Adventure #56

26 6 0
                                    

< Eight's Point of View >

Hindi madali ang maging Psychiatrist. Mahirap at talaga namang nakakabaliw ang mundong ginagalawan ko. Pero nagpapasalamat ako dahil dumating ang isang taong nagbibigay ng kapayapaan sa mundo ko. Korni mang sabihin pero totoo na sa tuwing iisipin ko siya ay parang nare-recharge ako. Kahit palaging kulang ang oras ng pagtulog ko ay sumasaya naman ako at nabubuhayan sa tuwing magkasama kami ng girlfriend kong mukhang alien.

Pababa sana ako sa lobby ngayon ngunit nakasalubong ko dito sa hallway ang isang pamilyar na babae.

"Anong ginagawa mo dito?" madiin kong tanong kay Jonnie.

"Minsan, naiisip ko na gusto ko na lang maging isa sa mga baliw mong pasyente para madalas kitang makasama. Pwede mo ba akong alagaan na lang tutal baliw na baliw naman ako sa 'yo?" sagot niya.

"Pwede ba, umalis ka na. Wala akong panahon para sa 'yo!" bulyaw ko sa kanya.

Aalis na sana ako sa puntong iyon ngunit hinila niya ako matapos niya akong hawakan sa braso ko.

"Eight, mag-usap naman tayo. Balikan mo na 'ko. Ayusin na natin 'to," sabi niya pagharap ko sa kanya.

"Sige, mag-usap tayo. Pero may isang bagay akong gustong linawin sa 'yo. Kaya lang ako humarap sa 'yo ngayon ay para tapusin ang gulong ito," tugon ko.

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko namalayang ang paghawak niya sa magkabilang pisngi ko at ang mabilisang padapo ng labi niya sa labi ko.

Mabuti na lang at natauhan ako agad-agad kaya mabilis ko siyang naitulak.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ba 'to ginagawa?" singhal ko sa kanya.

"Eight, mahal na mahal kita!"

"Jonnie, kalimutan mo na 'yan. Hindi ako ang tamang laruan para sa 'yo," sagot ko.

Hinawakan niyang muli ang magkabila kong pisngi at akma niya akong hahalikang muli. Mabuti na lamang at naging alerto na ako sa puntong iyon kaya hindi natuloy ang balak niya.

"Jonnie, pwede bang itigil mo na 'to!" sigaw ko sa kanya habang inilalayo siya sa katawan ko. "Huwag mong isipin na kaya mo 'kong akitin at manipulahin sa mga ginagawa mo. Tandaan mo, hindi na 'ko papayag na paglaruan mo ulit ako."

Matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong maglakad. Hindi pa man ako nakakalayo nang bigla akong matigilan sa paglalakad. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko si Sunshine. Nabitawan niya ang hawak niyang paper bag bago ito tumakbo palayo. Agad ko naman siyang sinundan sa puntong iyon.

Haaay! Nakakaasar! Bakit ba nangyayari sa akin ang mga bagay na ito ngayon? Mababaliw na yata ako. Amp!

< Sunshine's Point of View >

"Sige, magpaliwanag ka!" naiinis kong sinabi kay Eight.

Nandito kami ngayon sa garden ng mental hospital. Dito niya ako naabutan at dito niya rin ako kinausap.

"Maniwala ka! Wala kaming relasyon ni Jonnie!" giit ni Eight.

"Anong wala? Eh kitang-kita ng dalawa kong mata na naghalikan kayo?" bulyaw ko.

"Hindi 'yon gano'n! Mali 'yong nakita mo!" malakas na sinabi ni Eight.

"So, ako pa ngayon ang nagsisinungaling?" alma ko.

"Hindi nga gano'n 'yon! Bakit ba ang kulit mo?!" sigaw niya.

"Bakit mo 'ko sinisigawan? Ikaw nga 'tong mali ah," singhal ko sa kanya.

Sa puntong iyon ay natigilan siya. Bakas sa mukha niya na nagulat din siya sa ginawa niya at halata din na sinubukan niyang ikalma ang sarili niya. At nang sandali ding iyon ay hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko.

Ilang minuto lang ang nagdaan nang muling magsalita si Eight.

"Gano'n na ba talaga akong tao sa 'yo? 'Yong kahit na tayong dalawa ay papatol sa iba? Gano'n ba ang tingin mo sa 'kin?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ewan. Hindi ko alam," sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Shine, pagtiwalaan mo 'ko. Huwag kang maniwala kung hindi mismo lumabas sa bibig ko. Magtiwala ka sa 'kin," paliwanag niya.

"Sige, bigyan mo 'ko ng dahilan para magtiwala sa 'yo kahit na kakapangako mo lang sa 'kin noong nakaraan na hindi ka na makikipagkita sa kanya," pasaring ko sa kanya.

"Maniwala ka. Hindi ako ang nakipagkita sa kanya," sagot niya.

"Bahala ka," sabi ko na lang saka ako tumayo at tuluyang naglakad paalis.

ADVENTURE'S ADDENDUM:

Nakakatakot mang isipin pero mukhang nangyayari na. Mukhang sa parteng ito ay ako na naman ang talo. Mukhang umibig na naman ako sa maling tao. Bakit ba kasi ako nagkagusto sa demonay na iyon? Nakakainis! Magsama sila ng maarteng babaeng iyon.

Hindi man lang siya nag-sorry sa akin. Napaka-taas talaga ng pride ng demonay na iyon. Nakaka-imbyerna!

//////////////////////////////

BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine
Owned and written by EsonVitug
Season 4 ⓒ 2019 All Rights Reserved.
http://www.facebook.com/EsonVitug

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon