Adventure #25

202 12 0
                                    

Mabilis na nagdaan ang mga araw at tatlong buwan agad ang lumipas. Grabe! Ibang iba na ang buhay ko ngayon kumpara dati. Hindi na ako naghihikahos sa pera. Sa katunayan nga nito ay sobra-sobra na ang pera ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa gagastahin ang mga iyon. Kung noon ay halos magutom ako sa kawalan ng pagkain at kwarta, ngayon naman ay halos masuka na ako dahil hindi ko alam kung paano namin uubusin ang mga pagkain sa refrigerator. Oh, yes! May refrigerator na kami.

Heto pa, ang bango-bango at ang ganda-ganda na ng paligid na araw-araw kong nararamdaman. Dito na kasi kami ngayon nakatira nina Princess at Pucholo sa condo yunit na ibinigay sa akin ni Tyrone my loves. Grabe! Hanggang ngayon, naninibago pa rin ako. Sobrang laki kasi talaga nitong condo yunit na ito. Ibang iba doon sa apartment room na tinirhan namin dati nang matagal. Iyong apartment room na iyon, kasing laki lang ng comfort room nitong condo yunit kaya sobrang hirap talagang mag-adjust.

Si Eight ay wala pa ring pinagbago. Palagi pa rin niya akong inaasar. At alam ninyo bang may bago siyang pang-asar sa akin? Sa tuwing dadalawin ko si mama sa mental hospital ay palagi niyang pinatutugtog sa phone niya iyong kanta ni Tuesday Vargas na Babae Po Ako. Nakaka-imbyerna! Kapag naman inaagaw ko sa kanya iyong phone niya para i-stop ang tugtog ay isisipol niya naman iyong tono ng kantang iyon kaya naiinis niya pa rin ako. Demonay talaga siya. Wala siyang ibang alam gawin kung hindi ang asarin ako. Bwiset!

Hindi na kami masyadong nakakapag-bonding ni Lorene pero naiintindihan ko naman iyon. Sobrang busy kasi ng schedule niya kaya wala na kaming time makapag-usap.

Si Tyrone naman, uwaaa! Kami na. Whahahaha. Hindi, charot lang. Pangarap ko lang iyon. Pero seriously, mas nagiging close na kami ngayon ni Tyrone kasi lagi kaming magkasama sa tuwing may practice at training. Dahil doon ay lalo tuloy akong na-iin love sa kanya. Emegesh!

And last but definitely not the least, mas okay na ang takbo ng isipan ni mama ngayon. Mas matino na siya kumpara dati. Minsan mabait ngunit madalas masama. Eh paano ba naman kasi, lagi niyang kasama iyong demonay na Dr. Eight na iyon kaya nagiging demonay din ang mama ko. Pero okay na talaga siya ngayon dahil mabilis ko nang nabibili iyong mga gamot na kailangan para gumaling na siya nang husto. Sa katunayan nga niyan ay nakikipag-usap na siya sa mga kapwa niya baliw doon. And you know what? Amiga ang tawag ni mama sa mga kaibigan niya doon. Nakikita ko talagang nag-i-improve na si mama at nararamdaman kong malapit na siyang gumaling. Konting kembot na lang at gagaling na siya.

Pero kahit sobrang nag-improve na ang buhay ko ngayon ay may isang bagay pa rin ang masasabi kong hindi kayang bilhin o baguhin ng pera. Ano pa nga ba ang tinutukoy ko? Syempre, ito ay walang iba kung hindi ang panlalait ng mga taong sobrang naaasiwa sa pagmumukha ko.

Nasa jeepney ako ngayon. Pauwi na ako sa condo ko. Wow! Ang sarap bangitin na may condo ako. Bwahahaha!

So ayun na nga, pauwi na ako sa condo ko kaya sumakay na ako dito sa jeep at nasa bandang gitna ako nakapwesto sa loob. Ang katabi ko sa kaliwa ko ay isang magandang babae tapos sa kanan ko naman ay itong si kuya na may pagka-manyakis. Eh paano ba namang hindi ko siya pagsasabihan ng manyakis? Kanina pa niya tinititigan ang flawless na legs nitong pretty girl sa tabi ko. Kulang na nga lang ay tumulo na laway niya. Tapos ito namang si ate, dedma lang. O baka naman kasi gusto niya ring pagnasahan siya? Sabagay, bakit nga naman siya magsusuot ng short na ubod ng iksi kung konserbatibo siya, hindi ba? Haaay. Ang kati-kati din nito ni ate. KATImora, KATIpunan, KATI Perry! Ugh.

"Excuse me lang po? Kuya, makikiabot naman po ako nitong bayad ko," sabi ko dito kay kuyang manyak dahil malapit siya sa jeepney driver.

Sa kasamaang palad ay dinedma niya lang ako. Tila wala siyang narinig kaya naman inulit kong muli iyon sinabi ko.

BABAE PO AKO: The Adventures of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon