Friday, The Final Recital
Nandito kami ngayon ni Lorene sa dressing room. Katulad nitong mga nakaraang araw ay siya pa rin ang nag-aayos sa akin dito. At ngayong sandaling ito ay ikinakabit niya sa buhok ko itong brown afro extension. Oh, 'di ba? Buhok palang, Beyoncé na. Power!
Ngunit nang sandali ding ito ay nahihimigan kong parang badtrip si Pretty Fairy Lorene habang inaayusan ako. Hindi ko sinasadyang marinig na nagsisigawan sila kanina ng boyfriend niya sa phone. Ang narinig kong pinag-awayan nila ay may dinate daw na ibang babae ang boyfriend niya. Ang gago din naman nitong boyfriend niya. Ang ganda-ganda na ni Lorene tapos ay naghanap pa ng iba. Kaloka!
Iba na talaga ang mga lalaki ngayon. Kaya hindi na ako magtataka kung maghanap din ng iba ang magiging future boyfriend ko. Hindi na ako magugulat kung siya ay mangaliwa dala nang matinding pagka-umay sa mukha ko. Si Lorene nga na sobrang maganda na ay niloloko pa, ako pa kayang sobrang nakakasuka ang hitsura? Ugh.
Naka-busangot tuloy at hindi ako dinadaldal ni Lorene. Nako! Huwag lang talaga magpapakita sa akin iyong boyfriend niya. Sasarguhin ko ang mukha niya dahil sa ginawa niya sa friend ko.
Ang arrangement ng performance namin ngayon ay ganito. Unang magpe-perform ay si Gracie na susundan ko naman. Pagkatapos ko ay si Chiara. At ang pinakahuling magpe-perform ay si Donna. Nagbunutan kami kanina at tama ang hinala ninyong number 2 ang nabunot ko.
Ngayong final round, ang audiences namin ay ang lahat ng nag-audition, naging trainees at mga kamag-anak na may kasamang kaibigan o kapitbahay. Kaya naman inaasahan kong magiging maingay na ang audience ngayon hindi katulad nitong nakaraan. Ang malungkot lang dito ay ako lang yata ang walang supporter o kamag-anak dito. Ugh!
Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na ang recital. Super Bass by Nicki Minaj ang napiling kanta ni Gracie.
♬ "I said excuse me, you're a hell of a guy
I mean ma-ma-ma-my, you're like a pelican fly
I mean, you're so shy and I'm lovin' your tie
You're like slicker than the guy with the thing on his eye, oh
Yes I did, yes I did
Somebody please tell me who the f I is
I am Gracie and I mack 'em dudes up
Back coupes up and chuck the deuce up," ♬Wow! Ang galing niya palang mag-rap at saka sumayaw. Akala ko puro arte lang ang alam niya. Charot.
At gaya nga ng nabanggit ko kanina ay ako ang susunod na magpe-perform. Shemay! Please wish me the best of luck, guys! Hahaha.
Pagtapak ko sa stage ay nagbukas na ang curtain at nagsimula na ang tugtog.
Now Playing - Run The World (Girls) Live Audio by Beyoncé
[EsonVitug's Note: For better imagination, please play the video below. Thank you!]
♬ "Girls, we run this motha, yep! [4x]" ♬
Habang tumutugtog ang part na ito ay shini-shake ko ang magkabilang balikat ko habang hinahawi ang ulo ko kaliwa't kanan. Pagkatapos ng part na iyon ay sumayaw na ako nang bonggang-bongga.
♬ "(Who run the world? Girls!)
(Who run the world? Girls!) Sing!
(Who run the world? Girls!)
(Who run the world? Girls!) Here we go!
(Who run this motha? Girls!)
(Who run this motha? Girls!)
(Who run this motha? Girls!)
(Who run this motha? Girls!) Hey!
(Who run the world? Girls!) [4x]" ♬
BINABASA MO ANG
BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine
UmorismoTeka, babae ka ba talaga? 2013-2019 © EsonVitug Duration: 10/29/13 - 12/24/19 Do not judge this book by its title. Every book deserves to be read before being judged. http://www.facebook.com/EsonVitug http://www.youtube.com/EsonVitug http://www.twit...