"Saan mo gustong pumunta?" tanong sa akin ni Eight.
"Mag-drive ka lang nang mag-drive. Gusto kong maubos at matapos ang kaabnormalan na ito nang ganito," nayayamot kong sinabi.
Nang sabihin ko iyon ay natawa lang siya. At hindi lang basta ordinaryong pagtawa ang ginawa niya, hinaluan pa niya nang pang-iinis. Nakaka-imbyerna talaga.
"Sige, kung hindi ka magsasalita, daldalhin kita sa motel. At doon ko ilalabas ang sweetness ko," pang-aakit niya.
Jusmiyo. Nakakadiri! Hindi ba siya kinikilabutan sa mga sinasabi niya?
"Pwede ba, itikom mo 'yang matabil mong bibig kung wala kang magandang sasabihin?" pagbabanta ko sa kanya.
"Kapag tinanong ka kasi, sumagot ka naman nang maayos. Huwag mong pairalin ang pagka-alien mo," ismid niya.
Hindi ko na siya sinagot sa puntong iyon ngunit inirapan ko siya, tanda nang sobrang pagkainis sa kanya. At isa pa, bakit niya ba ako tinatawag na alien? Pangit pa rin ba ako sa paningin niya hanggang ngayon? Nakaka-iRita Avila!
Ilang minuto rin ang lumipas nang muli siyang magsalita.
"Manood na lang tayo ng sine," sabi niya.
"Ayaw ko. Huwag tayong pumunta sa lugar na maraming tao," alma ko.
"Kung hindi tayo makikita ng publiko na sweet at magkasama, walang magiging sibli ang marketing strategy na 'to," paliwanag niya.
"Hindi, ayaw ko. Mag-selfie na lang tayo sa mga pupuntahan nating lugar tapos i-post na lang natin online. Okay na 'yong gano'n."
"Haaay! Ewan," sabi niya. "Sige, magpunta na lang tayo sa museum. Tahimik doon at sigurado akong hindi ka pagkakaguluhan."
Finally, may maganda rin siyang sinabi. Ginamit niya rin ang utak niya. Kalurkey!
Pasensiya na kayo, kapag hindi ko talaga kaharap si Lorene ay nagagamit ko pa rin iyong beki words ko. Ewan ko ba. Na-inject na siguro ang mga salitang ito sa dugo ko kaya hindi ko sila maiwasang gamitin.
"Nandito na tayo," wika ni Eight kaya naman bumaba na kami sa kotse niya.
Pumasok at naglakad-lakad kami sa loob ng museo na ito. Humanap din kami nang magandang pwesto at doon ay nag-selfie kami upang may mai-upload kami sa online accounts namin. Mabuti na lang at hindi gaanong matao sa oras na ito kaya hindi namin kailangan masyadong magdikit.
Maraming minuto ang nagdaan nang mapukaw ni Eight ang atensyon ko. Ang dami ko na kasing natingnan na artwork sa paligid ngunit siya ay parang 20 minutes nang nakatitig sa iisang painting doon kaya naman dahan-dahan ko siyang nilapitan nang sandaling iyon.
"Ang ganda, 'no?" sabi ko paglapit ko sa kanya na tinutukoy ang painting na tinitingnan niya.
Hindi siya nagsalita, bagkus ay tumango lang siya bilang sagot nang hindi man lamang tumitingin sa akin.
"So, mahilig ka pala sa paintings?" tanong ko.
Sa puntong iyon ay nagsalita na siya upang sumagot.
"Hindi naman. Mahilig lang talaga ako sa maganda," sabi niya sabay tingin sa akin.
Nang sandali ding iyon ay sinikap kong iiwas ang tingin ko sa kanya. Ramdam na ramdam kong medyo nag-init ang pisngi ko sa puntong iyon. Nakakaasar!
"Oh, bakit ka nagbu-blush diyan? Gusto kong linawin na hindi ikaw 'yong sinasabihan kong maganda. Alien ka tandaan mo," pang-aasar niya.
Nang marinig ko iyon ay automatic na gumalaw ang paa ko para tapakan siya. Nagtagumpay naman ito kaya naman mamili-milipit sa sakit ang demonay na iyon. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil hindi niya alam kung paano kokontrolin ang hindi mag-ingay sa kabila ng sakit gawa nang pagtapak ko.
BINABASA MO ANG
BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine
HumorTeka, babae ka ba talaga? 2013-2019 © EsonVitug Duration: 10/29/13 - 12/24/19 Do not judge this book by its title. Every book deserves to be read before being judged. http://www.facebook.com/EsonVitug http://www.youtube.com/EsonVitug http://www.twit...