Ang Biyuda

22.6K 355 20
                                    

Isa sa pinakamaganda sa aming baryo si Loisa. Nasa elementarya ako nang siya ay nagpakasal sa solong anak ng mayamang negosyante.. May ari sila ng isang malaking kainan sa may bayan na kalaunan ay binigay na kila Loisa at sa anak nilang si Ramon. Araw araw ay puno iyon ng parokyano dahil na rin sa sarap ng lutuin nila. Biniyayaan din sila ng isang supling kaya't kailangang huminto pansamantala ni Loisa sa pagtatrabaho sa kainan at pagtuunan ng pansin ang kanilang bagong anak.

Lingid sa kaalaman ni Loisa ay hindi marunong sa negosyo ang asawa niya. Kalaunan ay binenta nito ang kainan na hindi alam ni Loisa. Nang malaman niya ito ay nagdamdam siya at naging dahilan ng madalas nilang pag-aaway. Palagi niyang sinusumbatan ang asawa sa pagbenta ng negosyo nila nang hindi niya nalalaman.

Sa 'di namin malaman na dahilan ay napabalita na lamang na nawawala si Ramon. Sinabi ni Loisa sa mga kapitbahay na iniwan na sila nito kapalit ng ibang babae at tinangay pa ang kanilang anak. Naawa naman ang mga kapitbahay kay Loisa. Kahit ang pamilya ng lalaki ay walang mukhang maiharap sa dalaga. Bukod kasi sa binenta na ang pinaka-iingatang negosyo ay iniwan pa siya nito kapalit ang ibang babae. Matapos ang balitang iyon ay lumipad na papuntang ibang bansa ang mga magulang ni Ramon para doon na manirahan dahil sa kahihiyang dulot na ginawa ng kanilang anak.

Nagkaroon si Loisa ng iba't ibang karelasyon sa maraming lalaki. Marahil na rin ay dahil sa pag-iwan na ginawa sa kanya ng kanyang dating asawa. Pero kahit ganoon dumating din ang panahon na nakilala niya si Allan, isang piloto. Nagdesisyon silang magsamang dalawa sa iisang bubong at dahil kasal pa siya kay Ramon ay imposible ang gusto niya na muling maikasal. Nang mga panahong iyon ay naisip ni Loisa na magpakalat ng bagong tsismis tungkol sa dating asawa. Mabilis na kumalat sa buong baryo na namatay si Ramon nang dahil sa isang aksidente at hindi na mahagilap ang bangkay nito. Tagumpay ang balitang ipinakalat ni Loisa, nakumbinsi niya ang kanilang barangay na tumestigo na talagang namatay na nga ang kanyang dating asawa pati na rin ang kaniyang mga magulang. Binigyan siya ng sertipikasyon na talagang pumanaw na nga ang kaniyang asawa.

Isang Linggo lamang ang lumipas at nagpakasal silang dalawa ni Allan. Binawi niya rin restaurant na dating binenta ng kaniyang asawang si Ramon sa tulong na rin ni Allan. Ngunit hindi lingid sa kaalaman ni Loisa na sadyang mahilig sa babae ang asawa. Mapapansing napupuno ng mga kababaihan ang kanilang kainan sa tuwing uuwi si Allan at bibisita sa kainan. Alam niyang hindi lalaon at mahuhumaling ang asawa sa ibang babae.

Hindi papayag si Loisa na iwanan siya ng asawa. Noong mga panahong nararamdaman na niya na may iba ng kalaguyo ang kasalukuyang asawa. Nilagyan niya ng lason ang pagkain nito at pinanood niyang unti-unting mamatay.

Tila wala namang nakapansin na nawawala si Allan dahil na rin siguro sa piloto ito at madalas mawala ng matagal. Kung titigil naman siya sa kanilang lugar ay sandali lamang at wala ring talagang nakakakilala sa kanya doon ng lubos.

Nagkaroon muli si Loisa ng relasyon sa iba't ibang lalaki. Isa rito ang isang lalaking may asawa na. Nagkaroon sila ng lihim na relasyon na pilit na itinago sa asawa ng lalaki. Ngunit hindi nagtagal ay nakaramdam ng pagsisisi ang lalaki. Nakipagkita siya kay Loisa sa huling pagkakataon para makipaghiwalay dito. Alam na ni Loisa ang binabalak ng lalaki at muli ay hindi siya papayag na iwanan nito. Noong gabing iyon, hindi na nakauwi ang lalaki.

Agad nag-alala ang asawa ng lalaki at dumulog sa pulisya. Unang pumunta ang mga pulis sa bahay ni Loisa at nagtanong. Inamin ni Loisa na nagkaroon sila ng relasyon pero hindi niya alam na kasal ang lalaki. At dahil sa kulang ang ebidensiya ng mga pulis wala silang magagwa kundi itigil ang kaso.

Pero hindi papayag ang asawa ng lalaki na mapunta na lamang sa wala ang kaso ng pagkawala ng kanyang asawa. Nagtanong siya sa mga bahay-bahay at natuklasan niya ang mga kaso ng dating asawa nito. Si Ramon na sumama raw sa ibang babae kasama ang kanilang anak at ng matapos ay bigla na lang namatay at si Allan na misteryoso na lamang na hindi umuwi ng kanilang bahay.

Lumawak pa ang pagsasaliksik niya at napag-alaman niyang may 12 lalaki pa ang nawawala na nagkaroon ng maikling relasyon kay Loisa. Karamihan sa kanila ay mga turista na bumisitang panandalian lamang sa kanilang kainan kaya't walang nakapansin sa kanilang pagkawala.

Dinala niya ang kanyang nalaman sa pulisya at agad nilang sinaliksik ang bahay ni Loisa, Natulala sila sa kanilang nakita. Isang malaking koleksyon ng mga kabaong na nakahanay sa isang kwarto ng bahay nila Loisa. 35 kabaong ang nasa loob kasama na ang isang maliit na kabaong na pinaniniwalaang ang kanilang anak ni Ramon.

Sinabi niyang hindi niya kayang mawala sa kaniyang piling ang mga lalaking mahal niya kaya't kung plano siyang iwan ng mga ito ay nilalason niya na lamang at inilalagay sa kabaong. Madalas pagkagaling sa kainan ay pupunta siya sa kwartong iyon para pagmasdan ang kaniyang koleksyon ng mga bangkay at kabaong. Patunay ito ng kanyang kagandahan at kung ilang lalaki ang nahumaling sa kanya. Bawat isang kabaong ay may pangalan at petsa kung kailan niya ito nakilala at kung kailan ito namatay. Palatandaan na ang kabaong ay ginagawa na sa oras na makilala niya ang lalaki.

Agad kinulong si Loisa at nahatulan ng panghabang-buhay na pagkakabilango. Lumipas ang dalawang taon sa loob ng kulungan at si Loisa ay misteryoso na lamang nawala. Walang makapagsabi kung saan ito nagpunta. Tanging isang piraso na lamang ng daliri sa loob ng selda ang nakita na pinaniniwalaang kay Loisa. Ang huli lang na nabalitaan ng mga preso tungkol kay Loisa ay nagkaroon ito ng relasyon sa isang pulis na nakadestino doon.

Wala naman ding nagreklamo tungkol sa kanyang pagkawala, wala na naman siyang pamilya na maghahanap sa kanya dahil nga pinatay na niya ang mga ito. Ngunit may isang pulis na natatandaan na noong gabing mawala si Loisa na parang bula ay nakita niya ang kanyang mga kasamahang pulis na nag-iinuman at nagtatawanan. Ang diumano'y narinig niya sa isang pulis ay:

"Anak ng, kaya pala maraming nahumaling na lalaki dito, masarap pala talaga. Hindi na kailangan ng pampalasa, nanunuot ang lasa hangang sa buto niya." Sabay nagtawanan ang mga pulis na naroon.

Pinoy Horror Stories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon