Sikat ang pamilya naming sa paggawa ng upuan, Dinarayo kami ng mayayamang peninsulares para lamang makabili ng mamahaling upuan na ginagawa ng pamilya namin. Lingid sa aming kaalaman, mas sisikat pa pala ang mga upuang gawa namin dahil sa isang pangyayari.
Kilalang mayaman ang matandang dalaga na si Ms. Amelia sa aming lugar, pero isang tsismis ang kumakalat tungkol sa kanya. Ayon sa sabi-sabi isa siyang mangkukulam na may asawang demonyo. Hindi naman din ako naniniwala, napaka-imposible naman yatang mangyari ang ganoon. Nagmama-yari siya ng isang lupain sa may labas ng bayan. Walang may gustong pumunta doon o kaya naman ay mamasukan. Ang sabi nila nag-iisa lamang ito sa napakalaking bahay na minana pa nito sa kanyang mga magulang. Ngunit sa tuwing gabi daw ay may maririnig kang tumatawa doon na prang baliw. Marami ng kuwento tungkol sa matandang dalaga, ang iba doon ay napakaimposibleng paniwalaan.
Isang araw ay nagulat kaming lahat ng bigla na lamang bumisita sa aming shop si Ms. Amelia. Sa tindig pa lamang ay halata mo nang mataas na tao ang tingin nito sa sarili. Lumapit ito sa isang Morris Chair at hinawakan. Luma na ang istilo ng upuan na iyon ngunit parang nagustuhan niya. Agad niyang tinanong ang presyo nito at inabot karakaraka ang bayad. Ni hindi ito tumawad kahit na mas tinaasan ni Papa ang presyo kumpara sa orihinal nitong presyo.
Ilang buwan din ang lumipas matapos niyang magawi sa lugar namin. Isang araw ay bigla na lamang may nabalitang natagpuang bangkay ng isang matandang babae, punong puno siya ng kalmot sa kanyang katawan at ang kanyang mukha ay parang binalatan at ninakaw. Kalaunan ay nalamang si Ms. Amelia ang nagmamay-ari ng katawan. Nakita rin ang isang piraso ng kahoy sa may malapit sa pinangyarihan ng krimen, inimbitahan si Papa sa pulisya para lamang i-identify ang piraso ng kahoy na iyon. Ang kahoy ay mula sa paanan ng nabiling upuan ni Ms. Amelia mula sa aming shop. Pero ang upuan kung saan nagmula ang kahoy ay nawawala.
Nanatiling palaisipan ang nawawalang upuan. Totoo naman na mahal ito ngunit sino naman ang magkakainteres sa isang upuan na kulang ng isang paa? Ang mga gamit sa bahay ng matandang dalaga kasama na ang mamahaling alahas ay hindi nawala. Tanging ang isang piraso lamang ng upuan ang hindi makita. Isa pa bakit kailangan pang balatan ang mukha ni Ms. Amelia? Gayong malalaman at malalaman din kung sino nga ang namatay na iyon.
Matagal na nabinbin ang kaso, wala silang makitang tao na may motibo para gawin ang bagay na iyon kay Ms. Amelia. Wala rin naman silang makuhang ebidensya na makakapagturo kung sino ang may sala, hangang nasundan ang pangyayari.
Isang negosyanteng Tsino ang binalitang namatay sa parehong sitwasyon. Ang lugar na pinagyarihan ay humigit kumulang 1 milya ang layo mula sa aming lugar. Ang negosyanteng Tsino na iyon ay punong puno rin ng kalmot sa buong katawan niya, ang mukha niya rin ay tinalupan at binalatan at muli ang isang piraso ng kahoy ay nakita malapit sa katawan ng biktima.
Muling ipinatawag si Papa ng mga imbestigador at tama ang kanilang hinala, mula rin iyon sa upuan na binili ni Aling Amelia. Sa pagkakataong ito ang kabilang paanan naman ng upuan ang nakita.
Sinabi ng pamilya nito na nabili nila ang upuan sa isang matandang babae. Ang paglalarawan sa kanila ng pamilya ay kaparehas ng deskripsyon ni Ms. Amelia. Nagbaka-sakali ang pulisya na ipakita sa pamilya ang litrato ni Ms. Amelia at sinabing ito nga ang nagbenta sa kanilang ama. Sinabi naman ng pulis na imposibleng mangyari iyon dahil na rin sa patay na si Ms. Amelia. Ngunit sinigurado ng pamilya na si Ms. Amelia ang nagbenta ng upuan sa kanilang ama.
Sari-saring spekulasyon at istorya ang kumalat. May nagsasabing bumalik mula sa kanyang hukay si Ms. Amelia at naghahanap ng bibiktimahing tao. Sabi naman ng iba ay ang demonyo raw iyon at kinukuha ang mukha ng mga biktima niya para magpanggap na tao at makahanap ng mas maraming biktima. Kahit ang mga pulis ay tinitingnan na ang paranormal na anggulo sa krimeng nagaganap.
Lumipas ang tatlong araw at muling nasundan ang krimen. Isang inhinyero sa malayong lugar ang nakitang wala ng buhay sa gitna ng daan. Kaparehas ng mga unang pangyayari, punong puno rin ito ng kalmot sa buong katawan, binalatan ang mukha at isang piraso muli ng kahoy ang nakita, na mula sa Morris chair na orihinal na binili ni Ms. Amelia.
Pero sa pagkakataong ito ay may isang bagay na nakita ang mga pulisya malapit sa pinangyarihan ng krimen, isang platik ng tinapang bangus. Ngunit hindi iyon ang nakakuha ng kanilang pansin, ang mga diyaryong ginamit na pambalot sa tinapang bangus ay mula sa Super Balita Cebu. Naalala rin ng pamilya ng Tsino na binigyan din nga pala sila ng babaeng iyon ng tinapang bangus. Isang malinaw na indikasyon na maaring ang may sala ay mula sa lugar na iyon.
Sinuyod ng mga pulisya ang Metro Cebu, inumpisahan nilang magtaong tanong sa mayayamang kolektor ng mamahaling upuan, dahil sila ang kadalasang binibiktima ng mga ito. Hindi naman sila nabigo at kalaunan ay nakilala nila ang isang local na pulitiko na binebenthan ng isang di-kilalang tao ng isang Morris Chair.
Kinutsaba ng mga pulis ang pulitiko na nag-aalok ng isang Morris Chair na gawa ni Papa. Matiyagang naghintay ang mga pulisya sa lugar na pinagusapan ng dalawa. Maya-maya pa nga ay dumating na ang isang babae na nakasuot ng kulay itim na damit at natatakpan ng belo ang mukha. Nang alisin ng babae ang belo ay nagulat sila sa nakita. Mukha iyon ni Ms. Amelia. Hindi lubos maisip ng mga nandoon kung ano ang gagawin dahil alam nilang ang katawan ng natagpuan nilang patay ay si Ms. Amelia. Pinatunayan iyon ng re-imaging na ginawa nila sa bangkay.
Maya-maya pa ay bumaba na ang mga pulis patungo sa direksyon ng babaeng kamukha ni Ms. Amelia. Nagpumiglas ito at nagwawala, sinubukan niyang tumakas, ngunit wala siyang magawa sa dami ng pulis na humahawak sa kanya.
Nang makarating sila sa istasyon ng pulis ay walang nagawa ang babae kung hindi umamin sa kanyang kasalanan. Ang kanila palang pamilya ay dati ring gumagawa ng mga upuan. Nalugi ang kanilang negosyong upuan ng dahil sa mas pinaboran ng nakararami ang mga gawa ng aking ama. Dinamdam iyon ng kanyang mga magulang at di kalaunan ay namatay ang mga ito. Ang babae raw na natagpuan nilang patay ay kanyang kakambal na may kakulangan sa pag-iisip. Itinago ito ng pamilya ng matagal na panahon dahil sa kahihiyan. Pinatay niya ito para isiping patay na siya ng mga awtoridad Ang mga kalmot nito sa katawan ay ginawa niya. Natutuwa siyang pahirapan ang mga biktima bago niya ito tatapusin. Iniiwan niya ang isang piraso ng upuan sa lugar ng krimen para pagbintangan ang aking ama ng dahil sa inggit. Matapos iyon ay gagawin niya uli ang nasirang parte ng upuan at iaalok sa ibang tao. Ang mga mukha naman ng kanyang binibiktima ay iniipon niya at ginagawang pantakip sa seat cushion ng binubuo niyang upuan.
"Isang mukha na lamang at makukumpleto ko na ang pangarap kong upuan." Wika ni Ms. Amelia sabay tawa ng malakas.
Agad nilang kinulong si Ms. Amelia at hinalughog ang tinitirhan nitong bahay sa Cebu. Nakapagtatakang wala ni isang bakas ng upuan ang nakita nila. Pagdating nila sa presinto ay nakita nilang nagpakamatay si Ms. Amelia.
Makaraan ang ilang araw ay may lumabas na balita sa lokal na diyaryo. Isang babae ang natagpuang patay na puro kalmot at ang mukha nito ay binalatan. Ayon sa mga kwento ang upuan ni Ms. Amelia ang pumatay dito, wala daw makapagsasabi kung nasaan na ang upuan dahil mukha lang itong normal na upuan. Malalaman mo lang daw na ito ang upuan ni Ms. Amelia sa oras na umupo ka dito, yun nga lang malamang sa hindi, iyon na ang katapusan mo.
BINABASA MO ANG
Pinoy Horror Stories (Completed)
HorrorExperience true horror with this chilling collection of stories inspired by real-life events. From the twisted minds of history's most notorious serial killers, comes a macabre selection of tales guaranteed to leave you speechless. Beware, this is n...