impaktang Sunshine na iyon. At ngayon ay napagtanto ko na kung bakit may basura sa mundo, dahil pwede pang i-recycle at pakinabangan kahit patapon na ang mga ito.
"Thank you and I love you all! Mwaaa!" sabi ko sa audience slash fans ko sako ko sila binigyan ng flying kiss at mala-beauty queen na kaway.
Nang matapos iyon ay bumaba na ako ng stage at saka ako pumunta sa dressing room para makapagpahinga sandali dahil may fan signing event pa akong dapat puntahan mamaya.
Para sa inyong kaalaman, I have my PAs, my personal alipins and their names are Donna, Chiara and Gracie. Bakit sila? Wala lang. Trip ko lang silang alipustahin kasi ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay iyong tinatalbugan ako kahit hindi naman nila kaya. Feeling nila kasing ganda ko sila. Mga feelingera talaga. At saka sila rin naman itong dikit nang dikit at lapit nang lapit sa akin kaya naman ginawa ko na lang silang mga alipin, back-up singers, taga-buhat ng gamit ko, at lahat ng anumang uri ng pang-aalispusta.
Speaking of devils, here they are. Mga palapit na sa akin.
"Girl, ang galing-galing mo talaga!" joyful na sabi sa akin Gracie paglapit nila.
"Yeah! I know that since birth kaya huwag mo nang ulit-ulitin sa akin 'yon, okay?" pagtataray ko.
"Ang lakas ng palakpakan ng lahat kanina, 'no?" masayang sabi naman ni Chiara.
"Ano bang tingin niyo sa akin? Tanga?! Disable?! Narinig at nakita ko ang palakpakan ng lahat kanina kaya huwag ninyo nang ulitin sa 'kin ang mga 'yon. Huwag kayong tanga, okay?" pagsusungit ko sa kanila.
"Ang tatanga niyo kasi," pagsita ni Donna doon sa dalawa.
Akala ko naman ay magiging okay na ang lahat nang pagmalditahan ko sila ngunit muling nagsalita ang isa sa kanya pagkaraan ng ilang minuto.
"Ahmn, pagpasensiyahan mo na 'yang dalawa Lorene, ha?" pa-sweet na sabi naman sa akin ni Donna.
Dinedma ko na lang sila at nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa salamin para i-check ang face ko. Gusto ko kasi na maayos na maayos ako mamaya kapag hinarap ko na ang fans ko. Ayaw kong may mali silang makita kahit alam kong perfect na itong mukha ko.
"Girl, ano ba 'yan? Stop looking na nga to that mirror. You don't have to worry because you are beautiful. We are all beautiful, right?" sabi ni Donna kaya sa puntong iyon ay napatigil ako sa pagsasalamin.
Letche naman itong bruha na ito. Paepal masyado kahit dinedma ko na. Masampolan nga itong mga feelingerang ito.
"Excuse me? What did you say? We?! We are beautiful?! Hindi ka ba kinikilabutan sa sinabi mo? Eh sa pagkakaalam ko, pagdating sa kagandahan ay inosente kayong tatlo. Kaya paki-bawasan naman 'yong pagka-feelingera ninyo. Get it?!" pang-aasar ko. "And favor lang. Pwede bang lumayo-layo muna kayo sa akin kasi nagpunta ako dito para makapagpahinga at hindi para ma-stress sa inyo. So, please leave me here alone, okay?"
Nang sabihin ko iyon ay umalis na iyong tatlong feelingera kaya naman tumahimik nang muli ang mundo ko. Siguro naman ay alam na nilang hindi kami magkakalevel? Dapat itanim nila sa kokote nila na mas angat ako nang higit kaysa kanila. Psh!
Lumipas pa ang maraming oras at nagsimula na ang fan signing ko. Grabe lang! Sobrang lakas ng sigawan paglabas ko. Sikat na sikat na talaga ako. Ang ganda-ganda ko kasi. Magaling pa akong kumanta at ang sexy ko pa. At hindi lang iyon, sobrang bait ko pa. Grabe! Ako na. Ako na ang sumalo ng lahat ng magagandang katangian noong pinaulan ito ng Panginoon. Hahaha!
< Sunshine's Point of View >
Pagkatapos ng performance ko, ay este ni Lorene ay naupo ako sa isang room dito sa backstage. Sa totoo lang ay nalulungkot ako na ewan. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong malungkot dahil hindi natupad ang pangarap kong maging isang sikat na singer, o dapat ba akong matuwa dahil marami akong natutulungang tao kahit na hindi ko naman gusto itong ginagawa ko. Waaah! Naguguluhan na talaga ako.
"Okay ka lang?" biglang tanong ng isang pamilyar na boses sa bandang likod ko.
Paglingon ko ay nakita ko si Princess kasama si Camille. Tapos ay tumango ako bilang sagot sa tanong ni Princess. At walang ano-ano ay bigla kong naramdaman ang malakas na pagkonyat ni Princess sa ulo ko.
"Aray! Bakit mo naman ako pinektusan?" medyo naiinis na tanong ko sa kanya.
"Hoy, Beks! Baka nakakalimutan mo? Best friend mo ako sa istoryang ito kaya hinding-hindi mo ako maloloko. Alam ko kung okay ka lang ba talaga o hindi," sermon ni Princess sa akin.
"Oh! Alam mo naman palang hindi ako okay tapos tinatanong mo pa?" sabi ko.
"Ang gusto ko lang namang iparating sa 'yo ay huwag kang magtanga-tangahan, Beks! Mag-quit ka na dito sa trabaho mo kung gusto mo pang mabuhay," sagot ni Princess.
"Bakit may papatay ba sa akin dito?"
"Oo, mayro'n. At alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko," sagot niya.
"Hello?! Emergency hotline! Tulong! Tulong! May papatay po...," biglang inagaw ni Princess ang cellphone ni Camille.
"Hoy! Ano 'to? Ano 'tong ginagawa mo?!" tanong pa ni Princess kay Camille habang ini-end iyong call.
"Ano ka ba? Edi tumatawag ako ng tulong para walang mamatay. Akin na nga 'yan! Ibalik mo sa akin 'yan!" pagpupumilit ni Camille.
"Tanga ka talaga, eh 'no?" sabi ni Princess sabay facepalm.
"Ikaw ang tanga! Alam mo na ngang may papatay sa kaibigan natin pero wala ka pa ring ginagawa!" sagot ni Camille.
"Please lang, Camille. Huwag ka munang umentrada. Wala kang kwenta," naiinis na sinabi ni Princess kaya naman yumuko at tumahimik na lang si Camille.
Matapos ang eksenang iyon ay muli akong kinausap ni Princess.
"Basta ito lang ang mapapayo ko sa 'yo, Beks. Mag-isip-isip ka. Pag-isipan mong maigi kung itutuloy mo pa ba itong katangahan mo o ihihinto mo na. Pero sana ihinto mo na kasi ang sakit lang isipin na ang dalawang best friend ko, parehas tanga!" sincere na sinabi sa akin ni Princess tapos ay hinatak na niya Camille at saka sila lumabas sa room na ito.
Ilang minuto pa lang ang lumipas ay may pumasok na naman dito sa room kung nasaan ako. Lumapit siya sa akin at paglapit niya ay bigla niya kong hinila patayo at saka niya ako kinausap.
"Good job, Shine! Good job," nakangiting sabi ni Tyrone habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.
Ngumiti rin ako pero pilit kaya nagsalita siyang muli.
"Alam ko, nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon. Pero sana huwag kang mag-give up kasi maraming nangangailangan sa 'yo, marami kang taong napapasaya at natutulungan, at hindi ko ikakailang isa ako sa mga taong iyon. Kaya please Shine...," huminto sa pagsasalita si Tyrone saka niya ako niyakap tapos ay nagpatuloy na siyang magsalita, "...don't give up! Please don't give up, Shine!"
ADVENTURE'S ADDENDUM:
Demonay talagang buhay ito. Confused na nga ako tapos ay lalo pang ginugulo ng mga tao ang isipan ko. Jusmiyo! Ano na ba ang dapat kong gawin?
Gayunpaman ay hindi ko dapat palagpasin ang kalandian ko. Tyrone hugged me. Emegesh! I love it, I love him. Hahaha! At nakuha ko pa talagang lumandi sa ganitong sitwasyon, eh 'no? Hahaha!
///////////////////////////////
BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine
Owned and written by EsonVitug
Season 3 ⓒ 2015 All Rights Reserved.
http://www.facebook.com/EsonVitug
BINABASA MO ANG
BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine
HumorTeka, babae ka ba talaga? 2013-2019 © EsonVitug Duration: 10/29/13 - 12/24/19 Do not judge this book by its title. Every book deserves to be read before being judged. http://www.facebook.com/EsonVitug http://www.youtube.com/EsonVitug http://www.twit...