The Final Adventure

58 7 4
                                    

Alam kong marami ang nagtatanong sa inyo ngayon kung bakit naging ganoon ang desisyon ko, kagaya ng tanong ng mga taong malapit sa akin na nakakarinig at alam ang boses ko. Nais kong malaman ninyong lahat na pinag-isipan kong mabuti ang desisyon kong iyon. Alam kong may masasaktan ako ngunit alam kong mas makabubuti ito hindi lang sa akin kung hindi pati na rin sa nakararami.

Alam ko naman na noong mga sandaling binitawan ko ang mga salitang iyon ay iyon na ang hudyat na tapos na ang career ko bilang isang mang-aawit. Ngunit ayos lang iyon sa akin dahil gaya nga ng sinabi ko kanina ay napag-isipan ko na iyon nang mabuti.

Pinili kong palabasin na ako ang nagli-lip sync kahit na alam ninyo naman ang totoo. Alam kong sa desisyon kong ito ay magiging masaya si Lorene dahil nakasisiguro akong mapupunta sa kanya ang atensyon ng lahat at muli siyang sisikat.

Aaminin ko na mayroon kurot sa puso ko ang ginawa kong pagbitaw sa pangarap kong maging singer matapos ang lahat ng pinagdaanan kong hirap dito. Subalit ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa inyong mas nangingibabaw sa puso ko ang saya dahil makakalayo na ako sa nakakalunod na mundo ng showbiz. Oo, masaya ang umawit ngunit hindi ang mga toxic na tao sa industriya at ang mundo nito.

Ngayon ay nandito ako sa isang restaurant kaharap ang isa sa mga taong alam kong nasaktan ko sa ginawa kong desisyon.

"Boss Judy, muli ay humihingi po ako ng tawad sa inyo," sabi ko sa kanya.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa 'kin, Shine. Napakabuti mong tao. Pinili mong bitawan ang pagiging sikat mo para lang sumikat ang isang taong pinahirapan ka nang husto," paliwanag ni Boss Judy.

Sa totoo lang ay isang tao ang naging inspirasyon ko sa kabila ng ginawa kong desisyon. Si Eight ang nagpa-realize sa akin na hindi hamak na mas masaya ako sa simpleng buhay lang kumpara sa buhay-artista. Mas masaya ako noong mga panahong hindi pa ako sikat. Nabulag ako ng kagustuhan kong makilala ako sa larangan ng pag-awit ngunit nakalimutan ko ang mga taong mahalaga sa buhay ko. Kahit wala na si Eight sa buhay ko ay nagpapasalamat pa rin akong nakilala ko siya at binigyan niyang muli ng kulay ang madilim kong mundo.

"Sa totoo lang po ay natatakot din ako na baka maging malaki ang magiging impact sa VIVO Records ng ginawa kong iyon. At baka maapektuhan din ang mga taong umaasa sa kompanya ninyo. Sorry po talaga, Boss."

"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Marami pang artista ang VIVO at naniniwala akong kaya nilang bawiin kung ano man ang mawawala," paliwanag ni Boss Judy.

"Maraming salamat at napakabuti ninyo sa 'kin. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan," sabi ko sa kanya at saka ako tumayo upang bigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

***

Marami ang nagbago sa paglipas ng isang buwan. Oo, isang buwan na ng matapos ang career ko bilang sikat na singer. Ngunit lubos akong nagpapasalamat dahil hindi natapos ang career ko bilang singer. Magulo ba? Okay, let me explain it further.

Gaya ng alam ninyo ay hindi na ako sikat na singer ngunit singer pa rin ang trabaho ko ngayon. Muling bumalik ang kasikatan ni Lorene, at upang maging posible ito ay ako ang nagbibigay-boses sa kanya. Oo, tama ang iniisip ninyo na bumalik ako sa FlyHigh Records at bumalik din ako sa kaparehong trabaho ko dito noon. Masaya ako hindi lang dahil sa kumakanta akong muli, kung hindi dahil na rin sa maayos na pakikitungo sa akin ni Lorene. At sa puntong ito ay nararamdaman kong totoo na ang pakikitungo niya sa akin hindi katulad noon.

Madalas ko na ring nakikita si Tyrone dahil sa trabaho ko ngunit sinisikap kong iwasan siya at hindi kausapin hangga't maaari. Umiiwas ako sa kanya hindi dahil may gusto pa rin ako sa kanya, kung hindi dahil ayaw kong pagmulan iyon ng pag-aaway namin ni Lorene. Kampante akong wala na akong nararamdaman na kahit ano kay Tyrone dahil hanggang ngayon ay isang demonay pa rin ang sinisigaw ng puso ko.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon