Friday, The Recital / The First Battle
♬ "La la la la la la la la la la la la la la~
Tonight we gon' be it on the floor," ♬Pakanta-kanta lang ako ngayon dito sa banyo ng apartment namin habang naliligo. Grabe! Ang sarap naman sa ulo nitong shampoo na binigay sa akin ni PFGF Lorene. Sa wakas ay babango na rin itong buhok ko. Hindi na kasi ako nakakapag-shampoo simula noong naghirap kami. Bareta na lang ang ginagamit ko sa ulo ko pati sa katawan kasi mura lang ang isang putol niyon. Haha! Pero ngayon, huwag kayo! Naka-shampoo, naka-conditioner at nakasabon ako na Made in the USA. Imported. Bongga!
"Shine, matagal ka pa ba diyan?" pagtatanong ni Lorene na nasa labas nitong banyo namin.
Oo, nandito ulit siya sa bahay namin. Gusto niya kasi na siya ang mag-aayos sa akin dahil ayaw niya na pangit ako sa recital mamaya. Kahit naman anong make up ang ilagay niya ay pangit pa rin naman ako, hindi ba? Tsh!
"Ay, oo. Lalabas na ako. Sorry!" sagot ko kaya nagmadali na akong maligo.
Pagkatapos ko ngang maligo ay inayusan na ako ni Lorene gaya ng sinabi niya. Ang una niyang ginawa ay ipinasuot sa akin itong white sando na may nakasulat na "Another label another boy" pati itong red skinny jeans. Ang mga damit na ito ay ibinigay sa amin kahapon ni Ms. Cath dahil ito ang magsisilbing uniform ng group namin sa performance later.
Nang matapos kong suotin ang mga iyon ay pinaupo niya ako at saka niya inayos itong buhok ko. Ang una niyang ginawa ay pinlantsa niya ito para daw mas madaling ayusin. Pagkatapos niyang unatin itong buhok ko ay kinulot niya ang kalahati. Ugh! Ang gulo niya. Pinlantsa niya pero kukulutin niya rin pala. Tsss!
Matapos niyang kulitin ang kalahati ng buhok ko ay itinali niya ito sa bandang kaliwa. Sumunod niyang ginawa ay binunutan at nilinis niya naman ang kilay ko tapos ay nagsimula na siyang maglagay ng make up sa mukha ko.
Nang magmukha nang matino ang mukha ko sa tulong ng make up ay nilagyan niya naman ng lotion ang dry kong balat, tapos ay ini-spray-an niya ako ng perfume na mukhang mamahalin din. At ang pinakahuli niyang ginawa ay ipinasuot niya sa akin itong black heels na ipinahiram niya rin sa akin.
Finally! Matapos ng ilang proseso ay nagmukha na rin akong babae, yata? Hahaha! Hindi ako sure.
"Wooh! Natapos din," sabi niya at saka nagpunas ng pawis. "So, shall we go now? Baka ma-late pa tayo!"
"Okay, PFGF! Salamat pala," sabi ko naman.
"Don't thank me yet 'cause we're just starting," sagot niya.
"Huh?" naguguluhan kong tanong pagkabuhat ko nitong paper bag kung saan nakalagay ang outfit ko para sa solo performance ko mamaya.
"Oww! Nevermind that. Let's go!" sabi ni Lorene sabay hatak sa akin papunta sa labas kung saan naghihintay ang kotse niya.
Pagsakay namin sa sosyalin niyang kotse ay umandar agad ito at dali-daling nagpunta sa FlyHigh Building, at pagkarating namin doon ay nagpunta agad kami ni Lorene sa stadium dahil doon ang venue ng recital. Habang papunta doon ay nakasalubong namin si Princess.
"Hi!" pagbati niya sa amin. "Tanong lang, may nakita o nakasalubong po ba kayong babae na mukhang bakla? May kapandakan siya at Sunshine ang pangalan niya. Wala pa kasi siya, eh mag-i-start na ang recital."
Dahil sa sinabing ito ni Princess ay hinila ko ang buhok niya pababa.
"Aray! Bakit ka nanabunot?! Nagtatanong lang naman ako, ah! Ano bang hanap mo? Sparring?! Hindi kita uurungan!" sabi ni Princess na naiinis.
"Baliw ka talaga! Ako 'to," sagot ko nang nakasimangot.
"Anong ako 'to?" nagtataka niyang tanong.
BINABASA MO ANG
BABAE PO AKO: The Adventures of Sunshine
MizahTeka, babae ka ba talaga? 2013-2019 © EsonVitug Duration: 10/29/13 - 12/24/19 Do not judge this book by its title. Every book deserves to be read before being judged. http://www.facebook.com/EsonVitug http://www.youtube.com/EsonVitug http://www.twit...